The Bangs

45 1 0
                                    

Oh sh*t! Bakit ang liwanag?! Napabalikwas ako sa pagkakahiga at nakitang nakahawi ang kurtina. At mas may maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw. Kundi si Kyouhei na ngiting ngiti. Nakakabanas! Lagi na lang siyang ganyan! Lumipas na't lahat at Linggo na, papasok na ko sa college bukas, napakaFC ng lalakeng to at laging pumapasok at nang-aasar!


"Hoy good morning!"


"Close the curtains! Or just get out of here dazzling creature!"


"Peram ng DVD mo." At akmang pupunta na siya sa lagayan ng DVD ko. Lagi na lang niya yang ginagawa!


"Don't lay a finger---" Ngumisi lang siya at tinusok yung daliri niya sa isang DVD at tuluyang kinuha. "PUT IT BACK!"


"Pahiram nga lang eh, all time favorite ko kaya si Sadako kahit ang corny na niya panoorin mehehe" Manghihiram na nga lang, iinsultuhin pa ang Sadako. The nerve!


"GIVE IT TO ME!" Akmang lalapitan ko na siya ng kumaripas siya ng takbo. Oh my gad! Hinabol ko naman siya. What a worst start of my day!


"Hoy ibinabalik ko naman yung hinihiram ko! Oh yes here's Takenaga!"



"What the he-----" Agad naman niyang pinangharang yung Takenaga na mapapasubsob papunta sakin kaya agad akong umurong. With my combat skills inapakan ko ang kaliwang balikat niya kaya napasubsob siya ng tuluyan sa sahig at buong lakas akong tumalon para dambahin ang nakakaurat na lalakeng to! Lumaki ang mata niya na makitang nasa taas ako at palaglag sa kanya.


"LINTEK!" Binilisan niya pa ang takbo pero huli na ang lahat. Gotcha! Subsob sa floor si kuya. Di niya expected na ilang beses na niyang ginawa na ipangharang yung tatlo niyang kaibigan eh napag-aralan ko na kung papaano siya mahahabol. "Aww!" Sinubukan niya pang makawala pero hinawakan ko siya ng maigi sa balikat. Medyo nabigla ako sa mga muscles dun. Mabato.. Argh! What a dangerous guy is this for someone such as me! "Uy! Ano ba! Mabigat ka! Let it go2x~~~"


Nakaupo ako sa likuran niya. The hech, mali pa ang grammar niya! Lilingon pa sana siya pero pinigilan ko to sa paghawak ko sa ulo niya. Can I have your hair?


"Aray! Yung noo ko! Taragis! Bitawan mo ko!!!! Help!!!!"


"Look what's happening here~~" Rinig kong sabi nung Ranmaru, wa ako pakels dahil busy ako sa bwst na lalakeng to.



"You two are insane!!! Makapasok na nga lang sa trabaho ko!!!" Rinig kong sigaw nung Takenaga , well pahara-hara ka kasi sa daanan.


"This is so sweet!" Mukhang nakiyusi na rin yung Yuki. Umarte pang kinikilig.



"Give me back my DVD!"


"Oo na!!! Tumayo ka lang dyan!!!"



Agad naman akong tumayo dahil kuntento na ako sa pananantsing ko sa buhok niya. Hinintay ko lang din siyang makatayo.



"That is a wrong move Sunako~~" Tinignan ko yung Ranmaru na kanina pa umaalingasaw yung gamit niyang perfume. Umalis na lang to after.


"Bye bye Sunako, see you mamaya!" At pati rin yung Yuki at umalis. Nakita kong ngumisi sakin si Kyouhei at tumakbo ng napakabilis.


"DAZZLING CREATURE!!!"



Papatayin ko na talaga siya for sure.




----




Grabe ang pasasalamat nila sa hapunan na niluto ko. Yung DVD na hiniram ni Kyouhei ay kinuha ko habang natutulog siya sa kama niya. Halos buong umaga kami naghabulan dito sa mansyon hanggang sa nilock niya ang sarili niya sa kwarto niya. Gusto ko sana sirain ang pinto pero I'm so brilliant, alam ko kung saan tinatago ang susi ng buong bahay. Minatyagan ko si Takenaga kung saan niya tinatago. Hindi ko na sinubukang tignan siya habang natutulog baka magising ko pa siya ng busitsit ng dugo sa ilong ko.


"Sunako, p-pwede ka ba makausap sa library, please?" Rinig kong sabi ni Yuki. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamatino at pinakamabait. Yung Ranmaru, ang landi magsalita lalo na pag may kausap sa phone. Si Takenaga naman, ayos naman siya pero napipikon eto agad at sasabihan akong siraulo. At ang pinakamalala ang toyo sa ulo ay si Kyouhei, KSP na, FC pa.


"Ok."


"Thank you! Gusto mo tulungan kitang maghugas?!" Kukuha na sana siya ng sponge nang pinigilan ko siya.



"N-no, just hang out with your friends."


"Ahy." Nagpout siya, hinawakan ko kaagad ang ilong ko to stop it to bleed. Argh. Why pouting?! "Sige pero next time ah!" At tuluyan na siyang umalis. Tutulong pa siya eh baka mas lalong mapatagal ang hugasan dahil dadanak na naman ang dugo sa lababo. Dagdag trabaho.


----


"You will start to go to school tomorrow. So. To make you more presentable..." Nacaught off guard ako sa paglapit sakin ni Takenaga. Medyo tan ang balat neto, at bumagay naman sa napakaitim at bagsak na buhok. May dala siyang gunting at alam ko na ang binabalak nila. Inilapit niya pa ang mukha niya sakin, langhap ko ang wooden scent niyang pabango. Sinadya kong itama ang nosebleed ko sa mukha niya. Binigyan lang siya ni Ranmaru ng pamunas at lumayo upang linisin ang mukha niya.



"Oh please young lady, show us your angelic face of yours! Darling!" At umikot ikot lang siya sa harap ko na akala nagbaballet, agad naman siyang tinulak palayo ni Kyouhei na napabagsak kay Yuki.


"Are you being jealous again Kyouhei?!"


"Oh? AHAHAHAHA!"


"The f*ck are you laughing?!"



"Please Sunako let us cut your bangs na!" Lumapit naman sakin si Yuki with gunting, nang may humawak sa kanang balikat ko, si Takenaga.



"It won't hurt, we promise!"

"Yes sweety, you could close your eyes and everything will be alright" At nasa may kaliwa ko na pala si Ranmaru na nakahawak din sa balikat ko. Oh no. Oh no. Oh no. Masyadong nakakasilaw! Maliwanag! Isang fountain of nosebleed ang bumuhos sa mga mukha nila.


"I don't want to! Let my bangs alone!"




Nang biglang dumamba sakin si Kyouhei, oh my gad!!! Anong lakas ng toyo sa ulo neto!!!



"Gusto mo nang santong paspasan ahh..."


"GET OFF MEEEEE!!!" Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya at pagkakadagan sakin. May hawak siyang goma na nilalaro nang hintuturo at thumb niya.  Ngumingisi siya sa success niya. Yung tatlo naman eh nakatingin lang samin with concern. Gash! Tulungan niyo ko dito!


"Okey... here we go baby..." Yuck! Yuck! Yuck! Hindi sa kanya bagay magsalita ng english at baby! Hindi niya matatali ang bangs ko! There is no way!


"W-woah..! G-gaahh! Anong!" Nagsimula kaming umandar. Dahil sa combat skills ko, ginamit ko ang pagpadyak ko para gumalaw ako at parang naging sasakyan. "Well well well! Wala yan sakin!!!!"  Pinilit niya pa ring itali ang bangs ko at pinanghaharang at pinagpapalo ko lang yung kamay na lumalapit sa mukha ko.



"This is what you call erotic..."


"Erm. Erotic? So, they are being romantic?"



"No, look how Kyouhei's is on Sunako. That's what erotic means"


"Well, Ranmaru, I think no. They are totally insane."



"Eto na ba ang simula nang makulay nilang pag-ibig?"



"Then they are the most ridiculous couple that I've seen."




Kwentuhan lang ng kwentuhan ang tatlo habang sinunsundan kami. Eh kung tinutulungan na nila ako at palayasin ang lalakeng to sa ibabaw ko. He's a guy, my gad, at ang bigat niya! Nagpaikot ikot lang kami sa bahay at sumasakit na ang likod ko kakapadulas neto nang may tumama sa ulo ko na parang cabinet at pumuti ang paligid. Gash! Flour! We're in the kitchen na! Magkakabukol pa ata ako.



"Oops. Wala akong kinalaman dyaan.."


"Stand up, you stupid! Ano ba kasing kalokohan to huh Kyouhei?!" Mukhang hinila siya ni Takenaga dahil nawala na ang bigat niya. Umupo naman ako agad at ang dami ko atang nahigop na harina at ubo ako ng ubo.



"Eh ang we-weak niyo kasi at di niyo magupit yung bangs nyan! Wow! Look, how amazing I am! Natali ko ang ----" Napahinto si Kyouhei. Lumiwanag ang paningin ko dahil sa linaw nang sahig at di ko namalayang tumingin ako sa apat. O... EM... JI...


Nakatingin lang sila sakin at nakatanga. Di ako makapaniwala na ang tulad nila ang kasama ko sa bahay... Napakaganda nila... Yuki kissable lips, Ranmaru crimson hair, Takenaga piercing black eyes. Lalo na si Kyouhei, his eyes, how blue it is, contrasting his golden blonde hair. He's like a mannequin, a handsome doll. Gusto kong gawing collection ang mga mata niyang yan. At gawing wig kay Hiroshi ang buhok niyang malaginto. Sh*t. Kung nakikita ko to? Eh di... Hinawakan ko ang bangs ko, MY GAD! NATALI NIYA!



"Oh no!" Dali-dali kong kinuha yung basahan sa may tabi at agad pinunas sa mukha ko. "You've seen my face! Oh my gad!" Maiiyak pa ata ako sa nangyayari. Matagal ko tong hindi ipinakita sa tao. At wala na, nakita na nila to.


"W-wait... it's not bad naman Sunako eh, actually it's bea---" Tumingin ako kay Ranmaru. Anong not bad?! Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. And I hate it. I expected it pero masakit pa rin. Nakita kong walang emosyon sa mukha ni Kyouhei. Kasalanan niya to. Agad akong tumayo at dumiretso sa kwarto ko.



Nakarating din sa kwarto ko. Tinapon ko ng bonggang bongga yung goma. Na para bang ibinuhos ko ang galit ko doon. Walang hiya talaga! Walang hiya ang Kyouhei na yun! Nanginginig ako kaya napaupo ako sa sahig. Ganoong klase ang mga mukha nila! Ganoong level?! Paano pa ako mabubuhay dito ng matagal?! Mga artista ba sila huh?! Galing hollywood?! Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko. This is insanity. They are f*cking handsome! Walang pangit na anggulo, wala! Oh sheesh, kumalma ka Sunako, kalma. Tao sila. Tao lang sila. Galing lang hollywood, kamag-anak nila Tom Cruise at Leonardo di Caprio. Isang milyong paligo lang ang lamang nila sa mga nakilala kong gwapo nung high school ako.


"HIROSHIIIIIIIII!!! WHAT ON EARTH AM I GOING TO DO WITH THEM?!"




Kailangan ko silang mapatay. Lalo na ang Kyouhei Takano na yan. Itatali ko siya sa upuan at...


Sunako Imagination
(D*mn, let me go pleeeease..." Kyouhei groaned with his smexy voice.

May dala akong latigo. He is only wearing a very tight slocks that gives me the define muscle under it.

Ngumisi siya.

"You can taste me before you kill me, baby...")



T*ngna pati sa imagination ang gwapo niya. Tuluyan na nagkaroon ng fountain ang ilong ko ng dugo at nawalan ako ng malay. He is the death of mine...



----



Narinig ko ang tili ng isang babae at mukhang nasaksak ito dahil tumigil. Wait, nakaopen ang t.v.? Tinignan ko nga ang t.v. at ito'y bukas.


"Oh gising ka na Ms.Nosebleed."



What? What?! That voice! What?! Agad akong napabangon at tama nga ako, nakaupo ng prente ang lalakeng to habang kumakain ng popcorn. Nagbalik na ang dim sight ko dahil sa bangs ko.


"Nakakadiri lang yung baha ng dugo dito. Ano ba yang ilong mo? May gripo?"


Di ko lang siya pinansin at kinuha kaagad ang popcorn na nilalamutak niya. Eh akin to eh!


"Hoy! Kumakain ako eh!"


Aagawin pa sana niya yung popcorn pero nilayo ko.


"This is mine! You thief!"



Ngumuso siya. Gawd. Umiwas agad ako ng tingin. Di pa ko nakakarecover sa major nosebleed na nangyari sakin kanina lang.


"Tch. Damot. Eh di wag."


Kinain ko na lang ang popcorn at nakinood. Teka nasa kalagitnaan na to ng palabas ah. So kanina pa ako walang malay? At saka ano bang ginagawa nyan dito?


"Di naman pala pangit."


Nagtaka ako sa sinabi niya, itatanong ko pa lang sana pero tumayo na siya at akmang aalis na.


"Yung uniform mo nasa kama mo na. Good night." At tuluyan na niyang isinara ang pinto. Ahhh, hinatid niya lang ang uniform ko, eh bakit inantay niya pa ako magkaulirat?



Everytime I look on his eyes, I saw a bit sadness on them but eventually it will be playful again.

Si Sunako Nakahara  (YAMATO NADESHIKO SHICHI HENGE FANFICTION)Where stories live. Discover now