Chapter 39

87.1K 1.4K 90
                                    

"Seryoso ka? Di ka uuwi?!"

"Alexa naman eh, you know what happened the last time na andun kami," Nagangat ng tingin si Raegan sa bestfriend nya mula sa pagkakatingin nya sa laptop. "Ayoko na muna umuwi."

"Raegan, ano ka ba?!" Naupo si Alexa sa table katabi ni Raegan. "Hindi pwedeng hindi ka magpapakita sakanila!"

Nakita kong tinanaw ako ni Raegan bago sumagot kay Alexa. "Ayoko talaga, Alexa."

"Makinig ka, Raegan. Winter solstice party yun, tanggap ng Familia na hindi ka umattend noong Summer solstice, pero ngayon?" Umiling si Alexa. "Saka nagpakita ka noong Halloween party, that's like the return of the Prodigal child."

"Hindi ako nagpunta ng halloween party."

"Oo hindi, pero alam ng Familia na andun ka, nagpakita ka the day before the party." Pilit ni Alexa. "So, ieexpect ka nila. Saka kumalat na din yung balita na nasayo na yung ring of Zeus. Baka icoronate ka na dun, andami kasing bumabatikos sayo eh."

Napabuntong hininga si Raegan at isinara na yung laptop nya. Napatingin sya sa malayo na para bang nagiisip kung uuwi sa Quezon.

"Umuwi ka na, Raegan." Sabi ko.

Napatingin silang dalawa sakin. Tumayo ako from the couch at lumapit sakanila sa kitchen table. "Ayos lang naman na umuwi ka eh. Familia Olympia yun, pamilya mo sila."

"Ayoko na." Sagot nya. "Alam ko kung anong nararamdaman mo sa Familia."

Natahimik ako. Oo, ayoko naman talaga bumalik sa Quezon, pero ano bang magagawa ko? Gusto ko naman sya tulungan at suportahan sa lahat ng bagay. Bago pa ako makapagsalita ay biglang nagring yung cellphone ko.

Mama Calling

"Hello?"

"Genesis, kelan ka pala uuwi?"

Nako naman! Nakalimutan kong hinihintay pala ni mama ang paguwi ko for Christmas vacation! Ineexpect nyang uuwi na ako agad pagkatapos ng midterms namin.

"Hindi ko pa po kasi nasasabi kay Raegan, nawala sa isip ko, sorry po."

"Sige, kausapin mo na sya't namimiss na kitang kasama dito sa bahay."

"Sige po, ma."

"Sige na, bye anak! Love you."

"I love you din po."

Inend call ko na at hinarap sila Raegan at Alexa na patuloy parin ang paguusap tungkol sa paguwi ng Quezon.

"May problema tayo." Sabi ko. "Hinihintay na ako ni mama sa bahay. Gusto nyang umuwi na agad ako after midterms."

"Eh di umuwi ka't umuwi na rin tayo, Raegan!" Singit ni Alexa. "Para everybody happy!"

"I'm not going anywhere without Genesis." Deklerasyon ni Raegan.

Napatingin lang ako sakanya. "Seryoso ka? Raegan, I can't always be with you. Wag mo naman akong gawing alalay."

"Hindi naman kita inaalalay ah!" Angal ni Raegan.

"Hindi nga, pero hindi naman kita pwedeng samahan sa kahit saan. Sumama lang ako dati sayo sa Quezon kasi yun yung unang Undas ng pamilya mo. You don't have any valid reasons now." Sagot ko sakanya. "Namimiss na ako ni mama, kailangan ko na din umuwi."

"Eh di umuwi ka na sainyo, Gene." Sabi ni Alexa. "Ikaw naman Raegan, sasamahan mo na ako pauwi sa Quezon, sa ayaw at sa gusto mo."

Napailing nalang si Raegan. "Fine."

Pagdating ng Friday ay lumabas kami ni Alexa dahil nga may trabaho si Raegan.

"So, uuwi ka na sainyo bukas?" Sabi ni Alexa.

"Pagpunta namin ng clinic for Raegan's appointment dadalhin ko na rin yung mga gamit ko."

Tumungo lang si Alexa at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream nya. "Sasabihan ko narin pala sila Joanne, Leah at Daniel na tulungan ako sa pagbabantay kay Raegan."

"Di ba sila maaabala?"

"Di yun. Kami kami rin naman kasi ang tropa sa Familia eh." Sagot ni Alexa. "Kami ang palaging magkakasama."

"Eh di sige."

"Saka para mabantayan narin namin si Violet. Baka umeksena nanaman kasi sya kay Raegan."

"Oo nga noh!" Nawala sa isip ko na sa paguwi nila ng Quezon, makikita nanaman nila si Violet.

Natawa si Alexa. "Kinakalimutan mo naman na may karibal ka eh."

"Nakausap naman na kasi sya ni Raegan." Tiningnan ko lang si Alexa. "Sabi nga ni Raegan, 'Ako ang mahal nya, hindi sya.'"

Napangiti si Alexa sa sagot ko. "Pero wag pakampante, hindi lang si Violet ang naghahabol kay Raegan."

"Gano ba sila kadami?"

"Sobrang dami." Natawa si Alexa. "Actually nung isang araw naikwento sakin ni Joanne na may mga lumalapit na sa lolo't lola ni Raegan na mga matatanda, tinatanong kung interesado silang ipagkasundo si Raegan sa mga anak nila."

"Arranged marriage?"

"Yep. Pero hindi pumapayag si lolo Leonardo."

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Ayoko ng idea na magpapakasal si Raegan sa iba. Ayoko.

"Oo nga pala, may regalo ka na sakanya?" Tanong bigla ni Alexa.

"Regalo?"

"Di mo alam?" Napatingin sakin si Alexa.

"Ang alin?"

"Oh gods, di mo nga alam!"

"Ano ba yun?"

"Birthday na ni Raegan next week!"

Nanlaki yung mga mata ko sa gulat. "Next week?!"

"December 21!"

Chineck ko yung calendar ko sa cellphone. "December 21, Saturday..."

"Di mo talaga alam?"

"Wala syang nababanggit. Kung di mo pa sinabi ngayon baka di ko malalaman."

"So, anong ireregalo mo?"

Napaisip ako. What to give someone who has everything?

"Hindi ko alam." Umayos ako ng upo. "Alexa, anong ibibigay ko sakanya?"

Tumayo si Alexa. "Tara, hanap tayo ng ibibigay sakanya."

Nagsimula na kaming maghanap ng ipanreregalo kay Raegan. Medyo nadisappoint naman ako sa sarili ko kasi birthday ng first love ko hindi ko alam! Nakakainis. Dapat espesyal ang ibibigay ko sakanya, something na hindi nya makakalimutan.

"Anong ibibigay ko sa taong meron na ang lahat?" Tanong ko kay Alexa na busy sa paniningin ng mga gamit sa napasok naming gift shop.

"If you're gonna ask me like that, ang isasagot ko ay hindi materyal na bagay." Sagot ni Alexa at ibinaba yung stuff toy na eagle. "Bakit hindi mo ibigay sakanya ang virginity mo?"

"Hoy!"

Ang lakas naman ng tawa ni Alexa sakin. "Joke lang! Ito naman, di na mabiro." Umayos sya ng tayo. "Virgin ka pa diba?"

"Ang lakas ng trip mo..."

"Oo nga pala, NBSB ka." Bumalik na sya sa paniningin ng mga stuffed toys. "Si Raegan ang magiging first mo if ever."

"Tigilan mo na nga." Pinanlisikan ko sya ng mata.

Tumingin sya sakin. "First girlfriend if ever!" Tumawa sya. "Akala mo..." Tinawanan nalang nya ako kasi akala ko talaga yun parin ang tinutukoy nya. Sarap din nya sabunutan minsan eh, lakas ng topak.

"So, ano na nga ibibigay ko?"

"Hindi ko alam. Hindi rin naman ganoon kamateryal na tao si Raegan." Ibinaba na nya yung hawak nyang penguin na stuffed toy. "Mahirap talaga regaluhan yung amazonang yun."

"Ano bang niregalo nyo sakanya last year? Baka magka-idea ako."

"Umm.." Nagisip sya saglit. "Madami eh. And well, you won't really get any ideas from them."

"Bakit naman?"

Umiling lang si Alexa. "Raegan didn't value them that much. Kung hindi nya ginamit, pasikreto nyang ipinamigay sa charity."

"Bakit naman?"

"Ewan ko pero naging paligsahan ata yung birthday gifts ni Raegan last year. Pabonggahan ang nangyari eh." Kwento ni Alexa. "Last year ang regalo ko sakanya ako na yung nagarrange ng pool party nya sa Laguna. Yun lang kasi hindi ko talaga alam kung anong ibibigay sakanya."

"Pabonggahan? Gano kabongga?"

Napakamot ng ulo si Alexa. "Maniniwala ka bang nakakuha sya ng apat na kotse at isang private plane last year? Di nya yun ginamit at ipinaubaya nalang sa charity nila ate Marian."

"Private plane?!" Gulat ko namang sabi. Pinangreregalo nalang ang private plane ngayon?!

"Well, maliit lang naman yun saka ang nagregalo naman ay yung third house ng Hephaestus na syang naghahandle ng machineries part ng business nila. Wala lang yun sakanila."

"Pero eroplano?!" Di parin ako makapaniwala. "Alam mo bang di pa ako nakakasakay ng eroplano tapos inireregalo nalang yun?!"

Napatingin sakin si Alexa. "Di ka pa nakakasakay ng eroplano?!"

Nahiya naman ako sakanya. "Oo."

"Eh ba't di ka nagsasabi?! Sana pala talaga nag-Palawan nalang tayo nung termbreak."

"Kayo lang ang may termbreak, ilalayo nyo pa ako eh ako kaya'y may pasok pa noon!"

"Eh di ngayong Christmas break---" Natigilan si Alexa. "Alam ko na!"

"Ano?"

"Biyahe tayo!"

"Di ko afford yun!"

"Yung card ni Raegan," Kindat ni Alexa at ipinakita pa sakin yung credit card na inaabot ni Raegan sakanya sa tuwing lumalabas kami.

"Eh di parang sya na din ang nagbayad ng regalo natin sakanya?"

"Di naman nya yun mapapansin eh." Sagot ni Alexa.

"Wag na yun, saka ayoko din lumayo. Gusto ko pag sasakay ako ng airplane papuntang Boracay tapos Graduate na ako!"

Tiningnan lang ako ni Alexa. "Sige sabi mo eh."

Nagpunta kami next sa isang bookstore kasi baka may librong gusto si Raegan.

Naniningin ako ng mga libro sa fiction section nang biglang dumating si Alexa."Tayo ang magaarrange ng birthday party ni Raegan!"  Excited na sabi nya. "Pero may problema tayo, December 21 din ang Winter Solstice party. Sa Quezon na makakapagcelebrate si Raegan."

"Nasa bahay naman ako nun." Malungkot kong sabi. "Ano ba yan, wala rin pala ako sa birthday nya!"

"Eh di..." Nagisip saglit si Alexa. "Ganito, susurpresahin nalang natin sya! Ipapaalam kita sa mama mo tapos ipapasundo kita kay Daniel, ayos ba?"

"Kay Dan?"

"Bakit, gusto mo sumabay kay Violet?" Taas kilay na tanong ni Alexa. Umiling ako. "Eh di kay Dan ka."

"Pero ano ngang ibibigay ko sakanya?" Pilit ko.

"Ang pangit naman na ako lang dun ang walang ireregalo sakanya."

Ngumiti si Alexa. "Why don't you give her something handmade?"

"Handmade?"

"Tinatanong mo kung anong ibibigay sa isang taong meron na ang lahat, eh di bigyan mo sya ng isang bagay na pinaghirapan mo." Suhestyon ni Alexa. "May isang linggo ka pa naman eh."

"Pero anong gagawin ko?"

"Ewan ko, ano bang kaya mong gawin?"

"Ewan."

"Nagdrodrawing ka ba? Nagsusulat?"

"Tumutula ako pero ano namang mapapala nya dun?"

"Magsulat ka ng tula, isulat mo sa notebook or scrapbook tapos ibigay mo sakanya."

"Yun lang?"

Natawa si Alexa. "Gene, ikaw na nagsabi, meron na si Raegan ng lahat. Eh di bigyan mo sya ng isang bagay na hindi nya mabibili."

"Pwede ko naman sya ibili ng libro ni Pablo Neruda, bakit kailangan sulat ko pa?"

"Kasi pag binili mo sya ng ganun, madami syang kagaya. Pag ikaw ang gumawa, kayo lang ang makakaalam, kahit di ko makita, ayos lang."

Nagisip isip ako. Tama naman si Alexa eh.

"Sige, yun nalang. Tara, bili tayo ng pang scrapbook."

Pagkauwi ko sinalubong agad ako ni Azula. Nilagay ko muna sa kwarto ko yung pinamili namin saka ako dumiretso sa kitchen para maghanap ng maiinom.

Habang umiinom ako ng ice tea ay biglang nagring yung doorbell. Hinayaan ko lang kasi baka si Raegan na yun at nasanay na syang nagdodoorbell bago pumasok ng condo para di daw sya atakihin ni Azula.

Ring

Ring

Nagtaka lang ako kung bakit hindi pa nya binubuksan yung pintuan kaya lumapit na ako.

"Wala ka bang susi--Violet?" Nagulat ako nang buksan ko yung pintuan. Si Violet Adamms, nakasuot ng yellow sundress ay nakatingin sakin.

"Hi," Ngiti nya.

"Hi,"

Nagtitigan lang kami nang matauhan ako. "D-do you want to c-come in?"

"Yes, thank you."

Pinapasok ko sya at napansin ko na medyo namumugto pa yung mga mata nya.

"Sorry, Violet, Raegan's still not home."

"It's all right. I came here for you anyways, Joanne told me you live with her here."

Medyo namula ako sa sinabi nya. Baka isipin ng Familia naglilive in kami ni Raegan! Napailing nalang ako. Kalma, Gene! Kalma!

"Do you want something to drink?" Alok ko sakanya. "We have coffee, juice and tea if you like."

"No thanks, I won't stay for long."

"So.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"Please take care of her." Sabi bigla ni Violet.

"Ha?"

"Don't hurt her or let her hurt herself. Make sure she eats healthy foods and that she won't drink. That girl has the lowest alcohol tolerance I've ever seen." Pagpapatuloy ni Violet. "Please take good care of her."

"Violet..."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Umiiyak na sya't ipinapaubaya sakin si Raegan.

"I've loved her for a very long time now but she never loved me back." Pinunasan nya yung mga luha nya. "I've seen her past boyfriends and girlfriends and now you."

Gusto kong sabihin na hindi pa naman kami ni Raegan pero parang ang rude lang na putulin ko yung sinasabi nya.

"I wasn't so sure at first but I've seen how much Raegan loves you. Her past relationships never let me near her but you, you even let her talk to me in private."

"I just wanted her to explain to you." Nagsalita na ako. "Violet, Raegan never wanted to hurt you or anyone's feelings and when you cried so hard I saw how guilty she felt."

Lumapit si Violet at hinawakan ang kamay ko. "That's when I knew you were different from the others."

Naaawa ako sakanya. Ang tagal nya din naghabol kay Raegan.

"I'm giving her up to you. But I swear to the River Styx that the moment you hurt her, I'll come back for you." Ngumiti na sya't pinunasan ang mga luha nya. "Friends?"

Napatingin lang ako sa kamay nya at saka sa mukha nya. Talaga bang sumusuko na sya? Inalala ko yung halik nya kay Raegan, mukhang desperado nga talaga sya noon. Hindi naman nya ginustong makasakit, gusto lang nya sumaya.

Ngumiti ako sakanya kasi alam ko sincere sya sa pagsuko nya.

"Friends." Tinanggap ko na yung kamay nya at niyakap nya ako.

"Take good care of her Genesis Beltran."

Napangiti naman ako kasi mukhang tanggap na nya. "I will."

"I'll be on my way now." Pamamaalam nya. "I'll see you around."

Pagkaalis nya ay napatingin lang ako sa pintuan.

"Arf!"

Napatingin ako kay Azula. "Bakit?"

"Arf arf arf!" Tahol nya sakin.

"Alam mo, di kita maintindihan."

Bumalik na ako sa kitchen at inubos yung ice tea ko. Iniisip ko yung nangyari nang tumunog yung doorbell at maya maya'y pumasok si Raegan.

"Hello," Bati ko sakanya. "Musta?"

"Ayos lang." Humikab sya. "Kapagod, inaantok na agad ako."

"Umakyat ka na't nang makatulog ka na."

Tiningnan lang ako ni Raegan. "Bakit parang iba ka ngayon?"

"Ha?"

"Ewan, parang....may iba....May nangyari ba sayo? May ginawa ka?" Tanong nya.

"Wala naman." Pagtanggi ko.

Tiningnan lang ako saglit ni Raegan bago sya umiling at saka umakyat na sa kwarto nya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis na sya. Ano kayang napansin nya para masabi yun?

Pagkatapos ko sa kitchen ay umakyat na din ako sa kwarto ko para makapagsimula na dun sa ireregalo ko kay Raegan. Matagal tagal na din akong hindi nagsusulat ng tula at ayokong magmukhang ewan yung ibibigay ko sakanya. Dapat maging espesyal 'to!




------------------------------------


"Magiingat ka dito." Pamamaalam ni Raegan.

"Mas magiingat ka, malayo ang Quezon."

Lumapit sya sakin para yumakap. Di ko na inalalang andito lang sa tabi namin si mama kasi nahihirapan akong umarte na mamimiss ko sya samantalang magkikita din naman kami bukas para sa Birthday party nya.

Humalik si Raegan sa noo ko. "Mamimiss kita.."

"Babalik ka din naman agad, wag ka nang magdrama jan." Tinawanan ko nalang sya. "Sige na, may cellphone ka naman eh, pwede mo akong tawagan anytime...ay wag pala anytime, wag kang tatawag pag madaling araw kung ayaw mong upakan kita pagbalik mo!"

Natawa lang si Raegan. "Sige na, sige na." Humalik ulit sya sa noo ko. "Bye, Genesis."

"Bye."

"Sige po doktora, una na po ako." Pamamaalam ni Raegan kay mama.

"Sige, ingat ka."

Pinanuod namin makalayo ang kotse ni Raegan bago ako hinarap ni mama.

"Paninindigan mo talaga yung MU nyo?"

"Eh ma..." Napakamot nalang ako ng ulo.

Napangiti nalang si mama at itinaas ang mga kamay na akmang sumusuko na sya.

"Sige na, sige na, hindi na kita kukulitin. Desisyon mo yan." Inakay na nya ako papasok ng clinic. "Ano nga bang oras ka aalis mamaya?"

"Mamayang five pa po. May tatapusin lang daw po si Dan bago bumiyahe."

"Nako, eh gagabihin na pala kayo sa daan. Siya ba ang magdidrive?"

"Opo."

"Tsk. Magingat ingat kayo mamaya ah. Baka maaksidente kayo sa daan."

"Eto naman po, ma! Parang wala ka pong tiwala dun sa tao."

"Wala pa, hindi ko pa sya nakikilala eh." Sagot ni mama.

Umiling nalang ako. "Sige na po ma, dun muna ako sa bahay."

"Sige, ayusin mo na yung gamit mo. Punta nalang ako dun mamayang alas quatro."

Umuwi muna ako sa bahay, pagdating ko dun, inayos ko na yung natitira kong gamit na hindi ko pa nailalagay sa bag.

Ring

Ring

Tiningnan ko yung cellphone ko.

Alexa Calling...

"Hello?"

"Gene! Nakaalis na sya?"

"Oo, kani kanina lang."

"Good, si Dan mamaya pang five ang dating jan."

"Oo, alam ko. Ikaw? Anong oras ka na nakarating jan?" Nauna na kasing umuwi si Alexa ng Quezon para magprepare sa surprise birthday party ni Raegan.

"Kaninang umaga pa, three hours lang ang biyahe, walang traffic eh."

"Ahh, so ano na? Ayos na lahat?"

"Yup! Oh my gosh, Gene! Excited na ako para bukas!" Halata nga sa boses nya ang excitement. Di ko tuloy mapigilan ngumiti.

"Ako din naman eh!"

"So, kitakits nalang tayo mamayang gabi?"

"Oo. Salamat talaga, Alexa!"

"Sus, wala yun! Sige na, Gene, laters!"

"Bye!"

Inend call ko na at muling bumalik sa pagaayos ng gamit. Nang matapos ko na yun lahat ay muli kong binasa yung scrapbook na ireregalo ko kay Raegan. Satisfied naman ako sa mga gawa ko, medyo kabado lang din na baka hindi magustuhan ni Raegan pero alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat.

Pagdating ng alas quatro ay dumating na si mama na may dala dalang merienda. Kumain lang kami at maya maya'y kumatok na si Dan.

"Hi!" Ngiti ni Dan.

"Hi! Pasok ka muna."

"Muntikan pa akong lumagpas dito. Buti naalala ko yung sinabi mong may Iglesia ni Cristo malapit sainyo." Kwento nya pagkapasok ng bahay namin.

"Buti di ka naligaw."

"Ay, hello po doktora!" Bati ni Dan kay mama.

"Hello, ikaw pala si Daniel."

"Dan nalang po." Ngiti nya.

"Merienda ka muna, Dan." Alok ni mama.

"Ay hindi na po, doktora." Tanggi ni Dan. "Susunduin ko lang po si Gene."

"Ayaw mo? May pancit kami dun oh." Alok ko sakanya.

Umiling si Dan. "Hindi na, kumain na kasi ako ng merienda kanina, busog pa ako."

"Sure ka?"

"Yep." Ngiti ni Dan. "Tara na? Baka kasi gabihin na tayo masyado sa daan."

"Ah sige," Kinuha ko na yung bag ko sa couch. "Ma," Hinarap ko si mama at niyakap sya. "Alis na po kami."

"Sige, ingat kayo ahh. Dan, dahan dahan sa pagmamaneho."

"Sige po doktora."

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Dan.

"Salamat sa pagsundo." Sabi ko nang simulan nya yung makina at naikabit ko na yung seatbelt ko.

"Wala yun." Sagot nya. "Ikaw pa, malakas ka sakin eh."

Napangiti nalang ako. "Musta ka na nga pala?"

"Ayos naman."

"Ano yung inayos mo kanina?"

"Ahh, yun ba?" Umandar na kami't kumaway nalang ako kay mama. "Pinasa ko lang yung research paper ko."

"Naghahabol ka pa?"

Ngumiti si Dan. "Medyo. Dami kasing ginagawa eh."

Binuksan nya yung stereo at saka ngumiti sakin. "Tulog ka muna, mahaba pa biyahe."

"Mamaya nalang."

Nanahimik nalang kaming dalawa at nakinig ng radyo. Makalipas ang higit sampung minuto ay nagsalita din ako.

"Anong favorite song mo?"

Napatingin sa gawi ko si Dan. "Ba't mo naman natanong?"

"Wala lang, 21 questions." Kibit balikat ko. "Para di ka mabore sa pagdidrive."

Ngumiti si Dan. "All I Ask of You from the Phantom of the Opera."

"Eh? Yun yung favorite mo?"

"Oo! Bakit?"

"Wala lang." Napangiti ako. "Ang sweet kasi ng kantang yun, di ko inaasahan yun yung favorite mo."

"Ang bakla ba?"

Natawa ako. "Hindi naman."

"Ikaw, anong favorite song mo?"

"Andami eh. Pero ngayon siguro yung Grow Old With You ni Adam Sandler." Sagot ko.

"Para kay Raegan?" Tawa ni Dan.

"Siguro."

"Alam mo, ang swerte ni Raegan sayo. Ang bait mo na ang saya mo pa kasama."

"Ba't ba kayo ganyan?" Tanong ko. "You sound like I'm the greatest person on Earth."

"Hindi naman sa ganun, what we're trying to say is, mabait kang tao at maswerte si Raegan kasi nakahanap sya ng makakasama sa buhay after what happened to her family." Paliwanag ni Dan. "Gusto lang naman namin sya sumaya eh."

Nahiya ako sa sinabi nya and at the same time, sumaya ako kasi kahit alam kong merong mga hindi ako tanggap sa Familia, meron din namang masaya para samin ni Raegan.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa sabihin nalang ni Dan na malapit na daw kami sa Familia Olympia compound.

"Salamat talaga sa paghatid, Dan." Sabi ko.

"Sus, ano ka ba, wala yun!"  Ngiti ni Dan. "Ikaw pa, malakas ka sakin eh!"

"Ang bait mo! Nakakapagtakang wala ka paring girlfriend hanggang ngayon." Biro ko sakanya.

"Yung mga nagugustuhan ko kasi'y malakas ang tama kay Raegan."

"Mga?" Naintriga naman ako sa sagot nya. Alam ko si Violet niligawan nya dati pero meron pang iba? "Meron pang iba bukod kay Violet?"

Tumigil kami sa tapat ng malaking gate na may nakainscribe na 'Familia Olympia' sa harapan.

Tumingin sakin si Dan. "Ikaw."

Pakurap kurap lang akong nakatingin sakanya habang kinakausap nya yung gwardiya.

"Ako?"

Pinapasok na kami sa loob at hindi ko na napansin yung magandang tanawin kasi focused ako kay Dan.

"Crush lang naman eh." Kibit balikat ni Dan. "Alam kong kay Raegan ka na kaya kay Violet nalang ulit ako."

Tumigil kami sa tapat ng isang green mansion.

"Andito na tayo."

Napatingin lang ako sa labas.

"Dan.."

"Alam mo para kang ewan jan. Crush lang yun!" Tawa ni Dan. "I just admire you so don't worry, di ako makikigulo sa lovelife nyo ni Raegan."

Lumabas na sya't pinagbuksan ako ng pintuan. Kinuha ko nalang yung backpack ko sa backseat saka lumabas ng kotse.

Sinalubong din agad kami ni Alexa.

"Dan, Gene! Kumain na kayo?" Tanong nya samin. Kinuha nya yung bag ko at inabot yun sa butler nila.

"Di pa,"

"Good! Nagpahanda kasi ako ng dinner nyo."

"Ay, hindi na Alexa! Hinihintay na din kasi ako dun samin, next time nalang." Tanggi ni Dan. Tumalikod na sya. "Goodnight na girls!"

"Sige, goodnight!" Kaway ko sakanya. "Salamat ulit!"

Split GeniusWhere stories live. Discover now