XXXV

7.5K 373 41
                                    


XXXV.

********

'Nay o.' Hila ni Zoey sa Lola nya papasok sa kanyang silid. 'Look what Travis bought me.' She beamed at the old lady upon showing the shelves of dolls which welcomed them once they were inside.

'Ay ang pagkarami naman nito apo, ano?' Napanganga na lamang ang matanda nang nasilayan na nya ang ipinapakita ng apo.

'Ang ganda diba Nay?' Ngiti ni Zoey bago lumapit sa isang estante at binuksan ito. 'Sabi ko kay Travis, ayaw kong tanggalin sa boxes kasi baka maluma agad.' She took one unboxed doll and put it on her grandmother's hands. 'Kaso sabi nya, How are you gonna play with them if you won't take them from their boxes?' And she grinned.

Nakita ni Zoey kung paano hinaplos ng matanda ang mala-gintong buhok ng manika. Kumuha pa sya ng isa at muling ipinakita ito sa kanyang lola.

'Maganda rin 'to Nay o.' She showed it to her and waved it in front of her face. 'Diba, eto yung gustong gusto kong manika nung bata pa ako? Yung pinangako sa akin ni Papa na uuwi nya pero umasa lang ako.' She stifled a starting sob by giggling fakely. 'Yung hindi nabigay ni Papa, yung hindi ko mabili dati, eto na lahat. Parang bumalik ako sa pagkabata Nay.'

Binitawan ng isang kamay ng kanyang lola ang manikang hawak saka inihaplos ito sa mukha ni Zoey.

'Masaya ka ba?' Tanong nito na may halong pag-aalala.

'Oo naman po Nay. Hih..' And she bit her lower lip. 'After New Year, ipapagamot na natin yang isang mata mo. Tapos birthday ni Tatay. Tapos after nitong kasal na inoorganize namin ni Jaimie, babalik na ako sa New York.'

Bakas ni Zoey ang tila rumehistrong lungkot sa mata ng kanyang Inay.

'Pero syempre kasama ko kayo.' At niyakap ni Zoey ang kanyang lola sabay pahid ng katutulo pa lamang na luha sa mga mata. 'Ikaw at si Tatay. Tapos ako. Sa America.' And she giggled yet again as she masked another sob.

'Hindi ka masaya.' Iling ng matanda bago hinawakan ang balikat ni Zoey at inilayo ito sa kanya para tingnan ang mukha nya.

'Ano ba naman Nay.' Biro nito bago sinundot ang kilikili ng lola bilang paglalambing.

'Zoey apo, hindi ko kailangan ng dalawang malinaw na mga mata para makita.'

'Sus Nay.'

'Ramdam ko dito.' At hinawakan ng matanda ang dibdib ng dalaga. 'Dyan sa puso mo, nararamdaman kong hindi ka masaya. Hindi ka nagkkwento sa amin pero alam ko. Zoey, bata ka pa lang, alam ko na pag masaya ka. Alam ko rin pag malungkot ka. Pag may problema ka. Pag may bumabagabag sa'yo. Pag galit ka. At wala dun ang nararamdaman mo sa ngayon.'

Nanatiling nakatingin si Zoey sa kanyang Lola. Pilit na pinipigil na tumulong muli ang luhang pinahid na nya kanina.

'Sobra ang lungkot mo.'

'Nay,' Iginiya ni Zoey ang lola sa kanyang kama at pinaupo ito saka nya tinabihan. 'Hindi na mahalaga kung ano pa ang nararamdaman ko. Basta okay kayo ni Tatay.'

'Magpapakasal ka na ba kay Travis?'

Humingang malalim si Zoey bago ito sumagot.

'Hindi pa naman po nya uli ako tinatanong.'

'Pero pag tinanong ka na nya uli?'

'Siguro oo. Wala namang masama dun diba, Nay? Binata sya, dalaga ako. Mahal naman po namin ang isa't isa. Tsaka isa pa, eto o. Nagsasama na nga kami diba?'

'Natatakot ako para sa'yo apo ko.' Tila basag ang boses ng matanda nang sabihin nya iyon. 'Nararamdaman kong hindi mo gusto ang mga nangyayari. Na kung may konting saya pa na natitira dyan sa puso mo, iba ang dahilan.'

The Girl in the EndWhere stories live. Discover now