CHAPTER 21

865 34 11
                                    

Mika's

Kanina pa ako hindi mapakali.

Hawak ang phone ko na para bang may inaantay na text. Nakakainis naman kasi si Vic, sumunod nga sa gusto kong magtext bago matulog pero hindi naman magtext ngayong umaga... sigurado akong gising na sya... may trabaho sya ngayon pero bat ni good morning wala?

Sinabi ko naman sa kanya na ok lang magtext sya hindi nga lang ako makakapagreply. Although sinabi naman nya sa akin na ayaw nya lang makaistorbo sa time ko with Jim pero kasi naman e.... nakakaparanoid din kaya... ibig bang sabihin nun hindi nya ako naalala? Or sobrang busy sya para di man lang magawang magtext?

Ano ba kasing ginagawa ng mokong na yun? Eish!

"Baby, ok ka lang?"

Nagbalik ako sa realidad ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si Jim. Shit, may kasama nga pala ako.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "I'm fine"

Ngumiti sya tsaka dumiretso ng tingin, parehas lang naming hinintay ang pagbubukas ng elevator. Pagkarating sa lobby ay agad kaming dumiretso sa basement para ihatid ko sya.

There's something in me na parang argh... i don't know... gusto ng umalis si Jim? Eish! Mika, don't think that way. Pero yun nga yung nararamdaman ko... yata?

"Ahm... ingat ka Jim" di ko alam kung bakit parang ang awkward ko sa kanya. "Text mo ko pag-uwi mo" yun na lang ang sinabi ko bago ako humalik sa pisngi nya.

"Yes hon. I will. Sige na balik ka na sa taas, alam ko namang inaantok ka pa" tumawa sya ng mahina, tumawa na lang din ako. Well actually, maaga naman akong nakatulog kagabi kaya hindi ako gaanong inaantok.

Nagkiss si Jim sa cheek ko bago sya nagwave goodbye at sumakay sa kotse nya.

Pagkaalis ni Jim ay hinayaan ko na lang na magpatangay ako sa mga paa ko. Hindi ko na namamalayang dito ako dinala, sa tapat ng unit ni Vic. Bago kumatok ay tumingin muna ako sa phone ko pero wala talaga syang text e.

Hindi naman sa naiinis ako, kung tutuusin dapat nga si Vic ang mas mainis sa akin pero di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Ayoko sa thought na hindi nya ako tinetext paggising nya.

Knock knock knock....

Huminga ako ng malalim habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Pero lumipas ang ilang segundo ay wala pa din. Kaya muli ay kumatok ako... nakailang katok na ako pero wala pa ding nagbubukas.

Argh! Ano bang ginagawa ng isang yun!!! Kung tulog sya, well mabilis naman syang magising kapag may ingay at ang ingay ingay ko na dito.

Isa na lang Vic. Isa na lang maiinis na ko.

Muli ay kumatok ako...

Pero wala pa din. Argh!!!! Aalis na sana ako ng may madinig akong magsalita. "Wait" boses ni Vic yun.

Nagstay ako sa tapat ng pinto at hinintay ang pagbukas ni Vic. Yari talaga sya sa akin kapag nakita ko sya...

"Mika?" Bungad ni Vic pagbukas ng pinto.

Yung inis ko... biglang nawala...

Ako nakangiti, sya naman nakangiti pero mas nangingibabaw yung pagkagulat.

"Anong ginagawa mo dito?" She asked.

Nakasmile lang ako. Tumingin si Vic sa paligid bago nya ako marahang hatakin papasok ng bahay nya. "Uy anong ginagawa mo kako dito?" Muling tanong nito.

"Wala" sagot ko na lang. Di ko naman din kasi matanong kung bat di sya nagtetext dahil alam ko naman ang isasagot nya at ayoko din namang lumabas na demanding, kung sya nga hindi nagdedemand e, ako pa ba?

DOWN BY LOVEWhere stories live. Discover now