CHAPTER 16

1K 37 12
                                    

Mika's POV 

" Wag kang mag-alala di ko ipipilit sa 'yo. Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo" 

"Bat yan parati mong kinakanta?" 

For the nth time, ito na naman ang kinakanta nya, ito ang una parati sa playlist nya. Hindi naman ako nagrereklamo or nagsasawa. Hindi ko lang maiwasang magtaka dahil sa lahat ng kantang tumutugtog sa player nya, yan lamang ang sinasabayan nya. 

"Bakit? Sawa ka na ba?" tumawa sya. 

"Hindi naman" sagot ko bago ako magsip sa frappe ko. "Nagtataka lang ako, anyway baka yan ang paborito mo" sabi ko tsaka ko diniretso sa daan ang aking tingin. 

"Actually, nope. Recent ko lang din nagustuhan yung song" 

Napalingon ako sa kanya. Recent lang? E luma na yang song na yan aa? 

"Recent lang?" 

Mabili nya akong nilingon, di ko alam kung bakit nya kailangang magsmirk after tumango. 

"Weird" Sabi ko tsaka ako tumawa. 

"So ayaw mo nga?" She asked. 

Umiling ako at nagsalita after muling magsip sa inumin ko. "No actually ngayon ko lang din nagustuhan yung song, maybe because paulit ulit mong tinutugtog" tumawa ako. "Nacurious lang talaga ako kung bakit yan yung una mong parating pinapatugtog tapos yan lang din yung sinasabayan mo" nagshrugged na lang ako.

Nagsmile sya. Ang weird ng smile na yan. 

"Sooner or later maiintindihan mo din kung bakit yan yung parati kong pinapatugtog.... kapag kasama kita" 

"What?" 

"Wala" umiling iling sya sabay tawa na parang nang-aasar. 

Problema nito? Ang weird nya. 

"Pero dahil gusto mo lang yatang madinig akong kumanta ng ibang song...." nilipat nya sa ibang song yung player. "Pagbibigyan kita" tumawa sya. 

"Hoy di naman yun ang ibig kong---" 

Natigilan ako ng maramdaman ko ang kamay nitong humawak sa kaliwang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngitian nya ako habang pinagiintertwine ang mga kamay namin. 

Anong ginagawa nya? 

Nakatingin lamang ako sa ginagawa nya. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak, lagi naming ginagawa ito, ganon kasi sya, pagmagkasama kami lagi nyang hawak ang kamay ko pero hindi ko maintindihan kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon. 

"Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matinkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit" 

Alam ko naman ang kantang yan but it feels like it was really made for me. I feel special. DI ko alam kung bakit. Gustuhin ko mang alisin ang tingin kay Vic ay hindi ko magawa, mas naeenjoy ko yatang tignan sya habang hawak ang kamay kong kumakanta kahit hindi sya laging nakatingin sa akin dahil nagmamaneho sya. 

"Huwag ka lang titingin sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik " 

Vic. 

Huminto ang kotse dahil sa nagred na ang traffic light dahilan para ibaling ni Vic ang tingin nya sa akin. 

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sayo ang awit ng aking puso.  Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin"   

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon