Wendy's POV
"MS.MARTINEZ, tell me what else do you want bukod sa internet, sariling paliguan, king size bed, massage chair, 65-inch smart tv at higit sa lahat, libreng pagtira mo sa kwarto ng anak ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ni wala pa akong sinasabing salita ay pinangunahan na niya ako.
"S-Sir? Sobra naman po yata 'yon. At saka paano po yung anak niyo kung biglang magbago yung isip nya at maisipan niyang biglang bumalik doon?"
Ngumisi si Mr.Harris matapos niya akong obserbahan mula ulo hanggang paa. Tumayo siya mula sa swivel chair at naupo sa table niya, nakasuporta ang isa niyang paa sa full-carpeted na sahig ng opisina niya at saka siya namulsa. "Baka naman may mai-o-offer pa ako sa iyo. Sabihin mo lang. Willing akong magbigay kahit magkano. Just give me a 'yes' dahil ayokong mapahiya sa board ng Seoul University. Or aside from all the leisure given, baka naman may iba ka pang gustong mangyari?" anito habang sinusuyod pa din ng tingin ang kabuuan ko.
Hindi naman sa pagmamaganda pero may isang bagay ang naligaw sa isipan ko, dahilan para mag-ekis ang mga braso ko sa dibdib ko. Nakita ko na 'tong mga ganitong eksena sa pelikula, ganito pala ang pakiramdam. Napailing ako at pinilit na magsalita sa kabila ng pangangatog ko sa takot.
"Sir, please, wag po. Marami po akong pangarap sa buhay." pakiusap ko sa kanya kasabay ng pag-atras ko.
Tumayo sya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Nagpatuloy naman ako sa pag-atras hanggang sa mapasandal na ako sa pinto. Gustuhin ko mang pihitin ang doorknob, hindi ko magawa dahil sa natataranta ako at hindi 'yon mahagilap ng kamay ko.
"Bakit ka ba umaatras? Hindi ka ba interesado sa sasabihin ko?" nakangisi pa ding sabi ni Mr.Harris.
"A-ano po ba yung g-gusto niyong sabihin? Sir, please, wag niyo naman akong gahasain." halos paiyak ko nang bigkas.
Nanlaki ang mga mata ni Mr. Harris, "Gahasain?" Tumalikod siya at saka humagalpak ng tawa. Nag-e-echo na nga sa buong opisina niya, medyo matagal 'yon at nang humarap siya ay namumula na ang mukha nito at naluluha na dahil sa labis na pagtawa.
Huh? Ano 'yon?
So ibig sabihin, mali ako ng akala?
TINATANONG MO PA, WENDY!? BRUHA KA!
Oo. Shit.
Napakagat ako ng labi at nagtakip ng mukha gamit ang mga palad ko.
"Nakakahiya." bulong ko sa sarili ko habang tinutuktok ang ulo ko. Alam niyo yung pakiramdam na parang gusto ko nalang na may dumating na UFO at magpa-ampon nalang sa planeta ni Kokey? Sobrang nakakahiya talaga.
Nang mahimasmasan si Mr.Harris sa kakatawa ay muli niya akong hinarap at sinabing "Yes, you're interesting... but hija, I love my wife. At hindi ako gano'n klaseng lalaki. Gusto ko lang naman sanang sabihin sa'yo na bibigyan kita ng total makeover pagkatapos ng isang buwang paglipat mo ng dorm. Kasi honestly speaking, you don't look like you're a teenager nor in your early 20's. Ibang-iba ka sa mga kabataan na nakikita ko ngayon. It's good to be simple, yes. But not too much, hija, not too much," napailing pa ito. "Kaya naman siguro parati kang nabu-bully dahil sorry for the words pero pangit at losyang ka sa paningin ng schoolmates mo."
It somehow hurt my feelings. Pinapunta ba niya ako dito para ipamukha sa akin kung gaano ako kapangit?
"Schoolmates ko nga lang ba talaga, Sir? I don't think so. Lahat ng tao. Pati kayo." seryoso at tuwid kong nasabi habang nakatingin ako sa kanya.
He chuckled and fished out something inside his tux's pocket, he handed me his card, "Tawagan mo ako kapag nakapag-isip ka na. I'm still hoping for a yes."
Kinuha ko ang card nya ng walang pag-aalinlangan, "Aalis na po ako."
"Pag-isipan mong mabuti." He also opened the door for me.
Naglakad ako palabas ng office niya, nakita ko doon si Sir Lola. Agad siyang natawa nang makita niya ako.
"Don't ask me. Yes, I eavesdropped. Sorry. Nakakatawa lang kasi talaga." paliwanag slash pang-aasar nya.
Isa pa itong manay na 'to. Talagang malapit na akong mapuno sa kanilang lahat!
"Shall we go?," pagyayaya niya sa akin matapos magpaalam kay Mr.Harris.
Hindi ako tumango o sumagot dahil sa pagkayamot ko. Naglakad ako at nilagpasan si Sir Lola bitbit pa din yung card ni Mr.Harris.
"Ay, imbyerna ang lola mo." bulong ni Sir habang nakasunod sa akin.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang gulo.
Suddenly, I found myself returning the card to Mr.Harris.
"I'm sorry, Sir, but I don't need this anymore. Pumapayag na ako sa gusto niyong mangyari."
My two Sirs, they're in a bit shock. Siguro dahil hindi nila inakalang gagawin ko 'yon. Kung sabagay, maski ako ay naguguluhan din sa sarili ko.
Pagkasabi ko no'n ay agad naman akong kinamayan ni Mr.Harris, "Thank you for your consideration, Ms.Martinez. You can move in to my son's room any time now. Keep my card and call me whenever you want to ask something." At binalik niya sa akin yung card.
"Great. We're settled! Halika na, Wendy. Mr.Harris is a busy person, I'm sure he still has a lot of appointments to catch," hinila na ako ni Sir Lola dahil para akong nilubayan ng kaluluwa ko, "See you next time, Sir."
"Have a nice day, you two." sabi nya bago tuluyang isara ang pinto ng opisina niya.
Excited si Sir Lola habang palabas kami ng building, salita siya ng salita pero lahat ng sinasabi niya, pasok sa isang tenga ko, labas sa kabila.
Lumilipad ang isip ko. I started jumping into conclusions. Nagpe-predict na ako ng disaster na mangyayari sa akin sa boys' dorm.
All I could say to myself is.. Good luck.
Lord, guide me please.
Mamaaaaaa!!!!!
ITUTULOY...
DU LIEST GERADE
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romantik"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
