Chapter 13

920 35 0
                                    

Yasushi's POV

Pakiramdam ko ay kakasayad pa lang ng aking ulo sa malambot na unan nang maalimpungatan ako sa mga kaguluhan sa aking paligid. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat hanggang sa yugyugin ako ni Azul at mapilitan akong magmulat ng aking mga mata.

"Yasushi! Bumangon ka na! Kailangan na nating makaalis dito!"

Naguluhan ako. "Ano ba yung nangyayari?"

Ngunit hindi na niya kailangang sumagot para malaman ko kung ano ang gusto niyang iparating.

Panganib.

That's the first thing that came to my mind when I heard the countless footsteps outside the door. Kaagad akong napabangon at inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim pa ang kalangitan at halos wala pang maaninag sa labas ng bahay kaya ang nakapagtataka, sino kaya ang mga tao sa labas?

Ginising ni Azul si Mich at kaagad naman itong bumangon.

We felt someone move.

"Untie me." Narinig naming sabi ni Nova.

Nagkatinginan kaming magkakasama. Hindi namin inaasahang nagkamalay na pala ito.

"Hurry! We don't have much time!"

Walang kumikilos sa kanila kaya ako na lang ang naglakas-loob na lumapit kay Nova. Aktong kakalagan ko na siya nang pigilan ako ni Mich.

"Sushi babes, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong nito. "Maaaring may gawin nanaman siyang hindi maganda!"

"Wala na tayong choice. Hindi natin siya pwedeng iwan dito." Sabi ko.

"Are you crazy?! Sinubukan niya tayong patayi--"

"Look!" Pagpuputol ni Nova sa sasabihin ni Mich. "I understand if you hate me for what I did but it's not the time to argue! You can hate me all you want later but right now, you must untie me! I promise I wont hurt any of you."

Hindi ko na hinintay magsalita ang aking mga kasama at sinimulang kalagan si Nova pero sobrang komplikado ng pagkakatali sa kanya. Dagdag pa sa pressure ang dilim kaya hindi ko masyadong maaninang ang pagkakatali dito.

"Kukuha ako ng kutsilyo." Sabi ni Azul.

"Get everything that we might need like food and water. Quickly!" Utos ni Nova sa mga ito.

Kaagad namang sumunod si Mich at nagpunta sa kusina. Inabot sa akin ni Azul ang kutsilyo at kaagad ko itong ginamit para putulin ang tali kay Nova. Nagmamadali naman itong bumalik sa kusina para tulungan si Mich.

My blood ran cold when three heavy knocks where heard on the door. Napahinto kami sa aming mga ginagawa.

"Hello? Is there anyone in there?" Sabi ng isang babae sa labas ng pintuan. Nakakatakot ang boses nito.

Tinapik ni Nova ang braso ko para magising ako sa aking pagkatulala.

"Don't answer. Ignore it!" Bulong sa amin nito.

Nagpatuloy ang pagkatok sa pintuan.

"Azul bilisan natin!" Sigaw ni Akki.

Nang matanggal na namin ang tali kay Nova ay kaagad itong tumayo at minasahe ang mga kamay. Kinapkap nito ang sarili na parang may hinahanap. Tumingin ito kay Azul. Palakas ng palakas ang katok sa pintuan.

"Asan ang mga baril ko tsaka yung mga bala ko?" Tanong nito.

"U-Uhm... Nasa kwarto ko sa taas." Sagot ni Azul.

Tumango ito. "I'll get them."

Papanik na sana si Nova nang biglang may sumipa sa pintuan ng bahay at tuluyan itong nabuksan. The door hitting the wall will a loud bang. Napatili si Mich. Nagliwanang ang buong bahay dahil sa mga flashlights na gamit ng mga taong armado. They were big guys in military outfits at may hawak-hawak ang mga ito ng baril. Ang dami nila! Probably around twenty men.

No Name (COMPLETED) #Wattys2017 #PeopleChoiceFYWC2017Where stories live. Discover now