Naglakad na ito palayo sa akin "Saan ka pupunta" harang ko sa daraan nya. 

"Bubuksan ko yung pinto! May palock lock ka pang nalalaman mamaya rape-in mo pa ako" inirapan nya ako. 

"Grabe ka! Ang manyak naman ng tingin mo sa akin" napahimas na lang ako sa batok ko. 

"Bakit hindi ba?" taas nito ng isang kilay sa akin. 

"Sayo lang naman e" nagpout ako. 

"Aish! Dun ka nga! Ang manyak mo!" tinulak nya ako ng malakas. 

"Aray, Mika. Pisikal na yun aa" natawa na lang ako. 

"Bakit may reklamo ka?!" pagtataray nito at bumalik na sa harap ng salamin tsaka inayos ang sarili. Tinignan ko ang reflection nya sa salamin, shit bakit kahit ang serious nya, bakit kahit ang sungit nya, bakit kahit ang plain ng treatment nya sa akin, bakit kahit ang dahas nya ang ganda ganda pa din nya? 

"Ano!" sigaw nito ng makitang nakatitig ako sa kanya. 

"Wala" nagpigil ako ng tawa. 

"Para kang shunga" muli ay umirap sya. "Umalis ka na nga dito, naiinis ako sayo" 

"Naiinis ka sa akin?" lumapit ako sa kanya pero pinigilan nya ako, still isang dangkal pa di nang distance namin. "Di naman kita inaano dyan?" 

"Talaga hindi mo ko inaano?" umirap sya habang naglalagay ng lip tint. "Teka bakit ka ba nandito! Bumalik ka na nga dun sa kadate mo!" pagtataboy nitong muli sa akin.

Ayon. Ayon. Babalik at babalik doon. Hahahahaha

"Well, unang una ikaw po ang nagpapunta sa akin dito" ngumisi ako. 

"Pinapunta kita dito? Kelan? Parang wala akong natatandaan" sinamaan nya ako ng tingin. 

"Talaga? Kaya pala kakamissed call mo lang" 

"O ano naman? Di pwedeng napindot lang?" tanong nito. 

Nagshrug ako ng shoulders habang pasimpleng dumidikit sa kanya. 

"Subukan mong lumapit" pagbabanta nito. "Vic umalis ka na, naiirita ako!" inirapan nya ako. 

"Hindi ako aalis dito hanggang di mo ko kinakausap ng matino" sabi ko. 

"Matino naman ako ha" 

"Oo nga, pero ang sungit sungit mo kaya, hindi ka naman ganyan kanina... nikiss pa nga kita bago tayo maghiwalay e, tapos ngayon ang sungit sungit mo na bigla... bakit kaya?" pang-aasar ko. 

Hindi sya umimik sa halip ay inayos na lamang nya ang pagkakalagay ng tint sa labi nya. Shit! Ang hot ng lips nya kapag ganyan kapula. Urgh! Nanggigil ako! 

"Inisip ko, wala naman akong ginagawa sayo? Hindi naman kita inaano dyan" 

"Ah talaga? Hindi mo ko inaano, kaya pala nagpapogi ka pa talaga bago ka pumunta dito.. bakit?" sarcastic syang nakangiti habang nakatingin sa akin. "Kasi alam mong kadate mo yung pulang yun?" taas nya ng isang kilay. 

Urgh!!!! Ang cute!!!! 

"Of course not! Kasi po alam kong magkikita tayo kaya nag-ayos ako" 

"Ah talaga?" halatang hind sya naniniwala. "Kaya pala kapag magkadate tayo nakashort sleeves ka lang, pero ngayon kita mo naman... formal na formal ka" ang sarcastic nya. Nakakagigil! Ang sarap halikan e. Muli ay inirapan nya ako, kung nakakamatay ang irap nya siguro pinaglalamayan na ako ngayon. Hahahahaha

"Bakit bawal ba akong magpapogi?" I asked. 

"Oo!!!!!" 

"E pano kung natural?" ngumisi ako. 

DOWN BY LOVEWhere stories live. Discover now