XLV

6.5K 274 73
                                    


XLV

*********

'Zoey.' Nag-aalalang tawag ni Stanley.

'Isara mo ang pinto. Wag ka munang lumapit sa akin please.' Pakiusap ni Zoey.

Ramdam ni Stanley ang kagustuhan ni Zoey na mag-isa. Wala na syang nagawa kundi isara ang pinto at maglakad na lang pabalik sa pandalawahang sofa na malapit sa kama. Kinuyumos nya ang mukha gamit ang dalawang kamay at itinungo ang ulo habang hinihintay makalabas si Zoey.

'Zoey.' Agad na salubong nya sa kalalabas pa lamang na Zoey matapos ang tila kalahating oras nyang paghihintay.

Napansin ni Stanley ang tila hindi pagkaayos ng itsura ng dalaga. He stared at her doe eyes and noticed that both were bloodshot. Naka-robe ito at hawak ang cellphone na parang nababad sa tubig.

'Ano bang nangyayari?' Tanong muli ni Stanley.

'Acid reflux.' Paliwanag ni Zoey. 'Normal lang 'to sa akin, don't worry too much.' Saad nya bago ito tumungo sa kanyang bagahe. Hinila nya iyon mula sa sulok na kinalalagyan nito at binuksan. Lumuhod sya pagkatapos saka nagsimulang halungkatin ang laman nito.

'May gamot ka ba na dala? Gusto mo hanapan kita ng gamot dyan? Baka meron dun sa..' Aligagang sambit ni Stanley matapos lapitan si Zoey na abala naman sa paghahanap.

Hindi maaninag ng binata kung ano ang nais na makita ni Zoey.

'I have my meds. Thanks.' Tila walang ganang sagot naman ni Zoey habang patuloy pa rin sa ginagawa.

'Sigurado ka ba? Baka masama ang pakiramdam mo.' Hinawakan nya ang balikat ng dalaga na agad namang pinalis ito.

'OK NGA LANG AKO STANLEY. OK LANG AKO.'

He stepped back, hindi makapaniwala sa inasal ng dalaga.

'Zoey, mukhang hindi ka...'

'Pwede ba, wag mo muna ako pakealaman?!' Tumataas na ang boses nito bago muling ibinaling ang atensyon sa maleta. 'Wag kang magulo dyan. May hinahanap ako.'

'Ano ba kasing hinahanap mo?' Muling nilapitan ni Stanley si Zoey saka lumuhod sa tabi nito para tulungan syang maghalungkat sa maleta nya. 'Tulungan na kita.'

'Bwiset.' Zoey uttered under her breath which Stanley was able to catch.

'Sorry.' Agad na itinigil ni Stanley ang ginagawa bago iniunat ang katawan para makatayo.

'Tinatanong mo kung may gamot ako diba? May gamot naman ako Stanley.' Her voice was still in high pitch as she straightens up, clutching a purse in her hand.

Halata pa rin sa dalaga ang pagkairita nito.

'Nag-aalala lang naman---'

But before Stanley could finish what he's about to say, he saw how Zoey threw the purse at him. He wasn't able to catch it though as it fell with a light thud on the floor.

'Kumpleto ako sa gamot. I regularly take my meds. Wala kang dapat ipag-alala.' Sabi pa nito bago muling tumalikod kay Stanley na pinupulot naman ang bagay na hindi nya nasalo.

Tylenol.

Relafen.

Celebrex.

Rheumatrex.

He reads the labels of the white plastic bottles as he rummages into the pouch. There were other blister packets inside that is also foreign to his knowledge.

'Ano 'to?' He asks, even if he's aware that the truth would hurt him.

'I'm sick. May Lupus ako Stanley. Fuck it, I'm dying.' She spit out those words as if she's just spitting chewed gum.

The Girl in the EndWhere stories live. Discover now