Part 42 (Special Announcement)

3.3K 80 1
                                    



Abcd POV




"Relax" sambit ni Nico ng makarating kami.


"Kinakabahan ako eh whooo" feeling ko tatalsik na yung puso ko hindi naman kasi ako mahilig sa ganito.




"Just be yourself" pagpapakalma sa akin ni Nico.




"Okay"





"Lets go inside" pagyaya nito.





Madami na ang tao sa loob kaya naman pag pasok namin ni Nico ay nakatingin sila lahat samin correction pala nakatingin sila kay Nico. Habang naglalakad kami ay madami ang bumati sa kanya.





Ng makarating kami sa table sa unahan ay umupo na kami at nag salita ang MC.





"So everyone lets start. Now I will welcome our birthday boy Mr. Nico Morris please come here in front" nagpalakpakan muli ang mga tao ng tumayo si Nico.




"Good evening everyone I just want to thank you for coming to my birthday and my sisters welcoming party and most of all I would like to thank to a girl who accept my request to be my partner Im so hppy that shes here celebrating with me. Well thats all and enjoy" medyo nahiya naman ako sa sinabi ni Nico dahil ngayon nagtitinginan sila sa pwesto ko.



"And now ladies and gentlemen lets all welcome our gorgeous and sexy sister of Nico MS. BIANCA DE GUZMAN" at nagpalakpakan ang mga tao.






Nabigla naman ako sa sinabi ng MC na kapatid ni Nico. Si Ms. Bianca??





May lumabas na babae sa likod ng malaking kurtina at nakita ko si Bianca. Grand entrance ang bruha. Hindi ko naman akalain na magkapatid sila ni Nico mas lalo pa yatang lalala ang sitwasyon ko ngayon.





Nagsasalita na si Bianca ng mapatingin sya sa pwesto ko kaya agad na akong tumalikod. Nagtaka naman ako dahil sa inasal nya bigla syang ngumiti ng nakakaloko. Aalis na sana ako sa venue baka mamaya magkagulo na naman kami ni Bianca pag tumagal pa ako..





Ngunit ilang hakbang pa lamang ako ay bigla akong napatigil sa sinabi ni Bianca at tila nanigas ang buo kong katawan.





"Please let me introduce to you my 'FIANCE' WASYL RALPH ALEXANDER STONER babe come here" at nagpalakpakan ang lahat ng tao sa loob.





"Im thankful to all of my guest who came to my birthday and also to my special announcement. Yes you heard it right he is my fiance" sambit nyaaa





Unti unti naman akong lumingon sa kinatatyuan nila. Napansin ko ang napakalawak na ngiti ni Bianca at ng tingin ako kay Xander ay naka poker face lang sya. Hindi ko mabasa ang laman ng isip nya. Naguguluhan na ako. Bakit nya pinaramdam sakin yon kung ganitong magiging fiance sya ng iba.





Wala man akong karapatang mag reklamo pero hindi ko maipagkakailang nasasaktan ako ngayon.





Pinipigilan ko ang luha na malapit ng bumagsak sa mga mata ko. Nakakahiya dahil marami ang mga bisita baka maging center of attention pa ako masira ko pa ang party nila.




Nakatingin lang ako kay Xander habang nagpipigil ng luha. Maya maya ay napalingon sya sa direksyon kung nasaan ako.





Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya dahil baka sakaling mabasa ko ang nasa isip nya pero mali ako nag expect ako na bala mabigla sya at bawiin ang sinabi ni Bianca tungkol sa kanila.






Ang tingin na yon ay ang tingin nong una kaming nagkita na balewala lang ako sa kanya, walang halaga, pinandidirihan at hindi kinikilala.





Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya agad na akong tumalikod at agad na tumakbo palayo sa lugar na iyon. Naririnig ko pa ang tawag ni Nico pero hinayaan ko lang sya.



Isang linggo kong pinaghandaan ang party na ito pero hindi ko akalain na ganito ako kabilis aalis at sa ganitong sitwasyon pa. Matagal ko na syang hindi nakikita at gustong gusto ko syang makasama kaya pala hindi ko sya nakikita busy sya sa iba. May iba na syang pinagkakaabalahan.





Ngayon nagising na ako na talagang laro lang para sa kanya lahat ng iyon para sa kanya at ako naman paniwalang paniwala sa kanya kaya eto ang inabot ko.





Pinagdarasal ko na makita ko sya pero hindi akalain na magiging ganitong kamiserable.






Tumakbo lang ako ng tumakbo na parang hindi ako napapagod. Wala akong pakialam sa mga taong tumitingin sa akin.




Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ako sa isang lumang park. umupo ako sa isang swing ng maramdaman kong hindi ko na kaya tumakbo.





Doon ko pinagatuloy ang paglabas ng luha ko. Hindi kaya ng dibdib ko kung anong nangyayari. Ano mang paliwanag ko sa sarili ko na dapat hindi ko nararamdaman ito ay hindi ko mapigilan. Parang gripo na patuloy na bumabagsak ang luha ko.





Nagmukha akong GOBLIN dahil sumabay ang ulan sa pagiiyak ko. Ako na yata si Kim Shin. Napatawa ako sa naisip ko sa sobrang kanonood ko ng K-drama. (K-drama fan here ipopromote ko lamg HAHA)







"Bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko? Ang sakit sakit napakatanga ko talaga" sambit ko at nagpatuloy ulit sa pagiyak.
















"IM SORRY ".................. ????????

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon