Nag-iwas ito ng tingin at muling napamura. Nanatili ang paningin ko sa kanya.

"What I can't take is let scums like Drake think that just because they were born with golden spoons on their mouth, they are better than the rest of the world. Hindi ko masisikmurang panuorin na lang silang nang-aapi ng kapwa kahit na alam kong mayroon naman akong magagawa," mariin kong sabi.

Kunot ang noo nitong lumingon sa akin. Nakipagtagisan pa ako ng tingin dito bago ko muling binalingan ang kanyang kababata.

"Don't worry about me, Cecilia, " I smiled at her, "Mas nag-aalala pa ako sa kalagayan mo ngayon. Kung ako lang, mas mabuting magpatingin ka sa doktor. Baka kasi nabalian ka at tinitiis mo lang."

Umiling lang ito sa aking sinabi.

"Pilay lang ito, Ian. Hilot lang ang katapat nito. Gagastos pa sina Papang kung magpapa-doktor ako. At saka mahusay naman si Nang Daling. Bukas maayos na uli ako," masayang sabi pa nito.

"Ren, paano na bukas?" Biglang lumapit si Neil sa amin. May konting galos ito sa pisngi.

Napatingin ako sa gawi ng kanilang mga sira-sirang instrumento.

"Ian, doon muna tayo sa loob," anyaya sa akin ni Kulas na sinimulan ng tulungan si Cecilia na makabalik sa loob ng talyer. Sumunod naman si Jepoy sa kanila habang sumisenyas sa akin para sundan sila. Tumango naman ako rito at aalis na sana nang marinig ko ang sagot ng kanilang leader.

"Hanap muna tayo ng mahihiraman. Parang matatagalan yata tayong ayusin ang mga iyon ngayon. Kontakin mo sina Teban at baka bakante iyong drum set niya bukas," tumango pa ang kanilang drummer sa sinabi nito na tila sanay na sa pagkasira ng kanilang instrumento.

Bukas na nga pala sila tutugtog. Can they really find a set of instruments to use before the show?

Bigla kong naisip iyong mga instrumento ko sa family estate.

"Ano..." Parehong napalingon ang mga ito sa gawi ko, "M-may kakilala akong p-pwede niyong h-hiraman," my voice seemed so broken even to my own ears. I wasn't even sure how I could take the instruments out from that room!

Sandali pa akong tiningnan ng leader nila bago ito nagsalita.

"Salamat, Ian, pero okay na kami. Tatawagan na lang namin iyong hihiraman namin," marahan pa nitong tinapik ang aking balikat bago bumalik sa pakikipag-usap sa kanilang drummer.

Nahagip ng mata ko si Nonoy na papalapit sa kanilang hari at tila malungkot habang hawak ang isang baling gitara. I recognized it as that same guitar he and Jepoy were fighting over before the Emperors fiasco happened.

"King, sorry. Hindi ko nailigtas iyong gitara mo," sabi nito nang makalapit.

Sandali pang tiningnan ni Reign iyong baling gitara bago ito kinuha mula sa tauhan.

"Okay lang, Noy. Huwag mo na lang masyadong isipin."

"Ano," hindi ko maiwasang sumabat.

Muli silang napatingin sa aking pwesto. Nakataas ang isang kilay ng kanilang hari sa muli kong pangingialam.

"Baka kasi kulangin kayo ng gitara," nahihiya kong pahayag, "Pwede kong hiramin iyong gitara noong kakilala ko. Maganda iyon! Malambot iyong mga kwerdas at tsaka masarap pakinggan iyong tu... nog..." Halos hindi ko matapos iyong sasabihin dahil sa tindi ng pagtitig nila sa akin.

Iniling lang nito ang kanyang ulo. Akala ko, tulad ng nauna nitong sagot, ay tatanggihan pa rin nito ang aking alok.

"Maganda ba talaga iyang gitara ng kakilala mo?" Nangingiting tanong nito.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now