Chapter 6

1.6K 67 1
                                    

Crappy Blue Thing                                                                                                                                    Written by: Henry_1998

"The New Normal"



-Juri

malaki ang eyebug na lumabas ako sa Condo dala ang naipon na basura,nahirapan pa akong hilahin ito dahil ang dami talaga.

tagaktak ang pawis na lumabas ako sa building ng Condo at agad na hinagis yun sa malaking Garbage Box hindi kalayuan.

ininat ko ang katawan bago ko maisipan bumalik sa loob pero napalingon ako sa sasakyan na huminto sa harap.

ang yaman,mukhang branded ang sasakyan.

ilang sandali lang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang babae.

kung straight as pole siguro ako,mahuhulog ako sa kagandahan at kaseksihan niya.

Timing naman na lumakas ang hangin kaya nag-ala victoria secret ang lakad niya papunta sa akin.

O_o

sa akin?

"Hi!"masayang sabi nito tapos nagulat ako nang agad niya ko niyakap at hinalikan sa pisngi.

tulala naman ako at nagtataka siyang tinignan sa ginawa nito.

wait?close ba kami?

"Oh?anong itsura yan?"tanong pa nito.

sinipat ko ang mata niya pero hindi talaga siya pamilyar,well hindi pa siguro dahil nakasuot kasi siya ng sunglasses.

"teka,magkakilala ba tayo?"tanong ko.

"Duh,Oo kaya,about a couple of weeks ago,remember me?"tapos parang nag-slomo ang eksena nang kunin nito ang sunglasses niya sabay wave ng buhok nito.

SHHHHRRRIIIINNNNGGG******

"kilala mo na ko?"tanong niya.

tik

tok

tik

tok

tik

tok

tik

tik

tok!

"hindi parin eh.."

bigla na lang nagpalit ang mukha nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Aww,Ako si Seyun! ang bestfriend ni Rafael!remember me sa Love Restaurant"

"Ahhhh!!! kaya pala hindi kita natatandaan dahil ang bilis mo kasing umalis"sabi ko.

tumawa lang siya sa akin.

"ikaw talaga,type na pala ngayon ni Rafael ang may sense of humor"sabi nito.

haha..

may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit ka pala,napunta dito?"tanong ko.

"Ah,is your boyfriend arround?natutulog parin ba?"

kumunot ang noo ko sa tanong din niya.

"B-Boyfriend?"

mahinhin niya kong hinampas sa balikat ko at tumawa ulit"si Rafael ang sinasabi kong boyfriend mo,sandali,may iba ka pa bang boyfriend?,teka! are you cheating him?"

Crappy Blue Thing(boyxboy)(Complete)Love Collide Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon