Wendy's POV
I CRIED my heart out. Sinabi ko sa sarili ko na 'Tama na. Sobrang tanga mo na. Matuto ka namang makinig sa iba. Hindi na siya makakabalik.', it took time for me to accept that it won't be the same anymore. Hindi na ako gigising isang araw na maghihintay ako ng balita tungkol kay Ken. Hindi na ako aasang babalik siya at sasabihing 'Okay na. Malaya na tayong dalawa.'. Malulungkot, oo, pero hangga't maaari, hindi na ako iiyak sa tuwing maaalala ko siya. Hindi madaling mag-move on... but it's a process, it requires no specific time, usually, it takes too long. But moving on... is a must.
Time flies so fast. Hindi ko namalayang ga-graduate na pala ako, ga-graduate na kami ni Ethan. At magtatapos ako ng may karangalan, salamat sa lahat ng naging inspiration at motivation ko.
"MS.MARTINEZ! What's taking you so long?"
"Heto na! Sandali, sandali!" nagmadali akong bumaba ng hagdan. Kasunod ko sina Hershey at Kisses na naging hair and makeup artist ko.
"Atat naman masyado ng escort mo teh!" napailing si Hershey at muling inayos ang kulot kong buhok habang sinusuot ko ang putting pares ng stilettos na pinahiram ni Margaux sa akin.
"Syempre. Nandyan na 'yong sundo natin." ngumiti si Ethan at lalo siyang nagmukhang prince charming dahil sa suot niyang puting pares ng tuxedo.
"Anak~! Ang ganda ganda mo." lumapit sa akin si Nanay at niyakap ako ng mahigpit habang naluluha.
"Oh, mother, ang mascara, masisira ang makeup." tinapik ni Kisses ang braso ni nanay at nagtawanan kami.
"Aba, syempre, gwapo din 'tong anak ko." umakbay si tatay kay Ethan.
"Tay naman, baka naman ako 'yong maiyak." Umakbay si Ethan kay tatay, "Mabuti pa kayo, a-attend sa graduation ko. Samantalang 'yong mga tunay kong magulang, hindi man lang ako maalalang i-congratulate."
"Naku, Ethan, parang anak na rin kita. Siguradong masayang-masaya rin ang mga magulang mo. Ang kaso, hindi lang talaga sila makauwi dahil 'di ba nabanggit mo na may kanya-kanya na silang pamilya at maliliit pa ang mga kapatid mo? Pasasaan ba't maaalala ka rin nilang batiin." Tinapik siya ni tatay sa balikat at nginitian siya nito.
"Salamat po ng marami. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Sobrang bait niyo po kahit sa amin ng kapatid ko kahit na marami akong kasalanan kay Wendy." yumuko si Ethan na tila nagpipigil ng luha.
Pinagmasdan ko lang siya at nakaramdam ako ng kakaiba. Ang sarap lang nilang titigan. Hindi maipagkakailang malaki na ang pinagbago niya. Kung ituring siya ng mga magulang ko ay parang tunay na rin namin siyang kapamilya. At masasabi kong siya 'yong tipo ng tao na, mahirap basahin sa umpisa pero hindi naman mahirap mahalin kapag nakilala mo na siya.
Natauhan ako ng marahan akong sikuhin ni Nanay, "Baka naman matunaw, anak."
Tumawa ako at nag-iwas ng tingin, "Nanay talaga."
"Sorry, I don't mean to interrupt you guys but we need to go. Baka ma-traffic tayo." dumako ang tingin naming lahat kay Sky na nakasilip sa bintana namin. Ngumiti siya ng malapad at lalong naningkit ang mga mata niya.
Kay Sky kami humiram ng sasakyan. He's been a good friend to me, hindi lang dahil, kaibigan niya rin si Ethan. Sobrang humble niya at hindi mapang-mata kahit na lumaking magara ang pamumuhay. Madalas din siyang nandito, lalo na kapag wala siyang pasok. Kung minsan nga, nag-s-sleepover pa siya sa apartment nila Ethan.
"Tama. Tara na!" Aya ni Ethan at naglakad palabas ng bahay namin.
Kasama ko si Nanay at si Kuya Darren, samantalang si Tatay at si Margaux naman ang kasama ni Ethan. Sina Kuya Liam, Kuya Darren at Ate Stella, namalengke para sa maliit na salu-salo namin pagkatapos ng graduation. So far... this is the best day of my life. Wala na akong mahihiling pa.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
You Don't Mess With The Bad Nerd
Любовные романы"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
