Chapter 20

5.9K 250 31
                                    

"Hay, sarap! Ahhh! Ubos na, kainis!"

"Tama na 'yan, umakyat kana sa kama at matulog."

"Hmn, maaga pa." Reklamo niya, sabay kamot sa batok.

Tumba ang dalawang beer in can sa tabi niya. Nakasampak siya sa carpeted na sahig ng binata at nanonood ng basketball. Nais nga niya ibato sa t.v. ang bote ng beer, naiinis kasi siya sa kalaban ng paboritong team.

"You should sleep by now, hindi healthy ang magpuyat."

Itinaas niya ang dalawang kamay sa binata nang nakangiti. Yumuko si Thaddeus at binuhat siya na parang bata at inilagay sa gitna ng kama.

Yumapos siya sa leeg nito. Giving him small kisses on the neck which made is him shrieked.

"Stop it, Rocky."

She pouted and snapped at him.

Inayos ng binata ang posisyon niya. Kinumutan siya. Bumalik ito sa paanan at pinatay ang t.v. gano'n din ang ilaw at pinalitan ng lampshade.

Maulan sa labas at nakadagdag iyon sa lamig ng aircon. Hinila ni Rocky ang kumot hanggang sa dibdib.

Kaagad siyang yumakap kay Thaddeus nang tumabi ito sa kanya.

"Ang ginaw." She murmured. Nuzzling her nose at the crook of his armpit.

He smells good, though. So good! A sexy and manly scent.

"I'll turn off the aircon if you want to."

"Nope! A hug will do."

Gano'n nga ang ginawa ni Thaddeus. Niyakap siya ng mahigpit.

"Better?"

"So much better."

"Right." He grinned and held her much tighter. "Good night, princess."

"Good night, Thad. I love you."

Sumagot ng halik ang binata sa ibabaw ng ulo ni Rocky. Sapat na iyon para ngumiti siya bago ipikit ang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali.  Nakapikit nga siya pero hindi naman makatulog. Ayaw pa talaga siya dalawin ng antok. Dapat naghihilik na siya dahil sa dalawang beer.

"I can't sleep."

Kumawala siya sa yakap ni Thaddeus. Kinagat-kagat pa niya ang braso nito.

"That's not food, hindi ka naman mukhang gutom pero pinanggigilan mo ang braso ko at mas lalong hindi ka buntis."

"Eh, kung buntisin mo na lang kaya ako?" Bumingisngis siya kasabay ng pagkiskis ng pisngi sa dibdib nito.

Isang masamang tingin ang panandaliang ibinigay ni Thaddeus sa kanya. Tinawanan niya ito.

"Puro ka kalokohan, sleep."

"Hindi nga ako makatulog." She spread her two arms widely, though she hit him she doesn't care. "What to do to kill my time? Hindi talaga ako dalawin ng antok."

Umupo si Thaddeus. Isinandal ang likod sa head board ng kama. Pinakatitigan ang dalaga na wala yatang balak matulog.

"Why?" She settled herself to sit down. "You can sleep, you know? Don't mind me if that's what bothered you. I'm all fine, you can sleep if you want to."

Taking her hands in silent and guided her to sit on his lap, astride. Pressed her head over his chest and rubbed her spine, back and fort.

She was drumming her fingers in his while humming a song.

"I'll be leaving next week, Thad. Parang ayoko na umalis."

"Two years, isn't too long. Para sa'yo ang pag-alis mo, para sa pangarap mo. Go and make your dreams come true."

The 15 Years Age GapWhere stories live. Discover now