XVIII

12.9K 366 73
                                    


XVIII.

DISCLAIMER: Some parts of this chapter are quite sensitive. If you feel any discomfort, stop reading.

**********

'Shit.' Zoey curses as she puts her hair up into a bun again, shedding off her neighbor's clothes.

Dumirecho sya sa kanyang kwarto saka naghalungkat ng damit na pwede pa nyang maisuot. Saka lang nya naalalang halos lahat ng damit nya ay nasa unit pa ni Travis. May iniwan syang ilang pirasong damit sa bahay ng lolo at lola nya sakaling umuwi sya uli dun kaya lamang ay iilan lang talaga.

'These are all negligees.' She murmurs as she rummages into her drawers. 'Undies, bras.. Buti na lang I have shoes! Ugh!' She was throwing everything out and to the floor until she found one negligee that is not too revealing. It was a floral satin with lace trimmings and has fatter shoulder straps compared to others. 'This looks decent enough.' Sabi nya bago nagpunta sa banyo.

She turned on the heater of her shower and waited as she stripped herself off completely. Her quick shower lasted not more than 5 minutes. She had to do it fast para hindi lalong lumala ang sama ng pakiramdam nya. Kumuha sya ng tuwalya at ibinalot sa katawan nya saka binuksan ang medicine cabinet sa may bandang lababo. Kinuha nya ang tatlong canister, inilagay sa palad isa-isa ang laman nito saka sabay sabay na isinubo at nilunok. Saka lang nya naalalang walang tubig sa refrigerator nya. Ayaw man nya, pinili na lang nyang uminom ng tubig mula sa gripo ng lababo. She splashed her face with cold water after brushing her teeth. She slipped into the floral satin nightdress, her shapely thighs and buttocks very much evident. Bumuntong hininga sya habang tinitingnan ang maliliit na red rashes sa braso nya. Nang bumaling muli sya sa salamin, saka nya naalala ang naiwang hikaw nya.

Holding on the wall for support, lumabas sya ng banyo before grabbing the black bathrobe to cover what she was wearing.

********

Kalalabas pa lamang ni Stanley mula sa kusina hawak ang dalawang mug ng coffee habang si Larissa naman ay nasa dining area at inaayos sa table ang dala nyang bread and jams for breakfast. Pagkapatong pa lamang nito ng dalawang tasa sa ibabaw ng mesa, narinig nya ang katok mula sa pinto. Bumalik ang kaba sa dibdib nya.

'I'll get it.' Larissa volunteered.

'No.' Iling ni Stanley, rying hard not to panic. 'Ako na.' At nagmadali na sya papunta sa pinto. Agad syang sumilip sa peep hole. 'Babe, pakitingnan yung frittata sa oven.' Nilakasan nya ang boses matapos matuklasan kung sino ang nasa kabila ng pintuan.

'Hi.' Zoey greets him, securely wrapping her robe around her body. 'Nakalimutan ko yata yung hikaw ko uli.' Nahihiyang sabi nya.

Stanley turned to look at the back of his shoulder. No fiancee in sight.

Clear.

'Here.' Dinukot nya ang isang pares ng hikaw na nakabalot sa tissue mula sa bulsa nya at inilagay iyon sa kamay ng dalaga. Ramdam pa rin nya ang init ng palad nito. 'Ok ka lang talaga?' Nag-aalalang tanong nito.

'Yeah. Uminom na ko ng gamot. Yung damit mo, labhan ko muna before ibalik sa'yo ha.'

'Sure. Kahit ano.' Stanley smiled.

He wanted to tell her to keep it, though.

'Thank you.'

'Wait.'

Bahagyang isinara ni Stanley ang pinto saka inabot ang paper bag na nasa may counter top. Nasa loob non ang maanghang na cup noodles na binili nya mula sa convenience store kanina.

'Eto.' At ibinigay niya kay Zoey ang kinuha. 'Pag masama kasi ang pakiramdam ko, yan lagi ang kinakain ko para ma-clear yung sinus ko. Lumalabas sipon ko.' He grinned.

The Girl in the EndWhere stories live. Discover now