Chapter 9

1.1K 49 3
                                    

Yasushi's POV

"What the hell is that guy thinking?!" Inis na sabi ni Nova habang naglalakad.

"Di ba sabi mo hihingi tayo ng tulong kay Azul? Eh bakit umalis tayo kaagad doon?" Tanong ko.

Natahimik ito panandalian.

"I don't trust your friend." Seryosong sabi nito. "Meron siyang tinatagong sikreto and I don't like it. I think he knows more than he claims to be."

Napakunot ang aking noo. "So pinagkakatiwalaan mo ko?"

Tinignan ako nito ng matalim. "Don't flatter yourself. I don't trust anyone and I'll still kill you once na may ikinilos kang kakwestyonable."

Napalunok ako sa kaba.

"G-Grabe hindi na siya mabiro." Sabi ko. "Pero mas gusto kita ngayon kesa sa dati mong ikinikilos."

Natawa ito.

"Bakit?" Tanong nito at napangiti. "You actually like it when I put a gun at the back of your head and threaten to make it explode? Masokista ka ba?"

"G-Grabe naman! Ang gusto ko lang i-point out is that you seem more human this way, you know?" Sabi ko. "Kagaya niyan ngumingiti ka at tumatawa unlike dati. Sa totoo lang, ngayon nga lang kita narinig magsalita ng ganito katagal. Madaldal ka pala. In a good way."

Biglang nawala ang ngiti sa labi nito. "Don't get used to it. Masyado yatang napapanatag ang loob mo sa akin, lilinawin ko lang, we are not friends. Got it?"

Napasimangot ako. "Oo na. Oo na."

Huminto ako sa daan dahil magkaibang direksyon na yung mga bahay namin. Nova is still in a foul mood because of the mermaid thing which got me thinking if they really exist. Nadala lang ba ako ng feelings ko kanina o sadyang nababaliw na din ako kagaya ni Nova?

Hihiwalay na sana ako nang biglang tawagin ako nito.

"Hoy! Where do you think you're going?" Tanong ni Nova.

"U-Uhm... Uuwi na?"

Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. "Come here you little pice of shit!! Hindi pa tapos yung lakad natin ngayon!"

Hindi ako makapaniwala. "P-Pero bakit?! I-I'm sorry I wasted your time, okay? Wala naman palang kakaibang nangyayari sa bahay ni Azul kaya utang na loob! Pakawalan mo na ko! Ipinapangako kong hindi ko ipagkakalat yung sikreto mo."

"You're not wrong. Something is definitely happening in that house." Humigpit ang pagkakaakbay nito sa akin. "But you are still coming with me."

"S-Saan ba kasi tayo pupunta?"

Napabuntong-hininga ito.

"Sa grocery. I need to explain myself to the boss." Tinignan ako nito ng masama. "Ikaw kasi eh!"

"Ako?! Bakit ako?!" Sigaw ko. "Hindi naman ako yung bumili ng sangkatutak na bala, di ba? You did this to yourself!"

"Don't fucking blame this on me! Alam mong kasalanan mo ang lahat ng 'to! Kung sumunod ka lang sa utos ko kanina eh di wala dapat tayo sa sitwasyon ngayon! It's because of your hard head that you are stuck with me wether you like it or not!"

"P-Paano kung ayoko?" Nakipagtitigan ako dito.

He shrug his shoulders.

"Ayos lang din naman." Sabi nito. "Basta ba ayos lang din sa'yo kung lalagyan ko ng butas yung noo mo."

Bigla akong nanliit. "S-Sabi ko nga pupunta tayo sa grocery eh."

Kinaladkad ako nito papunta kila boss Bart. Nagsisimula na ulit dumilim ang buong paligid at nagsisilitawan nanaman ang mga bituin. Nang makarating kami sa bayan ay napansin naming maraming sasakyang pangmilitar sa mga kalye. Naglipana rin ang mga sundalo sa kung saan-saan as if hindi pa sapat na may mga coast guard sa dagat.

No Name (COMPLETED) #Wattys2017 #PeopleChoiceFYWC2017Where stories live. Discover now