Chapter 25

5.5K 325 56
                                    

"Hija!" Naging maaliwalas ang mukha ng ginang nang makita siyang pumasok.

Humalik siya sa pisngi nito ng makalapit.

"Sabi ko na nga ba! Mas gumanda ka lalo sa America. Maupo kana, maluluto na itong beef steak."

"Thanks, tita. Hmm! Ang bango po ng niluluto niyo tita. Bakit sobrang dami po yata? Nandito ba si tito?"

"Naku! Iyong tito mo. Nandoon iyon sa mga amigo niya. Syempre, alam ko naman na paborito mo ang nga ito, kaya niluto ko talaga para sa'yo." Nakangiting saad ng ginang.

"Naku! Tita. Hindi na sana kayo nag abala pa, nakakahiya naman po, I'm sure na mapapagod kayo ng husto.

"Hay, ano ka bang bata ka. Ilang taon kang nawala at hindi ko mapapalampas ang pagkakataon na maluto lahat ng paborito mo. O, siya, kain na."

She smiled at old lady. "Thank you, tita. Maupo na rin ho kayo." Umupo ang ginang kaharap niya. Dalawa lamang sila ang nasa hapag pero parang may fiesta sa dami ng handa.

Natutuwa ang ginang dahil natupad niya ang pangarap para sa sarili. At syempre hindi pinalampas ng ginang na hindi siya magkwento ng naging niya buhay sa America.

Sobrang namimiss niya ang mga luto nito at tiyak na mpapadami siya ng kain. Kailangan na naman niyang mag-diet pagkatapos ng heavy meal.

"Oh? Akala ko ba may meeting ka ngayon kaya hindi ka makaka-punta?"

Natigil ang pagnguya ni Rocky ng makita ang lampas na paningin ng ginang sa kanyang likuran. Nakarinig siya ng papalapit na yapak.

Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang pagtikhim ng bagong dating. Itinuos siya sa kina-uupuan nang lumapit ito sa ina at humalik sa pisngi.

"The meeting with my investors was cancelled today, I rescheduled it. I don't have any business to attend to and there's nothing much to do at the office so I'm here to visit you." ani Thaddeus.

Nagkasalubong ang kanilang paningin ngunit sandali lang iyon. Hinila ng binata ang upuan katabi ng ina. Dahan-dahang yumuko si Rocky at inabot ang tubig at sumimsim ng kaunti dahil sa biglaang pagkatuyo ng lalamunan.

"Oh! That's good news! Here, try this one, that's one of Rocky's favorite." pinaghain ng ginang si Thaddeus. Samantalang dama ni Rocky ang pag-iinit ng pisngi.

"Oh! Hija, kain lang nang kain. Heto pa."

Hindi niya nagawang tanggihan ang ibinigay ng ginang. Ramdam niya ang biglaang pagbigat ng paligid.

"Thanks, tita."

"Kumain ka ng mabuti. Kaunti pa lang ang nakakain mo, Tikman mo lahat ng ito. Alam ko na namimiss mo ang ganitong mga pagkain. Ibang pagkain naman kasi ang nasa ibang bansa."

Ngumiti siya at nagpasalamat sa ginang kahit na naiilang sa presensya ni Thaddeus.

"O, ikaw Thaddeus kumain ka rin ng mabuti. Naku! Ikaw puro trabaho ang ina-atupag mo. Ngayong narito na ulit si Rocky siguro naman alam mo na ang gagawin."

"Ma, nasa hapag tayo. Pwede ba mamaya na iyan. Nakakahiya kay Rocky." saway ni Thaddeus sa ina.

Nahirapan naman lumunok si Rocky. Mas lalong nag-init ang pisngi niya sa sinabi ng ginang.

Sumandok si Thaddeus ng kanin ngunit nahuli niya ito na bahagyang sumulyap sa kanya.

"Si Rocky pa ba ang hindi sanay sa akin? Saka bakit ako mahihiya, magiging manugang ko siya."

Gusto niyang lumubog sa upuan at lamunin na lamang ng lupa. Ang init ng pisngi niya para siyang ina-apoy ng lagnat.

"Ma, please, I'm here to have lunch with you."

The 15 Years Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon