Ken's POV
I've been staring at myself in the mirror. Paano ako makakalabas ng walang nakakakilala sa akin? Isa pa 'to sa mga pinoproblema ko, I need to do something, kung hindi ko lang naman kailangan sumama, hindi na ako sasama kaya lang marami akong naiwanan na mga gamit ko sa States na kailangan kong bilhin.
"Ken, matagal ka pa ba dyan?" As expected, kinakatok na ako ni Nerdy girl, "Halos isang oras ka na diyan."
"Can't you wait?" damn, I really don't know what to do.
"Mauuna na ako lumabas. Magkita nalang tayo sa convenience store sa tapat ng university."
What?! Iiwanan niya ko?
Agad akong lumabas sa banyo, not minding her innocence, I just wrapped a towel around my waist, "Sandali!"
"Oh. Tagal mo naman maligo."
Pansin kong diretso lang sa mukha ko yung tingin niya.
However, I like it when girls go crazy over my body.
In fact, marami nang nag-offer sa akin para mag-model, sadyang ayoko lang talaga.
Pero hindi ito ang dapat iniisip ko, 'di ba? I should be thinking about what to do to escape this dorm, I mean the university, without letting other people recognize me.
"Sabi ko I need you today, di ba?"
"Oo."
"Then you shouldn't leave me behind. Hintayin mo ako dahil nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ako makakalabas ng walang nakakakilala sa akin. Or.. kung may maisa-suggest ka, feel free to spill it out."
Why am I feeling strange today?
I've never been dependent since I left my parent's house.
Pero bakit naka-depende ako sa weirdong babae na 'to?
"Sabi na eh, kaya ang tagal mo, wala kang maisip na disguise. Simple lang yan. Dun ka sa fire exit lumabas para pag labas mo, nasa field ka na kaagad. Tapos mag-hoodie, face mask at sunnies ka na lang. Tapos diretso ka lang ng lakad, wag ka magpahalata na may iniiwasan ka. At ang pinakamahalaga, wag kang didikit sa akin. Mauuna ako sa iyo sa field tapos sundan mo lang ako. Wag mo kong tatabihan o kakausapin."
I was thinking of that idea also, to be honest.
Pero... "Bakit bawal kitang samahan?"
Tumalikod na sya sa akin, "Basta. Sundin mo nalang ako." tapos naglakad na siya palabas.
There's really something on her.
I'll figure it out later.
Sa ngayon, gagawin ko nalang yung sinabi nya.
Nagbihis ako at chineck ang hallway sa labas ng kwarto ko. Di nila ako dapat makita dahil ang alam nila, si Nerdy ang nandito.
I sneak out and run through the hallway. Agad akong lumabas sa fire exit at nagmadaling bumaba papunta sa field kung saan naghihintay sa akin si Nerdy.
"Walang nakakita sa 'yo?" bulong niya.
Umiling ako, "Wala naman siguro. Tumakbo naman ako eh."
"Good. Halika na. Sumunod ka lang sakin."
Nauna na siyang maglakad. I stayed a few meters away from her gaya ng sinabi niya.
Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil natatanaw ko na yung gate palabas ng university, kaso may lumapit sa akin na dalawang lalaki.
Tinanaw ko si Nerdy at medyo malayo na siya sa akin dahil sa bilis ng lakad niya. Di yata niya naramdamang wala na ko sa likuran niya.
"You look familiar." sabi nung isang naka-basketball jersey. He sure is one of the varsities.
YOU ARE READING
You Don't Mess With The Bad Nerd
Romance"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
