Chapter 24

91K 1.4K 114
                                    

"Ano na Gene?"

"Wala." Sagot ko kay Alexa.

"Sinagot mo na?"

"Ha? Uy teka, parang maganda yun ah!" Segway ko na itinuro yung isang shop, napatingin naman si Alexa sa dress na nakadisplay.

"Di bagay sayo yung kulay." Kumento ni Alexa, "Pero sige, check natin kung meron pang iba."

Lihim naman akong natuwa dahil hindi napansin ni Alexa yung pagiwas ko sa tanong nya kung sinagot ko si Raegan last week.

Friday na ulit and as usual, kasama ko si Alexa kasi busy si Raegan sa airlines nila. Nasa mall kami at tumitingin ng mga damit. Hindi naman sa wala na akong masuot, pero kasi past time na talaga ni Alexa ang shopping. Mabuti nga sya't nasusuot naman nya yung mga pinamimili namin kasi walang uniform sa La Salle samantalang ako naiipon na yung mga bagong damit ko.

"Ayoko dito." Kumento ni Alexa matapos maningin. Hinila na nya ako sa papalabas ng shop.

Naglalakad lakad lang kami.

"Gene?"

"Hmm?" Naniningin kasi ako ng mga cellphone na nakadisplay.

"Sinagot mo na si Raegan?" Tanong ulit ni Alexa.

"Maganda ba 'to?" Tinuro ko yung music player para malihis nanaman ng topic pero pagtingin ko kay Alexa, nakapameywang na sya.

"Don't change the topic!"

"Nagtatanong lang naman eh." Tumalikod ako pero hinila ako ni Alexa at pinaharap sakanya.

"Tinatanong din kita!" Kunot noong tanong nya.

Kinabahan ako, sasabihin ko na ba ang totoo sakanya?

"Ano na?"

"Hindi pa.."

Binitawan ako ni Alexa, "Bakit?"

Tumingin ako sa malayo, hindi ko pa kayang pagusapan to.

"Gutom ka na ba? Gusto mo nang magdinner?" Aya ni Alexa. Napansin ata nyang hindi ko gusto yung topic.

"Sige."

"Anong gusto mo?"

"Gusto ko ng ice cream.."

"Dinner Gene, pang dessert ang ice cream."

"Basta gusto ko ng ice cream."

Napailing si Alexa at saka ako hinila sa isang Italian restaurant.

La Olivia

Ito yung restaurant na pinangyarihan ng Marcus incedent. Yung pagaari ng isa ding miyembro ng Familia Olympia.

Iniupo ako ni Alexa sa table sa tabi ng bintana. Nagtaas sya ng kamay para tumawag agad ng waiter.

"One Frutti di bosco for her and one insalata caprese for me." Order ni Alexa na hindi pa tumitingin sa menu, "We'll call you again later."

"Wait lang, ano yun?" Tanong ko kay Alexa nang makaalis na yung waiter.

"Frutti di bosco. Fruits of the forest. Popular italian gelato."

"Gelato?"

"Parang ice cream pero mas sticky." Paliwanag ni Alexa.

Napangiti naman ako. Pagbibigyan nya ako sa ice cream craving ko!

"Kwento ka nga.." Request ni Alexa at saka kumuha ng breadstick sa gitna ng table. Oo, libre ang breadsticks dito, pero hindi yung breadsticks na nakapakete na pwede mong ibaon sa school kundi yung breadsticks na binake talaga!

"Anong ikukwento ko?"

"Last Friday."

"Ehhh."

"Okay sige, wag nalang. Pero bakit di mo pa sinasagot si Raegan?" Pilit ni Alexa, "Ayaw mo ba sakanya?"

"Hindi naman sa ganun.."

"Eh ano?"

Para akong nahihiya na ewan sakanya. Gusto ko si Raegan. Mahal ko ba sya? Di ko pa sure. More of attraction palang kasi eh. Kinikilig ako sa mga ginagawa nya para sakin pero yun lang. Di ko pa masabing mahal ko na sya. Saka isa pa, baka sanay lang ako sa presensya nya. Eh pano ba naman, sa isang bahay lang kami nakatira!

"Gene?"

"Ayoko pa kasi magmadali." Sagot ko, "Saka naiintindihan naman nya eh."

Dumating na yung inorder namin.

"Andami!" Natuwa ako dun sa gelato na inorder para sakin ni Alexa. Ang daming berries! Strawberries, blueberries, raspberries.

Napatingin naman ako sa order nya, "Ang onti naman nyan?"

"Appetizer lang kasi 'to." Paliwanag naman ni Alexa, "Ano, gusto mo ng bagong experience?"

Yung tingin ni Alexa parang nanghahamon kaya napangiti ako, "Anong experience?"

"Actually nagsisimula ka na eh. Reverse meal." Tinuro ni Alexa yung gelato ko, "Full course meal pero start ka sa dessert."

"Pauso ka naman eh!" Tawa ko. I've never heard of that before.

"So ayaw mo?" Kumain si Alexa at binigyan ako ng mapaghamong tingin, "Wala ka pala eh."

Pinagisipan ko saglit yung challenge nya. Medyo gutom naman ako kasi hindi ako nakapagmerienda. Bakit hindi? Experience din naman to!

"Sige, game na ako!"

Ngiting tagumpay si Alexa at saka nagtaas ng kamay para tumawag ulit ng waiter.

"Yes mam?"

"Do you offer full Italian courses here?" Tanong ni Alexa.

"Yes mam. Would you like to try out our pasta--"

Pero hindi sya nakapagpatuloy kasi tinigilan sya ni Alexa.

"Tell the chef we'd like to have a full course meal. Tell him to surprise us AND serve us in reverse order."

"Reverse meal, mam?" Napataas ang isang kilay ng waiter.

"Yes. And tell the chef we're from the Familia." Dinismiss na ni Alexa yung waiter at saka ako nginitian.

Kailangan ba talaga sabihin na tiga-Familia sya? Anong meron dun?
Kinabahan ako, parang mapapasubo ako dito ah!

"Uubusin mo lahat ah." Ngiti ni Alexa.

"Eh pano kapag hindi ko maubos?" Nagaalangan kong tanong.

"May parusa."

"Hala, ano yun?" Kinakabahan talaga ako. Hindi ko inaasahang may pinaplano pala si Alexa nung hinamon nya ako.

"Ikukwento mo sakin yung nangyari last Friday."

"Hala! Walang ganyanan! Private yun eh!"

"Kung di mo mauubos yung pagkain." Kumuha si Alexa sa gelato ko, sinubo yun at kinindatan ako.

Nilakasan ko ang loob ko, "Eh pano kapag naubos ko?"

"Anong gusto mo?"

Nagkibit balikat ako, wala naman akong gustong makuha kay Alexa at the moment.

Ngumiti si Alexa, "Alam ko na. May ibibigay ako sayo kapag naubos mo."

"Ano?"

"Something awesome."

"Eh ano nga yun??"

"Malalaman mo nalang kapag naubos mo yung pagkain." Panghahamon nya.

"Good evening, ladies." Napatingin kami sa lalaking gwapo na nakasuot ng puti.

"Good evening, chef." Bati ni Alexa na ngiting ngiti.

"Good evening." Tipid kong sagot. LUMABAS YUNG CHEF PARA SAMIN?! Ganun ba ang power ng Familia?

"I believe you asked for a reversed full italian meal?" Tanong nung chef.

"Yes," Ngiti ni Alexa, "I challenged my friend here to a bet."

"Ahh yes," Tungo nung chef na parang sanay na sa ganito, "Would you like to start now?"

"Ready ka na?" Ngisi ni Alexa sakin. Oo, nginisian nya ako.

"A-ata?" Nauutal kong sagot. Mukhang matatalo ako nito ah!

"Yes please." Sagot ni Alexa dun sa chef.

Tumabi yung chef at pinadaan yung waiter na nasa likuran lang pala nya, "For your dolce, we have prepared zuppa inglese." Sinerve na samin yung pagkain.

Nako po! Cake!

"Enjoy." Umalis na yung chef at yung waiter.

"Good luck?" Offer ni Alexa na nakangisi na talaga sakin.

"Pag ako nanalo dito dapat maganda yang ibibigay mo!" At sinimulan ko na yung pagkain.

Sunod sunod na inihain samin ang mga pagkain na hindi ko maipronounce ang pangalan. Lahat Italian, masasarap naman at tama lang yung dami ng serving.

"And lastly, for your antipasto, Chef Larry has prepared prosciutto." Sinerve na nung waiter yung plato.

Napangiwi ako. Maninipis ang hiwa na ham pero parang dry tingnan.

"Kaya pa?" Ngisi ni Alexa.

Busog na busog na ako pero ayokong magpatalo. Gusto ko lang isipin na kung anong namamagitan samin ni Raegan ay saming dalawa lang din. At least hangga't maging ready ako sa relasyon na susuungin ko.

"Kaya ko 'to!" At sinimulan ko nang kainin yung prosci-whatever na yun.

"Ayaw mo talagang sabihin noh?" Pinapanuod ako ni Alexa na kumain.

Umiling ako kasi ayoko naman talaga. Private yun eh. Saka isa pa, nacucurious ako sa ibibigay sakin ni Alexa.

Masarap naman lahat ng inihain nila sakin kaya naubos ko. Ngiting tagumpay ako kay Alexa, "Ano? Asan na yung ibibigay mo sakin?"

"Nasa condo."

"Eh di uwi na tayo!" Naeexcite ako na parang bata.

Binayaran na ni Alexa yung bill. Palagi akong libre kasi tuwing aalis kami ni Alexa, inaabot ni Raegan yung card nya kaya ang nangyayari, palaging sagot ni Raegan ang gastusin namin. Wala naman akong magawa kasi hindi ko naman afford yung mga pinagkukukuhang damit ni Alexa para sakin.

Umuwi na agad kami sa condo at dumiretso sa unit ni Alexa. Naupo ako sa sofa nya habang kinukuha nya sa kwarto yung kung ano mang ibibigay nya sakin.

"Okay, I need you to decide." Anunsyo ni Alexa na lumabas ng kwarto nya na may dalang box, "Past, present o future?"

"Ha?"

"Pili ka: Past, present o future."

"Wait, di ko gets. Explain mo." Request ko.

Nilagay ni Alexa yung box sa center table at saka sya naupo sa katapat kong sofa, "Pag pinili mo yung past, ibibigay ko sayo ang mga picture ni Raegan at ng mga past nya."

"Wait, bakit meron ka nun?!" Nagulat naman ako sa offer nya.

"Kasi bestfriend ko si Raegan." Simpleng paliwanag ni Alexa, "Kilala ko kung sino yung mga ex nya. Sa box na 'to may mga picture albums ako. Hahanapin natin yung pictures ng ex ni Raegan at ibibigay ko sayo."

Nagisip isip ako. Nacucurious din kasi ako sa itsura nung Katarina na yun. Sinaktan nya si Raegan dati. Gusto kong malaman kung maganda ba sya o ano. Bakit sa lahat ng nakarelasyon ni Raegan, sya yung sineryoso?

"Ikukwento ko pa sayo yung nalalaman ko." Offer ulit ni Alexa.

"Eh yung iba?" Tanong ko, "Anong ibibigay mo kung yung present o yung future pinili ko?"

"Pag pinili mo yung present, may ibibigay akong cellphone sayo."

"Eh meron naman na akong cellphone!" Reklamo ko, "Anong gagawin ko jan?"

"Cellphone na katulad nung kay Raegan?" Hamon ni Alexa.

Naalala ko nanaman yung cellphone ni Raegan. Thumbprint scanner as security setting tapos sabi ni Dr. Apollo high tech daw yun.

"Eh ano namang mapapala ko sa ganoong cellphone?"

Tumawa si Alexa, "Gene, alam mo ba yung Hephaestus Industries?"

Umiling ako.

"Its a well known European technological company. They build, design and manufacture the world's best computers, machines and stuff." Paliwanag ni Alexa.

"Okay, and so?"

Ngumiti si Alexa, "They provide the Familia Olympia first house members with handmade phones specially designed to suit our needs."

"Okay?" Di ko parin magets.

"You'll have a complete list of Familia Olympia members and their contacts. And its a phone that has everything you'll ever need."

"Everything?"

"No need to connect to Wifi or worry kung may load ka pa kasi satellite connected na. Di ka rin mawawalan ng signal or what." Walang ganang paliwanag ni Alexa, "Also, ikukwento ko sayo ang Familia at ang Orders kapag pinili mo to."

Di pa naikukwento sakin ni Raegan kung ano ba talaga ang Familia. Ang alam ko lang isa itong malaking organisasyon na merong mga miyembro sa buong mundo. Yung order din hindi ko pa masyadong alam.

Saglit akong nagisip. Gusto ko rin naman malaman kung gaano talaga kalaki ang mundo ni Raegan.

"Eh yung future?" Tanong ko.

"Surprise yung ibibigay ko sayo." Ngiti ni Alexa, "So, ano na?"

"Hindi ako makapili. Ano ba yung sa future?"

"Connected din kay Raegan." Hint ni Alexa.

Parang ayoko na ding malaman pa muna kung anong itsura ni Katarina. Baka mabadtrip lang ako kasi for sure ubod din ng ganda yun. Ano namang ibinatbat ko dun diba? Ayokong manliit, iisipin ko munang maganda ako tonight.

Gusto kong malaman kung ano ba talagang meron sa Familia Olympia pero nagpromise si Raegan na ikukwento din nya sakin yun next time. Saka hindi ko naman kailangan ng bagong cellphone, gano pa ito ka high tech kasi ayos naman yung phone ko ngayon. Hihintayin ko nalang na sabihin sakin ni Raegan ang lahat.

"Yung future nalang."

Parang nagulat si Alexa sa napili ko, "Sure ka?"

"Sure na."

Binuksan ni Alexa yung box at may kinuha sa loob. Saglit pa syang nagkalkal sa loob nito kasi hinahanap nya yung ibibigay nya sakin.

"Here." Inabot nya sakin ang isang journal.

"Ano 'to?" Tanong ko at binuklat yung notebook.

Split GeniusWhere stories live. Discover now