Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. He got the situation under control even when he was facing one of the real dragons?

Huminga muna ako nang malalim para ayusin ang sarili.

"Hindi ko naman alam na alam mo na pala ang gagawin," kahit nakasimangot at tila gustong kumontra, hindi siya umimik at hinayaan akong magpatuloy, "From where we were standing, ang nakita ko lang kanina ay mapapahamak ka kung hindi ko iyon ginawa. Kung nagkapalit ba tayo ng posisyon, wala ka ring gagawin at titingin na lang?"

Sinubukan niyang buksan ang bibig para magsalita pero tila wala siyang mahagilap na sagot kaya kanya na lang isinara. Nakipagtagisan na lamang ito ng titig sa akin. Ilang sandali pa ay pumikit ito bago humugot ng isang malalim na hininga.

"Hindi iyon mangyayari," sabi nito sa isang malumanay na boses, "Dahil hindi ko hahayaang ikaw ang lalaban sa kanila."

"Pero Reign—" Nagsimula naman akong umalma sa kanyang pahayag pero natigilan din ng muli nitong isinampa ang kamay sa dingding, caging me again. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin ang paglumanay ng kanina'y nag-aalab niyang mga berde.

"Mangyayari lang iyon kapag nalagutan na ako ng hininga."

Tila may mainit na haplos akong naramdaman sa aking dibdib sa kanyang pahayag. How could he say those words while looking at me like he was seeing my soul and engraving them to it?

"That's—"

"R-Ren..."

Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Akay-akay ni Kulas si Cecilia na nanghihina pa rin dahil sa pagbalibag sa kanya kanina ni Drake. Kaagad siyang nilapitan ng kababata.

"Okay ka lang? May masakit ba? Gusto mong dalhin kita sa ospital?" Kitang-kita ang pag-aalala nito sa kanyang kaibigang umiling lamang sa kanyang iminungkahi.

"Pilay lang ito, ano ba! Papahilot ko na lang kay Nang Daling mas mura pa," natatawang sagot nito bago inilipat ang paningin sa akin, "Buti na lang at hindi ka lumabas, Ian, kasi ikaw talaga ang hinahanap ng mga iyon."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang isinawalat. Ganoon din si Reign na tila ngayon pa lang ito nalaman. Napatingin ito sa pwesto ni Jepoy na hindi umimik at nanatiling nakayuko.

"Dumating ang grupo nila at nagdemandang ilabas namin si Ian. Nang sabihin nina Nonoy na wala siya roon, nagalit si Drake at sinabing hindi siya naniniwala. Nagwala ito at pinagsisipa iyong mga instrumento. Pinigilan siya nina Jepoy kaya nagkagulo," kuwento pa ni Cecilia bago ito pa-ika-ikang lumapit sa akin, "Kasalanan ko ito, Ian. Kung hindi mo ako tinulungan noon, hindi ka ipapahanap ng hayop na iyon. Dahil dito, baka bigla ka na lang nilang damputin at..." hindi niya matapos ang sasabihin at nagbabadyang mahulog ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Hindi ko iyan hahayaang mangyari, Cel. Walang gagalaw kay Ian hangga't ako ang hari rito," matapang na pahayag ni Reign.

Napakurap-kurap ako sa kanilang mga pahayag. Tila hindi ako makapaniwalang may mga taong ganito kung mag-alala para sa akin. Mga taong hindi ko kadugo. Mga taong hindi naman ako lubusang kilala.

I straightened my back as I sincerely looked at the both of them. I first turned to Cecilia and moved my left hand to touch her reddened cheek.

"Wala kang kasalanan, Cecilia. Hindi ako nagsisising iniligtas kita sa kamay ng Drake na iyon. Mas gugustuhin ko pa ring makita kang nasa maayos, despite the threats. Wala akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung hinayaan kong may masamang nangyari sa iyo."

"Pero, sa nangyayari ngayon baka—"

"Surely, they won't do so much damage to me as I could fight them fairly well. I can handle some pain, Cecilia. Hindi ako ganoon karupok," ibinulsa ko ang aking kamay at matamang tiningnan ang umaalmang bulto ng kanilang hari.

Paper Stars (Self-Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora