Part 30 (The truth hurts)

6.5K 182 2
                                    


Abcd POV

Pagkatapos ng pagmamalling namin ni besh ay hinatid na nya ako. Inabot na nga kami ng gabi.

"besh ingat ka ha magtext ka sakin pag uwi mo" sabi ko sa kanya.

"Sige beshy bye bye" paalam nya sa akin.

Pumasok na ako sa building dala ang ibat ibang bags na pinamili namin ni besh kanina.

Ng makarating na ako sa condo ay kinuha ko na ang card at pinunch sa door knob agad naman itong bumukas.

Pagkapasok ko ay hinanap ko si Xander pero mukhang wala pa siya. Anong oras na pero wala pa rin sya.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ko muli ang number nya pero gaya kanina ganon pa rin hindi ko pa rin sya makontact.

"Nasan ka na ba Xander?" Sambit ko.

Inayos ko na ang mga pinamili namin at inilagay sa kwarto ko. Ilang oras pa ang hinintay ko pero wala pa rin si Xander naisipan ko matulog na dahil baka pag gising ko sa umaga ay nandyan na siya. Im sure ayos naman siya hindi nya hahayaang mapahamak siya.

****

Ng magising ako ay kaagad akong bumangon para tingnan si Xander sa kwarto nya kahit hindi ko pa naayos yung sarili ko mukha na yata kong sira sa hitsura ko.

"Xander?" Pagtawag ko sa kanya.

Walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto ng kwarto nya.

"Xander?" Tawag ko muli pero wala talaga siya.

Lalabas na sana ako ng may mahagip ang mata ko. Isang picture na nakalagay sa side table ng kanyang kama.

Lumapit ako para makita ang picture na iyon. Si Xander yung nasa picture kasama ang isang babae. Tiningnan ko naman yung kasama nya maganda siya at bagay sila. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ngiti kay Xander napaka inosente nya dito parang isang taong masayahin, masigla pero ngayon parang ibang iba na sya.

Baka sya ang dahilan kung bakit ganito kasaya si Xander aa picture na to. Gaano kaya siya kahalaga kay Xander at iniingatan nya ang litratong ito at dinidisplay pa nya.

Hindi pamilyar sa akin yung baaing kasama nya never ko pa siyang nakikita na kasama ni Xander.

Lumabas na ko ng kwarto dahil pakiramdam ko bumibigat ang pakiramdam ko.

Naisipan kong puntahan si Sir Stoner ang daddy ni Xander itatanong ko sa kanya kung alam nya kung nasaan si Xander. Kaagad na kong nag ayos ng sarili ko para makaalis na.

"Kuya Ben" tawag ko sa device na nakakabit sa maliit na gate. Nandito na ako sa harapan ng mansyon ng mga Stoner.

"Sino yan?" Tanong nya sa akin.

"Si Jillian po ito" sagot ko.

"Sandali lang" maya maya ay bumukas na ang gate.

"Kuya Ben nandyan po ba si Mr. Stoner?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nandyan sya sa loob"

"Eh si Xander po ba nandito?" tanong ko rin sa kanya baka kasi dito siya natulog.

"Nako wala si Sir Xander dito hindi pa siya umuuwi" sambit nya.

"Ah ganon po ba sige po papasok na ako" paalam ko sa kanya.

"Ipapahatid na kita kay Mang Nestor" pag aalok nya sa akin.

"Salamat po kuya Ben"

Dumating na si Mang Nestor at inihatid nya ako sa mansyon. Alam nyo naman na mahabang lakarin bago maka punta sa mismong mansyon.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon