CHAPTER 6

732 37 3
                                    

Ara's POV 

Pasado alas sieste ng makarating ako sa condo, hinahanap ko ang susi ng pinto sa bulsa ko pero natagalan bago ko ito makapa sa butt pocket ko. Binubuksan ko na ang pinto ng mahagip ng mata ko ang isang babaeng may dalang 2 paperbags ng groceries na padaan sa likod ko. Nilingon ko sya, ang awkward. Si Mika. 

Hindi nya ako tinignan as if hindi kami magkakilala, as if wala lang yung nangyaring kiss sa bar kagabi. 

Gusto ko sana syang lapitan, hindi ko maintindihan, parang sa tuwing makikita ko sya, may kung anong gustong itulak ako para lapitan sya. But then again, I thought of what Kim said na lang. Mas magiging less complicated ang lahat kung wala akong sisimulang gulo, kaya imbis na lapitan ko sya ay binawi ko na lamang ang tingin sa kanya. 

Tama, mas mabuti nga sigurong kunwari hindi na lang kami magkakilala, katulad sa kanya, imposibleng hindi nya ako nakita pero hindi man lang nya ako nilingon. Naiintindihan ko sya, maaaring galit sya sa ginawa ko kagabi. 

Pagkabukas ng pinto ay huminga ako ng malalim. Ang hirap nito, parang tinutotur ko masyado yung sarili ko. Yung pakiramdam na gusto ko syang lapitan pero sinasabi ng utak ko 'hindi, bawal' Ang hirap! Parang hindi kasi ako to eh, dati rati, kahit sinong gusto kong lapitan, lalapitan ko kasi gusto ko... pero bakit ngayon hindi pwede? Muli ay napabuntong hininga na lang ako. 

Pumikit ako bago magtake ng step papasok sa pintuan. 

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay hindi ko na natiis linguning muli si Mika. Teka, ano bang meron sya? Para naman akong bakal tapos sya yung magnet. Literal, naattract ako sa kanya. Tsk! 

Nahihirapan syang kapain yung susi sa bulsa ng bag nya dahil sa mga bitbit nya... sinubukan kong tiising hindi lumapit pero hindi ko talaga kaya. 

"Let me help you" sabi ko at inalalayan sya sa pagbitbit ng mga paperbag na halos malaglag-laglag na. 

Tinignan nya ako kaya nginitian ko sya pero agad din nyang binawi yung tingin nya. "Kaya ko, thank you" pagmamatigas nito tsaka binawi sa akin yung mga paperbag. 

Yan ang gusto ko sa kanya, yung ganitong side nya, mas lalo ko syang gustong makilala. Mas lalo akong nacucurious. 

Hinayaan ko syang gawin ang gusto nya subalit nahihirapan talaga sya kaya naman ginamit ko na yung pagiging dominante ko, walang salita salita ay kinuha ko sa kanya yung mga paperbag na bitbit nya.

Tinignan nya ako, may sasabihin sana sya at akmang kukunin sa akin yung paperbags ng ilayo ko ito sa kanya "Hindi ko itatakbo, sige na buksan mo muna yung pinto" sabi ko. 

Nagkukuli pa sya pero sorry, hawak ko na, wala na syang magagawa kaya naman kinuha na nya yung susi at binuksan ang pinto. Tinignan nya ako pagkabukas ng pinto na para bang inaantay na iabot ko sa kanya yung paperbags pero hindi ko iyon ginawa sa halip ay 

"Akin na" 

"San ko ba ilalagay?" ngumiti ako. 

Napakunot ang noo nya. "Ako na" akmang kukunin nito sa akin pero inilayo ko agad sa kanya tsaka ako pumasok ng unit nya ng walang sabi sabi "Dito ko na lang ilalagay" sabi ko pagkadiretso ko sa kusina ng bahay. 

Hindi ko naman sinadyang pumasok, hindi ko naman sinasadyang ito, manghimasok, pero hindi ko maintindihan, pagkaharap ko na sya, yung mga hindi ko akalaing magagawa ko, nagagawa ko. At ito na nga.. nandito ako sa loob ng unit nya.. hindi ko mapigilang magmasid sa paligid. 

"Thank you, you can go" dinig kong sabi nito pero hindi ko sya pinansin sa halip ay tumingin na lang ako sa buong kabahayan. 

"Nice place" tinignan ko sya tsaka ako ngumiti. Hindi naman talaga ako pakialamera, curious lang. 

DOWN BY LOVEWhere stories live. Discover now