[18]google search history

1.5K 44 0
                                    

Chapter
Eighteen

"Good morning!." Masayang bati ni Andrei sa dalawang mag pinsan na ang aga aga ay nag aasaran nanaman.

Napatigil silang pareho nang banggitin ni Andrei ang salitang
Goodmorning.

"Night. Anong sabi mo?."

"Sabi ko goodmorning. Ayos ba?."
Nakangiti niyang bati Kay Maddison sabay kindat.

Ilang segundong nawala sa sarili niya si maddy tyaka kumurap.

Agad na sinamaan niya ng tingin ang pinsan na mukhang gulat na gulat din sa ginawa ni andrei.

"Ui.. wala akong kinalaman diyan.. ah.." nakataas ang dalawang kamay ni ynigo, pormang parang tinutukan siya ng baril pero ang nguso lang naman ni Maddy na naka pout ang nakita niya.

"Ynigo Lee.." pinaningkitan niya pa ito ng mata.

"Oh sige na! Kasalanan ko nang tinuruan ko siyang mag computer, laging niya kasi akong kinukulit na pumunta sa national library... Eh alam mo namang Hindi ako mahilig mag basa ng mga libro.
Hindi ko din naman siya matutukan nang mabuti dahil masyado akong busy sa flowershop." Naka tatlong hakbang siya nang atras habang nagpapaliwanag.

Hinatak siya ni Maddy sa kwelyo ng kaniyang damit.

"Eh yung kindat ha? Bakit mo tinuruan kumindat Yan hah." Pabulong niyang sabi habang sumisipol sipol si Andrei na nag titimpla ng kape.

"Aba Ewan ko. Hindi ko tinuturuan Yan ng mga pa poging galawan no.. mahirap na."

"Ada. Napansin kong tila yata natulala ka sa pagkindat ko sayo? Madalas ko kasi yung makita sa mga pinapanuod Kong palabas sa telebisyon, mukhang epektibo nga siya na mag patulala ng mga babae."

"Andrei.. ano bang sinasabi mo diyan he he he.. Hindi lahat ng babae dapat mong kindatan ha? ." Napataas naman ang kilay ni ynigo sa narinig Kay maddy.

"Madalas ko ding makitang ginagawa yun ni vamp kapag kasama ka niya, ngunit Hindi ka natutulala? Bakit iba ang reaksyon mo, minsan hinhampas mo siya."

Her fake cousin started making faces to piss her off

Pinamulahan siya ng mukha sa narinig niya mula Kay Andrei.

"Marami kasing ibig sabihin yon, natutulala kami pwedeng dahil sa pagkagulat, lalo na kapag Hindi mo Gawain yun at bigla mong ginawa, at kaya naman hinahampas ko si vamp ay dahil pinapatawa niya lang ko andrei.." pag papaliwanag niya sa lalaki na para itong batang walang muwang sa mundo.

"Uh.. ganoon ba may nais pa sana akong itanong sayo eh.."

"Oops I think I have to get back to my room. Maliligo na muna ko daldalan na kayo diyan, yang si Andrei kapag nag tanong ng Isa asahan mong may isa pang kasunod yan, at pagtapos noon ay Isa pa uli."

Natatawang sabi niya tyaka lumabas ng unit Ni maddy.

"Sira ulo. Haha." Napapailing nalang siya sa sinabi ng pinsan.

"So andrei.. lalagyan muna kita ng pancake ha."

Nilagyan niya ng strawberry pancake ang plato ni andrei.

Tyaka niya Ito inayang umupo nalang.

"Ano bang itatanong mo? Sige na itanong mo na para habang kumakain tayo at Hindi pa ko busy." Ngumiti siya na hiniwa ang kaniyang pancake tyaka niya nilagyan ng paboritong whipped cream.

"Nung isang araw na puyat ako.. yung Hindi din nakatulog si ynigo.."

"Uhm.?"

Sumubo siya saka muling ibinaling ang tingin sa lalaking kaharap.

Meant For You [COMPLETED]Where stories live. Discover now