"Kainis ka! Kagabi mo pa ako binibitin, Liam!" magkahalong inis at panghihinayang n'yang sambit.

Matapos n'yang sabihin iyon ay paulit-ulit n'yang kinagat ang leeg ko na tila ba nanggigigil ito. Naging dahilan tuloy ito ng pagpapakawala ko ng malakas na pagtawa.

"Tama na, Rigz! Nakikiliti ako! Tama na, ano ba?!" pagsaway ko sa kanya habang tumatawa.

Sinubukan kong kumawala ngunit sadyang mas malakas s'ya kaya nanatili akong nakakulong sa mga bisig n'ya.

Itinigil n'ya ang pagkagat sa leeg ko.

"Sige na kasi! Isa lang, please? Nakapagtoothbrush naman na tayo! Anong problema do'n? Kaya sige na, pahingi ng isang kiss bago ako maligo! Please, Liam! Please?!" pagmamakaawa na naman n'ya at muli akong hinarap. Nanatili pa rin kami sa aming pagkakayakap.

Patuloy pa rin ako sa pagtawa habang pinagmamasdan s'ya.

"Alam mo, male-late na tayo sa trabaho, Rigz! Pumasok ka na sa banyo!" natatawa kong utos sa kanya.

"Kaya nga pagbigyan mo na ako! Lalo lang tayong matatagalan dahil hindi talaga kita pakakawalan!" pananakot n'ya.

"Ayoko." pagmamatigas ko pa rin.

Natutuwa ako sa nagiging reaksyon ni Rigo sa tuwing inaasar ko ito. Gustong-gusto ko sa tuwing nilalambing n'ya ako ng ganito.

"Isa!" seryoso n'yang ekspresyon at binibilangan na ako.

"Ayoko." sagot ko pa rin.

Kahit gusto kong maging seryoso ay hindi ko maitago ang ngiti ko.

"Dalawa!"

"Ayoko."

"Tatlo!"

"Kahit umabot pa 'yan ng isang milyon, Rigz, A-YO-KO!" patuloy ko pa ring pagmamatigas.

Hindi na s'ya nagsalita sa pagkakataong ito. Natahimik ito at nanatili na lamang na nakatingin sa mga mata ko habang malungkot ang ekspresyon nito.

Aysus! Ang baby Rigz ko, sinusubukan akong mapaamo.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha sa mga oras na ito ay lumapad ang pagkakangiti ko. Ang sarap n'ya talagang asarin at lambingin.

"Joke lang." wika kong nakangiti at mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya para bigyan s'ya ng mabilis na halik sa labi.

Sa wakas ay ngumiti rin s'ya.

"Isa pa nga." nakangiti na n'ya ngayong pakiusap.

Hindi na ako nakasagot pa. Kasunod ng sinabi n'yang iyon ay muli n'yang pinagsakop ang aming mga labi habang yakap pa rin namin ang isa't-isa.

Napapikit kaming pareho habang dinadama ang mainit na halik sa bawat isa. Banayad lamang ito ngunit damang-dama namin ang nakapaloob dito, ang hindi namin maitagong nararamdaman para sa isa't-isa.

Nag-iwan ng magandang ngiti sa amin ang naganap. Kung ganito na lang sana kami habang buhay, wala na akong mahihiling pa.

"Maliligo na ako. Dapat kasi nagsabay na tayo kanina. Bakit kasi nauna ka?" tanong n'ya matapos naming bumitaw sa pagkakahalik.

"Dahil alam kong lalo lang tayong male-late kung magsasabay pa tayo sa paliligo. Kilala na kita!" sagot ko sa kanya.

Malakas na tawa lang ang nagawa n'ya dahil sa sinabi ko.

Totoo naman ang sinabi ko, sadyang mahilig si Rigo. Habang tumatagal ay napapansin ko rin na mas madalas na rin n'ya akong kinakalabit kahit nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog sa gabi.

NO STRINGS ATTACHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon