Prologue

4.4K 111 4
                                    



Tumigil ako sa paglalakad at tumingala sa mataas na Condo building,hawak ang cellphone na binigay sa akin ni Mom--huminga ako ng malalim habang hinahambing ang lokasiyon nito sa Google Map.

"Ito na nga..."sabi ko at guguyurin na sana ang trolly bag ko nang may bigla na lang bumusina sa gilid ko at basta na lang may lumampas na sasakyan sa harap ko.

tinignan ko ito hanggang sa makarating ito sa malapit na parking Lot.

Ungas!! sino kaya ang bastos na yun.

bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang matangkad,maputi at pormadong lalaki.

yayamanin din ang isang to..pero ang yabang kung maglakad papunta sa akin.

sandali! papunta sa akin..

para akong naestatwa sa posisyon ko.

hindi ko rin alam kung bakit. siguro nadala lang ako sa angas at porma nito.

I'm sure hihingi siya ng tawad sa ginawa niya.

pero....

-_-

ilang sandali lang parang invisible ang lahat para sa kanya,nilampasan niya lang ako habang nakapamulsa.

Aba!may gana ka pa!

"Hoy!"sigaw ko.

huminto siya at nilingon ako,sa totoo lang,I'm not sure na nakatingin ba talaga siya sa akin dahil nakasuot siya ng shade.

hanggang sa mapatunayan ko nga nakatingin ito sa akin as soon as he take off his black shade.

"A-Ah--"ulit,naestatwa naman ako sa sasabihin ko sa kanya.naisipan kong kunin ang cellphone ko at tinawagan si Steven.

"hello?"sagot nito sa kabilang linya.

"Hoy! Ang utang mo bayaran mo na!"sabi ko.

"Anong utang pinagsasabi mo!"

"Hoy!huwag ka ng magpanggap!"

"ano bang nangyari sayo!pagkatapos mong iwan ang pakakasalan mo--"

"Hoy! ang utang mo bayaran mo,ilang buwan na ang paniningil ko sayo!"

'Call Ended......'

-_-

tinignan ko ang cellphone,nagkunwari akong naiinis na nilagay yun sa bulsa.

bumalik ang tingin ko sa kanya.

wala na siya.

nagmukha akong tanga sa ginawa ko,minabuti ko na lang na pumasok sa loob.

"C-202 Sir.."sabi nung babae na tumatambay sa Front Desk pagkatapos kung mag-check in.

"Thank You"

************

-Rafael

"Yeah Dad,I get it..I'm hanging this down"malamig na sabi ko at binaba ko ang cellphone ko,nakakapagod ang paulit-ulit.

nang makarating ako sa building,bumusina ako sa lalaking nakaharang sa daan,gulat naman siyang lumayo.

pinark ko ang sasakyan sa parking Lot at lumabas sa sasakyan.

naglakad ako papunta sa harap at hindi pinansin ang lalaking nakatingin sa akin,what's his problem?

"Hoy!"

huminto ako at nilingon ko siya,kunot ang noo naman na tumingin siya sa akin.

hinubad ko ang shades at tinignan ko siya ng maayos,simple lang ang pananamit niya at nakasuot ng eye glasses.

Nerd..

nakatingin lang siya sa akin pero ilang sandali lang,kinuha nito ang cellphone at naningil ng utang sa kinakausap nito.

Whatever!

agad akong nagpatuloy sa paglalakad at pumasok sa loob.

pumunta ako sa Front Desk at kinausap ang magandang babae.sa ilang minuto ng pagtatanong nito agad niyang binigay ang numero ng condo ko.

"C-201 Sir"sabi pa nito bago ko tinanggap ang susi at card.

"Thank you"

********

Love Collide Series 1:

Crappy Blue Thing:

Written by:Henry_1998

Crappy Blue Thing(boyxboy)(Complete)Love Collide Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon