Pangit. Losyang. Weirdo. NERD.
Iyan ang kadalasang bansag sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw sa university kung saan ako nag-aaral. Kulang na nga lang ay ipalagay ko 'yan sa birth certificate ko at palitan nalang ang pagkaganda-ganda kong pangalang Wendy Martinez na nakalagay do'n!
Sa bawat araw nalang na ginawa ng Diyos, iyan ang almusal, tanghalian at hapunan ko. Pero sino ba naman sila para husgahan ang pagkatao ko? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila kaya naniniwala akong kahit hindi kaaya-aya ang itsura ko sa paningin nila ay karapat-dapat pa din ako para sa respeto nila. RESPETO, pinaka-basic at unang tinuturo sa atin buhat ng mag-aral tayong lahat, pero grabe nilang ipagkait sakin.
In fairness din, ang haba ng pasensya ko ah. Sa loob ng 20 years na existence ko sa mundong ibabaw ay nakayanan kong magpakatatag sa kabila ng pambu-bully nila sa akin... habang malayo ako sa pamilya ko. Nasa Cavite kasi sila at ako naman ay nagdo-dorm lang dito sa loob ng university namin. Scholar ako ng mga Harris, ang mismong mga may-ari ng university. Noong nasa senior year na ako sa high school ay naghanap sila ng mga deserving na ma-grant ng scholarship mula sa ilang public high schools sa iba't ibang lalawigan sa Calabarzon. At isa nga ako sa napili dahil nagtapos akong valedictorian ng batch namin.
I have good manners pero hanep naman! Kahit na ang bombang may pinakamahabang mitsa ay sumasabog din kapag naabot nito ang kadulo-duluhan. Hindi habang-buhay magpapa-api ako. Kaya wag silang magkakamali dahil nako! Sinasabi ko sa inyo, malilintikan sila sa akin.
Tinatawag akong 'NERD' maharil dahil nga sa itsura ko. Wala akong braces gaya ng mga stereotype na nerd sa mga pelikula, may salamin ako dahil sobrang labo ng paningin ko. Hindi rin ako marunong manamit dahil una, wala akong lakas ng loob na magsuot ng mapopormang damit. Nung umulan ng katalinuhan ay open-arms ako pero pagsaboy yata ng self-confidence ay mahimbing ang tulog ko. Pangalawa, wala akong perang pambili ng mga magagarang damit kaya kaysa ibili ko ng ibili ng kung anu-anong abubot sa katawan eh ibibili ko nalang ng mga librong kailangan ko sa pag-aaral. At pangatlo, masaya naman ako sa itsura ko kaya who cares? Eh dito ako masaya at komportable! I think that's what matter most.
Minsan naisip ko, dapat siguro ay tapusin ko na ang pagpapaka-martir ko. Panahon naman na siguro para ipagtanggol ko naman ang sarili ko. Panahon na para ituwid ko yung mga pagkakamali nila. Panahon na para patunayan ko sa kanilang hindi lang ako basta-basta at may ibubuga din ako bukod sa palaging perfect score ko sa mga exam namin.
Go on, call me 'nerd'. Someday, you're all gonna regret every bad things you have done to me.
REST IN PEACE NUMB NERD WENDY.
YOU DON'T MESS WITH THE BAD NERD.
Wendy Martinez
YOU ARE READING
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romance"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
