#27: Ending Lang, Walang Happy

2.5K 63 4
                                        

Ethan's POV

"You missed my order. You're so stubborn. Wala kang kwenta. Ako na lang ang gagawa ng paraan para magkita kami ng Wendy na 'yon. I am gonna ruin her name. Sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang, hindi siya magiging masaya... sila ni Ken."

"Ethan! Rehearse na tayo! Padating na daw si Wendy!"

Natauhan ako nang isigaw 'yon ni Sky mula sa pinto papuntang rooftop kung nasaan ako. Lumingon ako at binigyan ko lang siya ng isang tango kaya umalis na rin siya kaagad. Hindi ko alam kung kaya kong tignan si Wendy ngayon, hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko, hindi ko na alam kung paano ako bibitaw.

Pumunta ako kay Yvette kagabi dahil natatakot akong baka may gawin siya kay Wendy dahil hindi ko nagawa ang gusto niya. Natatakot akong baka malaman ni Wendy ang tungkol sa napag-usapan namin ni Yvette, kapag nangyari 'yon, siguradong hindi niya ako mapapatawad.

Yumuko ako at pumikit ng mariin bago ko suntukin ang pader na kaharap ko. Naiinis ako sa sarili ko, isa akong talunan. Bakit pakiramdam ko ay wala akong magawa?

Hindi ko ininda ang sakit ng kamao ko dahil sa galit, walang-wala ang kirot na 'yon sa sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at bumaba na sa theater para sa rehearsal. Ito nalang... Ito na ang huli. Pagkatapos nito, lalayo na ako kay Wendy.

Sinubukan kong tanggalin ang inis na nararamdaman ko nang makita kong nagtitipon na lahat ng kasama ko sa play. Nilibot ko ng tingin ang paligid pero wala pa si Wendy, saan kaya siya nanggaling at bigla nalang siyang nawala kanina?

"Ethan, handa ka na?", Tinapik ako ni Sam sa balikat at ngumiti siya ng bahagya.

Tumango ako, "Umpisahan na natin kahit wala si Wendy. Assistant director ka, 'di ba? Asikasuhin mo na kami. Mamaya nandiyan na 'yong guests."

"Alright, sabi mo eh.", Ngumisi siya at pumalakpak ng dalawang beses para kuhanin ang atensyon ng lahat. "Get in your positions, guys, 'yong mga hindi pa kasali sa scene, sa backstage muna. Keep your scripts, memorize na natin lahat, 'di ba?"

Sinunod siya ng lahat. Nagpunta muna ako sa backstage dahil hindi pa naman ako kasali sa eksena. Mag-uumpisa na sana kami nang biglang bumukas ang pinto ng theater. Napukaw ang atensyon ng lahat doon. Sumilip ako mula sa backstage dahil sa reaksyon nilang lahat. Nagsilabasan kaming lahat ng nasa backstage at pinagmasdan ang babaeng kakapasok lang sa teatro.

"Wendy?", Ani Sam at bumaba ng stage. "What... H-How... Sinong nag-ayos sa'yo?"

Hindi pa man nakakasagot si Wendy ay may pumasok pang isa sa loob, si Ken. Alam ko nang manonood siya kaya hinanda ko ang sarili ko para magtimpi. Ayokong masira ang araw ni Wendy at ng lahat ng kasali sa play, pati na ang mga manonood.

"Saka na natin pag-usapan, Sam. Rehearse muna tayo. Sorry, ngayon lang ako.", nagmadaling kinuha ni Wendy sa bag niya ang script at saka kami nagsibalikan sa pwesto namin.

Hindi mawala ang bulungan dahil sa malaking pagbabago sa hitsura ni Wendy, may mga natuwa, may mga nainis at may mga humanga—isa na ako doon.

Naninikip ang dibdib ko sa magkakaibang dahilan, ang laking gulo ng pinasukan ko at ang masama, pwede 'yong ikapahamak ng taong mahalaga sa akin. Hindi ko maalis ang isip ko doon, puno ako ng pagsisisi.

You Don't Mess With The Bad NerdWhere stories live. Discover now