Chapter 15 (Series 1 End)

Magsimula sa umpisa
                                    

humiyaw sila at nagpalakpakan sa akin,nagpasalamat lang ako ulit bago ako hinatid ni Ms.Sandchez sa magiging office ko.

binuksan niya ang pinto at tumambad agad sa akin ang office.pumasok ako dun at lumingon sa paligid.

maganda siya,kulay brown ang pinta ng pader,may mga nakasabit na larawan doon ng mga dating president tapos may aparador din,mini-library at kung ano-ano pa na makikita mo sa isang office,namangha ako kasi para talaga siyang office ng isang firm ng company.

hindi na'ko nagtataka dahil mayaman naman talaga at sikat ang school na'to.

Dati working student lang ako pero ngayon hindi ko inaasahan na makakapasok ako dito.

at lahat ng iyon ay pinagpapasalamatan ko kay Kuya dahil sa ilang buwan na pamamalagi ko sa America,napagdesisyonan nitong iuwi kaming dalawa ni Mom dito para magpatuloy ako sa pag-aaral habang siya ay patuloy lang na pinapatakbo ang kompanya ni Dad sa America.

matapos kasi namin makabalik sa America,ginawa ko lahat para mapasaya si Mom at hindi ako nahirapan dahil buong sarili at oras ko binigay ko sa pag-aalaga sa kanya.naging masaya pa'rin naman ako kahit papaano pagkatapos ng nangyari sa amin ni Rafael.

pero sabi nga nila lahat ng lungkot may kapalit na saya,isa sa mga hindi ko makakalimutang araw sa America ay ang humingi ng tawad si Kuya sa ginawa niya sa'kin at pinakita ang pagbabago nito.

natanggalan ako ng ilang sakit nang marinig ko ang mga sinabi ni Kuya para lang mapatawad ko siya.

pero sino ako para hindi bigyan ng dalawang pagkakataon si Kuya.

Sa huli nagkapatawaran din kami.

they are three stages to reconcile with someone.

una.Forgive.

dalawa.Accept

at ang huli...Forget.

natutunan ko lahat ng yun sa karanasan ko.

"Iiwan na kita dito Mr.Hyun at ikaw na ang bahala ayusin ang mga gamit mo,9:00 may meeting tayo sa mga officers para sa mga platform na gagawin ninyo,okay"

tumango lang ako sa kanya bago siya lumabas sa office.

nilagay ko ang kahon ng mga gamit ko sa lamesa at inumpisahan ayusin yun at nilagay sa tamang lalagyan nito.

**********

matapos ang meeting namin,naisipan ko nang pumasok sa klase ko.

syempre,hindi ako nagpapaka-chill bilang President,may tungkulin din ako bilang estudyante.

umupo ako sa tabi ni Betty,isa sa mga kaklase ko.

abala siya sa kakausap sa mga kaibigan nito dahil wala pa'rin kasi ang Prof namin.

minabuti kong kunin ang Libro ko at magbasa na lang muna.

"Did you know Guys na bukas ang orientation ng mga transferee dito?"narinig kong sabi ni Betty.

"Yesss,we know at lahat sila mga college student!"sabi nung isa.

ano naman ngayon kung College student?

gumana ulit kasi ang tsismis gaydar ko sa narinig.

naalala ko kasi ang isa sa mga pinag-usapan namin kanina,bukas may orrientation tungkol sa mga rules at regulations para sa mga transferee at isa ako sa mga speakers.

"kalat-kalat na dito girl na lahat sila mga lalaki,walang babae at ito pa ha!ang ga-gwapo raw nila!!eehhhh!!"tili ni Betty.

napairap ako sa narinig.

Crappy Blue Thing(boyxboy)(Complete)Love Collide Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon