CHAPTER 4

760 34 1
                                    

Mika's  POV 

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Natigilan ako sa paglalakad tsaka ako napahawak sa mga labi ko. Hinalikan nya ko. Hinalikan nya ko.... at ako... wala akong ginawa para pigilan sya... sa halip, nagrespond ako. 

Shit! Mika! Are you out of your mind! 

Bukod sa engaged na ko, babae yun.. lesbian.. butch... yun pa talaga! Sa katulad nya pa talaga! Urgh! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sana sa iba na lang, sana sa lalaki na lang.. sana hindi sa babae. Mas lalo lang akong  naguluhan. Hanggang ngayon... attracted pa din ba ako sa tulad nya? NO! Hindi pwede. 

"Mika" 

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita, hindi ko namalayang nandito na pala ako sa bar counter. 

"Cienne!" bakas sa himig ko ang pagkaaligaga. 

Iniwan niya ang kasama nyang butch kanina tsaka sya lumapit sa akin. Huminga ako ng malalim sabay himalos ng mga kamay ko sa aking mukha. 

"OKay ka lang?" hinawakan ako nito sa braso. 

Tinignan ko lang sya. This can't be. Hindi ko pwedeng maramdaman to. 

"Umuwi na tayo" hindi ko na hinintay na makasagot ito sa halip ay naglakad na ako palabas ng bar. 

"Hey! Wait Miks!!! Mika!!!" 

Wala ako sa sarili ko. Unconsciously pumapara ako ng cab pero wala ni isang humihinto sa akin. Napasabunot na lang ako sa buhok ko, oa nga siguro ako, it's just a kiss pero ....

"Mika" napalingon ako kay Cienne. "Ano bang nangyayare sayo!" nahawa na din ito sa pagkataranta ko. 

Muli ay nahilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Hindi pwede to. "Gusto ko ng umuwi" pinilit kong ikalma ang sarili ko at burahin sa utak ko ang ginawa nya.. ang ginawa ni Vic.  

Naglakad ako palayo sa bar kung saan mas maraming humihintong taxi pero pinigilan ako ni Cienne "Sandali nga, Mika! Magsisimula palang ang gabi, nag-eenjoy pa ako" 

I looked at her. "Pwes ako hindi" 

Nagulat ito sa sinabi ko. "Hey, may nangyare ba?" 

Natigilan ako sa sinabi nya, once again, naalala ko ang mukha ng babaeng yun. Naalala ko kung anong ginawa nya sa akin.... naalala ko kung anong ginawa namin. Fuck! 

Nag-iwas ako ng tingin tsaka nagpatuloy sa paglalakad. "Gusto ko ng umuwi!" sigaw ko. 

Humabol sa akin si Cienne at humarang sa daan ko. "Sandali Mika!" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Kumalma ka nga!" tinitigan ako nito ng diretso sa mga mata, best friend ko sya, wala akong matatago sa kanya. "Nakita ko.. magkasama kayo ng kaibigan ni Kim... si Vic.. yung bu---"

Sabi na eh. "Stop" putol ko sa kanya. 

Ngumisi sya. Yang ngiting yan... alam kong alam na nya... "Something happened right?" she asked. "What it is, tell me" narinig ko ang mahinang pagtawa nito. 

"Cienne!" suway ko sa kanya, mas lalo akong nacoconscious. 

"What? Nagtatanong lang ako" tumawa sya. 

Bat ba sya ganyan? Natataranta na nga ako tapos nakukuha pa nyang tumawa? 

"Wala wala" tinalikuran ko sya at naglakad palayo. 

"Hey hey wag ka ng umiwas" habol nito sa akin. "So what happened? Nagmomol kayo? Oh oh! You had a quickie? Hmm? Nag-enjoy ka ba? Sabi nila magaling daw sya, nagustuhan mo----" 

"Cienne stop!!!!!" suway ko dito. Pano nya nasasabi yan sa akin? Knowing na bestfriend ko sya? Knowing na alam nyang engaged na ako... and most of all.... knowing na .. hindi pwede.... 

DOWN BY LOVEWhere stories live. Discover now