Chapter 13

1.3K 65 0
                                    


Crappy Blue Thing                                                                                                                                         Written by: Henry_1998


"Wake up"



A/N: Any medical situation in this part is under my imagination,the story part contains some medical procedure and information wala po akong binasihan na info,knowledge ko lang po ito and just for entertainment purpose.

Thank You

BASA!

********

-Three Days Later-

-Juri

matapos ang nangyari sa Bus Station,mailap ko nang nakikita si Rafael sa school kahit dito sa Condo,minsan na lang siya lumalabas at ilang 'HI''Hello' lang ang binibigay nito sa tuwing nagkakasalubong kami.

nakakapanibago kasi,akala ko pag-uusapan namin ang bagay na yun pero bakit baliktad?parang ako pa ang lumalapit sa kanya para sabihin yun at siya naman itong lumalayo sa akin at kinakausap ang barkada nito.

sa totoo lang,nagulat ako sa ginawa at sinabi niya kaya siguro hindi nakapag-ready ang sarili ko.hinimatay agad ako.

pabebe rin kasi ang katawan ko.

naisipan kong puntahan siya sa Music Club pagkatapos ng trabaho ko.

"Excuse me,Miss nandiyan ba si Rafael?"tanong ko sa babaeng kakalabas lang ng Club.

"hindi mo na ba nabalitaan?"tanong niya.

kunot-noo ko siyang tinignan.

"na ano?"

"kahapon siya umalis sa Club,sayang nga eh,kasi wala na kaming lead singer na lalaki"

"HA!?"hindi makapaniwalang sabi ko.

anong nangyayari?

anong pumasok sa isip niya para gawin yun?

"anong sabi niya?"tanong ko.

"mag-fofocus na lang daw siya sa Study niya,pero hindi ako naniniwala.."

"b-bakit naman"

ngumiti siya.

"isa akong psychology student,kaya nababasa ko ang reaksyon ng mukha at galaw niya,kahit hindi naman psychology student mahahalata na heart broken siya,namumula kasi ang mata niya at yung title ng kinanta niya.."

kumunot ulit ang noo ko sa paliwanag niya.

"I'm sorry,kinanta?"tanong ko.

tumawa siya ng mahina bago sumagot"nasa rule kasi ng Club na kapag ang isang member nag-quit,kakanta ng huling beses bago umalis sa Music Club,parang farewell song"

may ganun pa?

ang arte ha..

pero anyways...

"So anong kinanta niya?"

"Don't Let Me Go ni Avril Lavigne"

ayy grabe,ang sasakit at ang ganda ng lyrics nun.

narinig namin ang tunog ng bell kaya nag-paalam na agad ang babae sa akin,ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.

Crappy Blue Thing(boyxboy)(Complete)Love Collide Series 1Where stories live. Discover now