Chapter 35

73.2K 1.3K 109
                                    

"Genesis, gusto mong sandwich?" Alok ni Raegan.

Napahilamos nalang ako ng kamay. Ang galing naman kasi magpalusot ng mokong na 'to. Pauwi na kami ng Manila at nagawa nyang sumama sakin kasi ang sabi nya, "Ang kundisyon mo lang, uuwi ka ng Manila, pumayag ako kasi di mo sinabing hindi ako pwedeng sumama."

Sa front seat ako umupo para di ko sya makatabi sa backseat. Pero ito sya, kinukulit ako kaya kuntodo makairap ako sakanya. Kung bakit naman kasi naubos pa battery ng iPod ko eh! Di tuloy ako makapagsoundtrip para di ko na sya mapansin.

"Genesis, pansinin mo naman ako.." Pagkalabit ni Raegan.

"Kuya Elmer, pwede bang mahiram yung MP3 mo?" Tanong ko. Naalala ko kasing nakinig sya ng music nung nakiusap si Raegan ng privacy sa paguusap namin papuntang Quezon.

"Pwede po mam," Binuksan ni Manong Elmer yung glove compartment at inabot sakin yung MP3 player nya.

"Salamat po," Ngiti ko. Pwede na siguro to kahit luma yung mga kanta.

"Genesis..." Kalabit ulit ni Raegan. "Wag ka namang ganyan."

"Pwede ba, Raegan,  wala pa akong tulog. Hayaan mo na muna ako pwede?" Lumingon ako sakanya. "Itext o tawagan mo nalang si Violet, matutulog muna ako."

Saka ko nilagay yung earphones at nilakasan yung volume. Nakita ko sa rear view mirror ang badtrip na itsura ni Raegan at may sinasabing hindi ko marinig. Napangiti nalang ako't pumikit na. Kanina pa mabigat ang mga pilikmata ko, kailangan ko na matulog.




Napanaginipan kong pumasok ako ng Zeus mansyon at nakitang andun sa sitting room ang buong pamilya ni Raegan. Yung parents at mga kapatid nya at syempre, hindi mawawala si malanding blondie; si Violet.

Masaya silang nagkwekwentuhan. Bumukas yung pintuan at pumasok pa ang ilang miyembro ng Familia Olympia. Mukhang masaya si Raegan at kanina pa tawa ng tawa. Walang pumapansin sakin at binubunggo pa ako!
Dumaan sa tabi ko ang isang malaking lalaki at binunggo ako. Natumba nalang ako sa sahig.

"RAEGAN!" Sumigaw ako pero hindi nya ako narinig. Nakita ko nalang na lumuhod sya sa tapat ni Violet at inilabas yung ring of Hera.

"Will you marry me?"

"Yes!" Walang pagaalinlangan na tumungo si Violet, maluha luha pa sa tuwa ang lokarit!

Tumayo na si Raegan at niyakap si Violet. Nagpalakpakan ang lahat, pati ang pamilya ni Raegan ay masaya para sakanila.

Hinalikan ni Raegan si Violet sa labi. Isang mapusok na halik na para bang ilang taon silang hindi nagkita at sabik na sabik sa bawat isa.

"Genesis!"

Nagising ako sa bangungot na iyon at nakita ang concerned at magandang mukha ni Raegan.

"Andito na tayo." Sabi nya. "Ayos ka lang?"

Napatingin ako sa paligid at nakitang nakapark na ang kotse sa tapat ng condo namin sa Taft. Madilim na din. Inabot kami ng gabi sa daan.

"Anong oras na?" Garagal kong tanong at umayos ng upo.

"Seven." Sagot ni Raegan. "Kararating lang natin. Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako." Hinanap ko si Manong Elmer at nakitang kinukuha nya yung gamit namin sa likuran. Bumaba agad ako ng kotse.

"Kuya Elmer, iwan mo nalang po yung gamit ko jan. Magpapahatid din po ako sayo sa bahay namin sa Taguig." Sabi ko.

"Sige po mam," Ibinaba ni Manong Elmer yung bag ko sa trunk.

"Ano?" Napahawak sa braso ko si Raegan. "Uuwi ka na? Di ba pwedeng bukas nalang?"

Hinablot ko yung braso ko, "Kukunin ko lang yung iba kong gamit tapos uuwi na ako."

"Di ba magtataka si doktora kung bakit maaga kang uuwi?" Habol ni Raegan sakin kasi pumasok na ako ng condo at dumiretso sa elevator.

Oo nga, hindi ko nasabi kay mama na nagaway kami ni Raegan at bumalik na kami ng Manila pero bahala na. Saka ko nalang ipapaliwanag sakanya kapag andun na ako.

Pagkadating namin sa 42nd floor ay agad akong dumiretso't binuksan yung pintuan namin. Walang Azula na sumalubong sakin kasi pinabantayan ni Raegan yung aso kay Manang Yolly sa mansyon nya sa Taguig. Umakyat agad ako sa kwarto ko at naghanap ng bag para paglagyan ng mga damit ko.

"Iiwan mo na ako?" Napatigil si Raegan sa pintuan ng kwarto ko. Pinanuod nya lang akong hakutin yung damit ko at isalaksak yun sa isang duffel bag.

"Ayoko na dito." Sagot ko at sinalaksak sa bag yung mga libro ko.

"Genesis, wag mo naman gawin sakin 'to." Pinigilan nya akong ilagay yung iba ko pang gamit sa bag.

"Ayoko na nga kasi, Raegan." Iniwasan kong tingnan yung mukha nya kasi alam kong mawawalan ako ng lakas ng loob. Isang tingin lang sakanya at manghihina ako't hindi ko sya magagawang iwan.

"Please, just let me explain first?" Maluha luha nyang hinawakan yung mga kamay ko.

"Ano pa bang ieexplain mo? Magsisinungaling ka lang naman kaya di na ako makikinig." Tinulak ko sya at isinara na yung bag. Halos masira yung zipper sa dami ng laman nito pero hindi ko nalang pinansin, binuhat ko na yun at lumabas ng kwarto.

"Genesis, please.."

Naiyak na din ako kasi ang sakit pakinggan ng pagtawag nya sakin. Sya lang ang nagpumilit na tawagin akong Genesis kahit sinabi kong Gene nalang ang itawag sakin. Sya at si mama lang.

Nasa pintuan na ako palabas ng unit nang may lumagabag at paglingon ko, nakita kong nahulog si Raegan sa hagdanan. Nataranta naman ako't nabitawan yung bag para lapitan sya.

"Genie.." Namumula yung noo nya.

"Rae?"

Pumikit sya at pagbukas ng mga mata nya parang nagiba yung kulay ng mata nya. Yung tinunaw na tsokolate'y nangitim bigla.

"Aalis ka?" Mababa yung pitch ng boses nya. Hindi boses ni Rae. "Iiwan mo si Raegan?"

May halong pangungutya yung boses nya.
Tumayo sya kaya napaatras ako. Nakakatakot yung aura nya. Napangisi sya nang makita yung ekspresyon ko. Ngayon lang ako kinabahan sa pagiging matangkad ni Raegan.

"Alam mo, hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Raegan..Ang simple mo, hindi ka kagandahan o magarbo manamit." Paisa isa ang hakbang nya palapit sakin at sya namang pagatras ko. "Dapat nga matuwa ka pa't maswerte kang kinakausap ka nya..."

Naramdaman ko yung pader sa likuran ko. Wala na akong maatrasan at patuloy lang ang paglapit nya sakin.

"Kaya dapat pinakikinggan mo sya. Wala ka sa posisyon na maginarte at magpahabol kasi kapag ginusto nya, kayang kaya kang kalimutan at ipagpalit ni Raegan sa iba."

"G-ginawa na nga n-nya eh!" Nauutal kong sagot.

Umiling sya. "Yan ang problema sayo...Ayaw mo makinig." Sinarado na nya yung espasyo sa pagitan namin. "Si Raegan, hindi magagawa yung inaakala mong paghalik kay Violet. Pero si Rae.." Natawa sya.

Saka ko lang narealize...

"Ikaw mismo nagsabi na isa sa posibleng dahilan ni Rae sa paglabas ay ang kagustuhan nyang ipaint o iguhit yung magandang nakikita nya."

Tinitigan nya lang ako, pinapanuod yung reaksyon ko.

"Aminin mo, nagandahan ka din kay Violet nung una mo syang nakita..." Nakangisi nyang inilapit ang mukha sakin. "Sa tingin mo ba hindi rin magagandahan sakanya si Rae?"

Umiwas ako ng tingin. "Y-yung h-halik sa s-studio r-room?"

"Si Rae din yun, pinalabas sya ni Raegan kasi hindi nya kinaya yung sakit ng pagtaboy mo. Hinayaan nyang lumabas si Rae kasi gusto nyang magmukmok sa kawalan ng utak nya."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagawang hayaan ni Raegan na lumabas si Rae? Ganun ba sya nasaktan sa ginawa ko?

"Di ko talaga maintindihan yung si Raegan." Itinukod nya yung kaliwang kamay sa pader sa gilid ng ulo ko at yung isa namang kamay ay ginamit nya para iharap ang mukha ko sakanya. "Anong meron sayo at nagagawa mong guluhin ang utak nya? Pano mo napapasakit ang ulo nya ha?"

Parang itim talaga yung kulay ng mga mata nya. Mas mababa sa normal na pitch ni Raegan yung boses nya. Yung mga tingin nya sakin parang kakainin nya ako ng buhay. Hindi si Raegan o si Rae 'to.

"Si-sino ka ba?" Nauutal kong tanong.

Natawa sya. Isang halakhak na parang tawa ng kontrabida sa isang palabas. Hindi ganyan tumawa si Raegan o si Rae.

"Ako? Ako ang manipestasyon ng takot ni Raegan..." Mahina pero punong puno ng pangungutya ang boses nya. "Ako ang nabuo ng utak nya sa kakaorganize nya ng takot nya..."

Nakipagtitigan sya sakin. "Alam mo, ang laki ng takot ni Raegan na hindi sya magtagumpay sa pagpapatakbo ng Zeus Airlines, na mawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya nya, na hindi sya tanggapin pa ulit sa Familia Olympia...Pero alam mo kung anong pinakakinakatakutan nya?"

Hindi ako makasagot, parang umurong yung dila ko. Hinimas himas nya yung pisngi ko. Hindi naman ako makaiwas ng tingin kasi ang lapit ng mukha nya.

"Takot syang iwanan mo sya...Na hindi mo sya matanggap sa lahat ng nalaman mo sakanya...Na hindi mo sya magawang mahalin pabalik."

Kinikilabutan na ako sakanya.

"Sino ako? Wala pa akong pangalan pero matagal ko nang naririnig yung iniisip ni Raegan dito..sa ulo ko.." Tinuro nya yung sentido nya. "Hindi katulad ni Rae, naririnig ko lahat ng iniisip ni Raegan. Lahat ng takot, hinaing at kagustuhan nya, alam ko."

Napalunok ako.

"Since kinuha ni Rae yung pangalan nya sa Raegan, bakit hindi ko rin kunin dun yung pangalan ko?" Nangungutya parin sya. "Yeah, Gan sounds awesome."

"Gan?"

"Oh yeah. I'm like a ballistic weapon that can kill you with one shot to the head, Beltran." Ngumisi sya sa pagkabigkas ng apelyido ko. "Kaya kung ako sayo, iaakyat ko na yang bag na yan kasi nagiisip na ng kamatayan si Raegan."

"A-ano?" Nanginginig na ako sa narinig ko.

"Oh yeah, you heard me right, handang magpakamatay si Raegan kapag iniwan mo sya."

Nagring yung doorbell.

"Iakyat mo na yang bag mo at ayusin mo na ang gamit mo. Hindi ka aalis dito kung ayaw mong magpakamatay si Raegan. And trust me, we both don't want that."

Umayos na sya ng tayo at saka pumunta ng pintuan.

"Ako na po kuya," Tinaasan nya yung boses nya at ngumiti na para bang si Raegan. Kinuha nya yung mga bag kay Manong Elmer. "Paakyat na lang po nung gamit ni Genesis, nagbago isip eh."

"Sige po mam Raegan." Nagpaalam na si Manong Elmer at sinara na ni Gan yung pintuan. Hinarap nya ako.

"Tinatayo mo jan?"

"Kinopya mo si Raegan.." Parang di ako makapaniwala sa nakita ko. Somehow alam kong si Gan ang kausap ko pero nung kinausap nya si Manong Elmer ay kopyang kopya nya si Raegan

"Ano ka ba, matagal na din akong aware sa nangyayari sa buhay nya. Ngayon lang talaga ako lumabas kasi, as it seems, hindi ako makakalabas hangga't hindi si Rae ang nasa labas."

"Ha?" Naguluhan naman ako.

"Kung hindi nakalabas si Rae dahil sa pagpanic ni Raegan ngayon lang, hindi ako makakalabas. Mahirap iexplain pero ganun talaga." Dumaan na sya sa tabi ko bitbit yung mga bag nya. "Kunin mo na yang bag mo at iakyat mo na rin."



-------------------------------------------------------



"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili nang mapagisa na ako sa kwarto ko.

Tulog na si Gan, bumagsak nalang sya sa sofa sa sala kanina pagkatapos kumain. Ayoko namang gisingin at palipatin sa kwarto nya kasi natatakot ako sakanya. Pinatungan ko nalang sya ng kumot at saka ako umakyat dito.

Kinuha ko yung cellphone ko pero ibinaba ko din agad nang makitang alas onse na. Ten o'clock natutulog si mama kaya di ko sya pwedeng tawagan.

Hinanap ko yung number ni Alexa at tinawagan sya. Kailangan ko ng kausap.

Ring

Ring

Ring

Ring

"Hi, I'm busy at the moment, leave a message!" Ang tunog ng answering machine ni Alexa ang sumagot sa tawag ko.

"Alexa, si Gene 'to. May problema ako kay Raegan eh, tawagan mo agad ako pag di ka na busy.." Pinindot ko na yung end call.

Humiga ako sa kama at tinitigan yung glow in the dark stars sa kisame. Buti pala at lumabas si Gan kasi baka iniwan ko na si Raegan ngayon...Baka ano nang ginawa nya sa sarili nya kung nagkataon.

Pero naguilty din ako. Dapat pala pinakinggan ko sya. Ang laki pala talaga ng takot ni Raegan na maiwanan magisa na pumasok sa isip nyang magpakamatay nalang pag umalis ako.

Nakarinig ako ng malalakas na yabag ng paa at saka biglang bumukas yung pintuan.

"GENESIS!"

"Ano?" Napaupo tuloy ako.

"Andito ka.." Hingal na napaluhod si Raegan. "Andito ka..di ka umalis.."

Lumapit ako sakanya. "Di na ako aalis."

Umiiyak syang tiningala ako. "Di mo na ako iiwan?"

Lumuhod na rin ako sa tapat nya. "Never." At saka ko sya niyakap ng mahigpit.

Humagulgol lang si Raegan sa balikat ko. Hindi ata makapaniwalang hindi na ako aalis sa tabi nya kaya panay ang pagpromise ko sakanyang hindi ko na sya iiwan para lang tumahan sya.

"Please, Raegan, tumahan ka na.." Hinihimas ko yung likod nya. Ayaw parin nya tumigil sa pagiyak. "Mahal kita kaya di na ako aalis."

Napatigil sya at kumawala sa yakap ko para tingnan ako. "Anong sabi mo?"

Napangiti ako. Yun lang pala gusto nya marinig eh. Hinalikan ko yung ilong nya. "I love you."

Napahawak sya sa ilong nya at makailang beses na kumurap kurap.

"Para kang tanga jan, humiga ka na nga at inaantok na ako!" Tumayo na ako. Alam kong ayos na si Raegan, ilang segundo lang ang kailangan nya para makarecover.

"Ha?"

"Tabi na tayo matulog." Ulit ko at naupo sa gilid ng kama. "Halika na dito, inaantok na ako. Wala akong tulog dahil sayo."

Naupo sya sa tabi ko. "Sorry. Dapat sinabi ko agad sayo na nakalabas si Rae.."

"Oo, napatawad na kita pero promise mo sakin di ka na magiisip ulit ng pagpapakamatay ha?"

Natigilan sya. "Panong--?"

Napakunot ang noo ko. "Di mo alam?"

"Pano mo nalaman?" Ulit nya.

Baka hindi nagfofocus si Raegan kaya di nya alam yung paglabas ni Gan kanina?

"Hindi mo ba naaalala?"

"Lumabas si Rae kanina...Sinabi nya ba sayo?"

"Punta tayong clinic bukas, ipapaliwanag namin sayo ni mama." Humiga na ako. "Matulog na tayo."

Nakaupo lang sya sa tabi ko. "Genesis.."

"Hmmm?"

"Tayo na?"

Hinarap ko sya. "Pagaling ka muna."

"So, ano tayo? MU?"

"Siguro." Tumalikod na ako't napangiti.

"Uhh..Genesis..Pwede bang..."

"Matulog ka na.." Nakapikit na ako. Naramdaman ko nalang na humiga na sya sa tabi ko at maya maya'y niyakap nya ako.

"Chansing.." Bulong ko pero humarap ako sakanya. Binawi nya yung braso nya kaya napangiti ako.

"Sorry.."

Umisog ako papalapit sakanya at niyakap sya.

"Kaya naman pala.." Natawa sya't niyakap din ako, inayos ang higa para makaunan ako sa braso nya. Humalik sya sa ulo ko at natulog na kami.



-------------------------------


"ASAN NA BA KAYO HA?!" Pasigaw na tanong ni Alexa sa cellphone.

"Nasa condo na kami."

"Ano?!"

"Umuwi na kami kahapon...Dito na rin kami nagkaayos."

Narinig ko ang buga ng hangin sa kabilang linya kaya malamang napabuntong hininga si Alexa. "Buti naman.."

"Kayo, kamusta jan?" Tanong ko.

"Umeksena si Violet sa bahay namin, hinahanap si Raegan. Di kasi kayo nagpaalam eh."

"Anong sabi mo?"

"Na tumigil na sya kasi anjan ka na. Hindi na titingin sa iba si Raegan. Pero alam mong sabi nya? Hinalikan daw sya ni Raegan after ng Masquerade ball na pumunta sya sa Zeus house."

"Si Rae yun..Yun yung dahilan kung bakit kami nagaway." Paliwanag ko.

"Nakita mo sila?"

"Oo, sinundan ko kasi si Raegan..Pagdating ko kasama nya na si Violet."

"Nagselos ka?"

"Sobra."

Natawa si Alexa sa kabilang side. "Eh di umamin ka na sakanya?"

"Sinabihan ko na sya ng 'I love you' pero hindi pa kami. Sabi ko pag magaling na sya para may motivation diba?"

Natawa si Alexa. "Galing magpalusot ahh. So ayos na kayo jan ahh, mamaya pa ako babalik ng Manila."

"Salamat. Ingat ka sa biyahe ah! Babye!"

Binaba ko na yung tawag at nagpatuloy sa pagbibihis. Pupunta kasi kami ng clinic at ang alam ni mama, ngayon ang uwi namin ni Raegan.

Pagbaba ko naabutan kong may kausap si Raegan sa cellphone.

"No Violet, please, I'm not interested." Napailing nalang sya sa kausap. "Then go ahead, I won't really be bothered anyways....Well, thanks... You too, Violet. Bye."

"Anong sabi nya?" Tanong ko nang ibulsa na nya yung cellphone nya.

"Desperate mode on." Tawa ni Raegan. "Medyo nagmamakaawa syang balikan ko sya."

"Eh wala ka naman dapat balikan eh, hindi naman naging kayo o kung ano." Kumento ko nalang. "Tara na."

"Nagpaliwanag si Rae?" Tanong nya pagkalabas namin ng condo.

"Bakit di ka ba aware sa nangyari kagabi?" Tanong ko.

"M-medyo naging busy kasi ako sa pagiisip..." Napakamot sya ng ulo na tila ba hiyang hiya sa nangyari.

Naalala ko yung sinabi ni Gan kagabi. "Nagmukmok ka masyado noh?"

"Sinong hindi?" Pumasok na kami ng elevator. "Iiwan mo na ako eh, nagpanic ako't di makapagisip ng maayos. Nakalabas tuloy si Rae."

"So hindi mo pinakinggan yung paguusap namin ni Rae?" Pagsisinungaling ko.

"Well, naririnig ko kayo pero di ako nagpapay attention."

Napaisip ako, ibig sabihin aware din sya kay Gan pero di nya pa alam na nageexist ang panibagong personality na ito kasi parang si Rae lang ang tingin nya dito?

Mabilis lang ang biyahe namin papuntang clinic sa Taguig. Naghihintay na si mama saamin doon.

"Welcome back," Niyakap nya ako't hinalikan sa pisngi. "Namiss kita baby."

"Maka-baby ka naman po ma." Napakamot nalang ako ng ulo nang yakapin nya din si Raegan.

"Syempre, baby kamatis kita eh." Tawa ni mama na pinanggigilan ang pisngi ko.

"Mama.." Pilit akong kumawala sakanya. "Mamaya na pwede? May sasabihin po ako sayo."

Umarte namang nagulat si mama. "Kayo na?"

"Hindi pa, doktora, wag excited." Tawa ni Raegan.

Hinila ko si mama sa tapat ng pintuan ng office nya. "Raegan, jan ka muna, may paguusapan lang kami."

"Uhh..Sige..Dito muna ako." Naupo si Raegan sa couch sa recieving area at nginitian si Ate Katie bago kumuha ng magazine sa coffee table.

Pumasok kami ni mama sa office.

"Anong problema?"

"Ma, may bagong split personality na lumabas."

Nagulat si mama sa balita ko. "Ano?"

"Kagabi, lumabas sya." Paliwanag ko.

"Teka, teka, pano mo naman nalaman na bagong personality yun?"

Kinwento ko sakanya yung nangyari sa Quezon, kung paano ako nagselos at nagaway kami ni Raegan. Na nagpumilit akong bumalik na agad ng Manila at sumama sya. Kinwento ko sakanya na dapat aalis na ako ng condo pero nagpanic si Raegan, lumabas si Rae at eventually, lumabas si Gan.

"Gan?"

"Kinuha nya sa pangalan ni Raegan. Taken na daw yung Rae kaya Gan nalang."

"Sige, papasukin na natin sya, gusto kong makita si Gan,"

Tinawag na namin si Raegan at nakangiti syang pumasok sa office.

"Tumawag si Daniel sakin, hinahanap ka, Genesis. Sabi ko lunch nalang tayo with them pag balik nila dito ng Manila."

Naalala ko bigla si Dan, hindi pala ako nakapagpaalam sakanya. Pero bahala na, magkikita pa naman pala kami eh.

"Upo ka na, Raegan." Sabi ni mama. "May kinukwento si Genesis sakin."

"Sorry po, dok. Kasalanan ko po, di ko agad sinabi sakanya na nakalabas si Rae nung kasama ko si Violet."

"Hindi yun, Raegan. Yung nangyari kagabi, hindi mo ba naalala?"

"Naalala ko yung nangyari sakin. Pero kay Genesis, hindi." Umiling si Raegan. "Bakit dok?"

"Well, kinwento sakin ni Genesis na noong lumabas si Rae kagabi, may isa pang nangyari.."

"Ano yun dok?"

Napatingin sakin si mama kaya lumingon din si Raegan.

"Ano yun, Genesis?" Tanong ni Raegan, halata ang kaba sa mukha.

"Lumabas si Gan...May bago kang personality."

"What?!" Gulat nyang sabi.

"Kalma ka lang.." Sabi ni mama kasi napatayo si Raegan.

"Look, sabi ni Gan sakin sya daw yung nabuo ng utak mo kakacompartmentalize ng mga takot mo."  Pagpapaliwanag ko at hinawakan sya sa braso. Pinaupo ko ulit sya. "Look, di mo naman ginusto yun diba?"

Umiling sya. "Lumalala?"

Nagkatinginan kami ni mama. "Di kami sure, Raegan. May ibang cases kasi na higit pa jan ang split personalities."

"Pero itong sakin? Lumala---" Biglang bumagsak yung ulo nya at pagangat nya'y ngumisi sya. Napaatras ako nang makitang nangitim nanaman ang mata ni Raegan.

"Takot ka?" Natatawa nyang sabi sakin.

"Gan.."

"Ayaw kasi maniwala eh. Akala nya si Rae yung nagsasalita kanina pa sa ulo nya."

"Ikaw si Gan?"

"Hi doktora." Tumayo sya at inabot yung kamay ni mama. "Nice to finally meet you. Raegan thinks highly of you."

"Gan, nice to meet you too." Hindi pinahalata ni mama ang gulat sa biglang paglabas ni Gan.

"Ano doktora, gulat ka noh?" Naupo na ulit si Gan at nagcross legs na para bang relax na relax sya sa office.

"Oo naman, tell me, Gan, pano mo nasabing ikaw ang manipestasyon ng takot ni Raegan?"

"The first thought I have was something to do with Raegan's fear." Sabi ni Gan. "Tulog si Beltran--Genesis noon and nagising si Raegan sa bangungot. She went to check on her kasi hindi talaga sya makabalik sa pagtulog and when she saw her, she thought pag lumala pa yung sakit nya, baka mapagod si Genesis at iwan sya."

"Eh hindi ko naman--"

"Takot si Raegan na iwanan mo sya. Kahit naman iassure mo sya meron paring takot eh." Pinutol ni Gan yung sasabihin ko. "Lalo pang nadagdagan yung takot nya noong nakita nya yung reaksyon mo nung pinaliwanag nya yung Familia Olympia."

Wala akong masabi. Natakot naman talaga ako sa Familia Olympia noon eh.

"Alam ni Raegan na nanliliit ka sa sarili mo pero sinubukan naman nyang ipaalala sayo na sya parin yung Raegan na nakilala mo diba?"

Pinapanuod lang kami ni mama, tila pinagaaralan.

"Lumabas lang ako kagabi kasi yun na yung takot nya, nangyayari na." Parang nawawalan na ng gana si Gan sa pagpapaliwanag. "Wait lang dok, nagwawala na si Raegan eh. Kailangan ko nang bumalik.."

"Teka lang!"

Pero bumagsak ulit yung ulo ni Gan at pagangat noo'y takot ang nananaig sa mukha nya. Napahilamos sya ng kamay.

"Ano bang problema ko!" Bulong nya. "Bakit ako nagkakaganito!"

"Raegan?"

Nagangat sya ng mukha. Nawala na yung pangingitim ng mata nya at yung madilim at nakakatakot na aura nya. Si Raegan na ulit to.

"Dalawa, Genesis. Alam mo ba yung pakiramdam ng dalawang boses na kinakausap ka sa utak mo?" Napayuko sya't umiling. "Ayos lang si Rae kasi para syang bata, pero si Gan! Para syang matanda kausap!"

Hinimas ko yung likod nya para naman gumaan yung pakiramdam nya. "Andito lang kami Raegan, di na ako aalis sa tabi mo."


----------------------------------


Pagkabalik ni Alexa sa Manila noong gabi ding iyon ay agad syang pumunta sa unit namin.

"Ano, kwento kayo bilis!" Bungad nya samin. "Oh, Raegan, anyare sayo?"

Pilit na ngumiti lang si Raegan kay Alexa.

"Gene, problema nyan? Akala ko ba ayos na kayo?"

"May nangyari kasi eh.." Pinaupo ko si Alexa sa couch at inexplain sakanya yung paglabas ng bagong katauhan ni Raegan na si Gan.

"So, mas mature sya kay Rae?" Tanong ni Alexa.

"Oo, kayang kaya nga nyang kopyahin si Raegan eh."

"I want to see this Gan."

"Don't say that," Pumunta ng kitchen si Raegan at binuksan yung fridge. Kumuha sya ng apple cider. "Baka lumabas nga sya."

"Eh di palabasin mo!"

"Ayoko nga!"

"Andaya nama eh! Gene, ano bang pinagkaiba ni Gan ha?" Tanong sakin ni Alexa. "Baka mas trip ko sya kesa dito kay Amazona."

"Be careful what you wish for." Sagot bigla ni Raegan at naupo sa carpet sa tapat ni Alexa, kumindat sya at ininom yung apple cider pero halos maduwal sya dito. "ANO BA 'TO?!"

Malakas naman ang tawa ni Alexa pero napakunot lang ako ng noo, palaging umiinom ng apple cider si Raegan, ngayon lang sya nagreklamo.

"Bakit? Panis na ba? Sira na?"

"Ang sama ng lasa!" Inilapag ni Raegan yung bote sa coffee table. "Kadiri.."

"Ha?" Kinuha ko yung bote at uminom. "Ayos naman ah? Eto din yung iniinom mo."

Tiningnan lang ako ni Raegan at saka ko napansin na nangitim nanaman yung mata nya. Ngumisi sya nang makitang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Galing mo ah!" Nakangising sabi nya. "Pano mo napansin?"

"Anong napansin?" Kinuha ni Alexa yung bote at inamoy yun. "May lason?"

"Gan.."

"Ha?" Nagpalipat lipat ng tingin si Alexa saming dalawa ni Raegan--este, ni Gan pala. "Anong meron?"

"Tingnan natin kung mapapansin nya." Kindat ni Gan sakin.

"Ha?" Napakamot naman ng ulo si Alexa. "Anong mapapansin ko?"

"Di ako sigurado dito.." Kinakabahan kong sagot. Takot naman talaga ako kay Gan eh. Meron syang kakaibang aura na nagpapabahala sakin sa tuwing lalabas sya.

"Experiment lang. If all goes well, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Gan sakin.

"Oy, ano bang pinaguusapan nyo ha?" Angal ni Alexa.

Nanahimik nalang ako. Medyo curious din ako kung mapapansin ni Alexa na hindi na si Raegan ang kaharap nya eh. Pero alam kong marerealize din ni Alexa ang lahat kasi sya yung bestfriend ni Raegan. Mapapansin nya kung biglang nagbago ang pakikitungo nito sakanya.

Dalawang oras na tumambay sa condo si Alexa bago napagod at nagpaalam na uuwi na. Hinatid namin sya sa elevator.

"Alam nyo ang weird nyo, elevator lang eh! Sasamahan nyo pa ako?" Sabi ni Alexa. "Oy Raegan, baka may binabalak ka ah!"

Natawa lang si Gan. "Wala, ikaw talaga!"

Pumasok na ng elevator si Alexa.

"Oo nga pala, it was nice hanging out with you, Alexa." Pahabol ni Gan bago magsara yung pintuan. "Call me Gan!"

Nagsara na yung pintuan sa gulat at di makapaniwalang mukha ni Alexa. Hinarap ako ni Gan.

"Disappointing, diba sya yung bestfriend ni Raegan? Dapat napansin nya na hindi ako yung kaharap nya kanina pa."

"Magaling ka kasi manggaya!" Napaatras ako't umiwas ng tingin sakanya. Para kasi akong tutunawin ng mga titig nya!

Itinaas nya yung mukha ko para makita ako. "Eh anong meron sayo't ang bilis mong napansin?"

"H-hin-hindi ko alam!"

Parang bibigay yung mga tuhod ko sa tindi ng titig nya sakin. Hindi dahil sa kinikilig ako tulad ng nararamdaman ko pag ginaganito ako ni Raegan, kundi dahil sa takot at kaba.

Masyadong malapit yung mukha nya sakin.

"Maganda ka pala sa malapitan." Pabulong nyang sabi sakin. Naamoy ko yung vanilla mint scent sa hininga nya na nagpaalala sakin bigla kay Raegan.

Napapikit nalang ako ng pitikin nya yung ilong ko. "Sige na, Beltran. Inaamin kong cute ka, pero sa malapitan lang."

Iniwan nya lang ako dun sa hallway na nakahawak sa ilong ko.

Ano bang gagawin ko dun?!

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusKde žijí příběhy. Začni objevovat