XVII

13.2K 406 67
                                    


XVII.

**********

Stanley opened up his eyes through the dark. Kinapa nya ang cellphone sa may bedside table and he had to squint his eyes once he unlocked it. The brightness of the screen was too much.

'2:30 pa lang pala.' He mumbles.

For whatever reason, he went to his Camera Roll and searched for an image he stole as he was waiting inside Francis Libiran's office.

'Between you and a VS model, medyo nage-gets ko talaga si Travis kung bakit.' Bulong nya habang tinititigan ang litrato. 'You've got the face of an angel but the moves of a she-devil.'

Before he knew it, he was already caressing the screen of his phone.

'Tang ina naman Stanley John. Umayos ka.' Bawi nya sa kamay nya bago muling ini-lock ang kanyang cellphone at iniitsa ito pabalik sa bedside table. Tumayo sya para magbanyo ngunit habang naglalakad sya papalapit sa toilet ay may mga mumunting hikbi syang narinig mula sa labas ng kanyang kwarto. Marahan nyang binuksan ang pinto at sumilip sa munting siwang nito.

'Tatay.'

It was Zoey, talking to someone over her phone.

'Tatay, pasabi kay Inay, sorry.' Hikbi nito. 'Hindi ko po kayang magpakasal kay Travis.' Iling nya na parang batang ayaw gawin ang ipinapagawa ng nakatatanda. 'Alam ko pong masaya kayo para sa akin pero hindi ko po kaya.'

Suminghot singhot si Zoey habang pinapahid ang luhang patuloy lamang sa pagpatak mula sa kanyang mga mata.

'Opo.' Halos pabulong na sabi ni Zoey. 'Sorry po Tatay. Susunduin ko po kayo dyan sa ospital bukas. Uuwi na po tayo. Tatay, sorry.'

Muling isinara ni Stanley ang pinto ng kanyang kwarto at bumalik na sa kanyang kama. Sabi nga nila, you can never judge a book by its cover. Tuwing haharap si Zoey sa kanya at mag-uusap sila, isang confident na Zoey ang makikita nya. Pero sa likod pala noon ay isang tila musmos na nangangailangan pa rin ng paggabay at kalinga.

********

'Zoey.' DJ gently shook Zoey's shoulder.

The morning light was already spreading outside.

'Hm?' She stirred a bit before opening her eyes.

'Gusto mo, i-check ko yung unit mo kung andun pa si Travis?'

'Ha? Hindi.' And she quickly stood up from the couch. Nabuwal naman sya at saktong nasalo ni Stanley ang bewang nya. Parang umiikot ang paningin nya.

'Ang init mo.' Sabi ni Stanley habang kinakapa ang noo nya.

She blushed. The skin contact created a bit of tension for her.

'I mean, anong nararamdaman mo? Nilalagnat ka.' At kinapa naman ni DJ ang leeg ng dalaga. It was a bit awkward.

'Medyo nahihilo.' She said weakly before he led her back to the couch. 'Thank you.'

'Teka lang.'

Pumasok si Stanley sa kanyang kwarto at paglabas nya ay dala na nya ang wallet at cellphone nya.

'Wala kasi akong pagkain para sa may sakit dito. Bibili lang ako sa 7/11 sa baba. Bibilhan na rin kita ng gamot. Kung may naisip ka na ipabili, i-text mo lang ako.' And he showed her his phone.

'No need.' Nahihiyang sabi ni Zoey bago muling tumayo. 'I'll just go back to my unit.'

'Di pa natin sure kung wala na dun si Travis. Basta dyan ka lang. Wag ka munang umalis.' Bilin nito bago sya lumabas sa kaniyang unit.

The Girl in the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon