CHAPTER 23

965 45 23
                                    

Mika's 

"At talagang dito pa rin tayo pupunta no?" sabi ko ng hilahin ni Cienne ang kamay ko at iginiya ako papasok sa loob ng bar. 

"Wag ka ng ano dyan! Ipapakilala kita kay Kim" may halong kilig sa himig nito. 

"Duh Cienne! Kilalang kilala na nya ako" tumawa na lang ako habang nagpapatangay sa kanya, I smell something fishy. 

"I know... pero iba kasi ngayon" nilingon nya ako tsaka sya ngumiti ng nakakaloko. 

I get it. "Bakit kayo na ba?" I asked. 

Tumawa sya ng mahina at may kasamang landi, as if hindi ko alam diba? "Mamaya mo malalaman" 

"Landi mo!" sinundot ko na lang sya sa bewang.

"Pero ganon na nga din yun... kasama natin yung iba nyang friends, ipapakilala na daw nya ako" muli ay tumawa sya ng may halong kilig. 

Hay nako ang kaibigan ko. Buti pa sya.... I-- I mean buti naman at naging sila na din ni Kim, alam ko namang gusto na talaga nila ang isa't isa umpisa pa lamang. 

"O edi kayo na nga... oo lang yung sagot sa tanong ko kanina dami mo pang sinasabi" tumawa ako. 

"Panira ka" sinamaan nya ako ng tingin. 

Maya maya pa ay huminto na si Cienne, pagkatingin ko sa kung saan kami huminto, nandun na nga si Kim kaya naman bumati na ako sa kanila at bumeso na din. Nagbeso na din ako kanila Jessey at Riri at nagkamustahan. Wala pa si Vic. 

Lumingap ako sa paligid, mukhang wala pa nga sya. 

Ngunit bago ako umupo ay may dumating na isang babaeng hindi pamilyar sa akin subalit parang kilalang kilala ni Kim, nilapitan sya nung babae, nagbeso sa kanya at nagkwentuhan sila. Natawa na lang ako habang nakatingin ako kay Cienne, ngayon palang harap harapan ng chickboy ang girlfriend nya, nakuha pang magbulungan sa harap nya. 

Sinundan ko si Cienne at naupo ako sa tabi nya, walang bahid ng selos sa mukha niya, paano nya nagagawang hindi magselos e nagtatawanan sa harap nya si Kim at yung babae na parang may pinag-uusapan silang nakakakilig? 

"Di ka nagseselos?" tanong ko ng mapansin kong ngumiti pa sya ng natural ng tignan sya nung babae. 

Nagsip sya sa cocktail nya bago nya ako sagutin "Hindi, bakit?" 

Umiling ako at muling tumingin doon sa babae, maganda yung babae, medyo matangkad, maputi, mahaba ang buhok at higit sa lahat sexy... kahit naman sino magseselos sa kanya once dumikit sa jowa nila... bat hindi nagseselos itong kaibigan ko knowing na sya ang pinakaselosa sa lahat ng selosa. Nagsip na lang din ako sa drink ko bago lumapit kay Cienne at bumulong ng "Wala ang close lang kasi nila" tumawa ako. 

Tumawa si Cienne "Ah yah, nakilala namin yan nung isang araw" 

Tumango tango ako. Tumingin si Cienne doon sa babae "Sabi kasi ni Kimmy, yan daw ang tipuhan ni Vic, single yung babae kaya kinontrata nya na makipagblind date kay Vic ngayon" ngumisi sya pagkasabi noon. 

Iced tea lang naman itong iniinom ko pero bakit parang nag-init ang tainga ko sa pinahayag ni Cienne. 

Biglang uminit ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko. 

"A-Anong ibig mong sabihin?" I asked. 

Tinignan ako ni Cienne "Di mo ba napapansin? Partner partner kaya tayo ngayon" tumawa sya. "Ako kay Kim, si Jessey kay Riri at yung babaeng yan" nguso nya sa babaeng ewan "kay Vic"

At ako? Ano ako dito? Palamuti? Anong kalokohan to!

"At ako?" nakataas ang isang kilay kong tanong. I mean bakit kailangan pa nilang iblind date si Vic sa iba kung nandito naman ako. I mean hello... kung partner by partner since simpleng lakad barkada lang naman ito... hindi na sana sila naghanap ng ibang makakasama nung tao. 

DOWN BY LOVEWhere stories live. Discover now