Chapter 3

6.4K 303 21
                                    

"Halika ka na, hija. Sumabay ka na sa amin." Paanyaya ng ina ni Thaddeus ng bumaba si Rocky.

Pinaghila naman siya ng binata ng upuan sa tabi nito.

Hmm... what a quite gentleman. Anang isip niya.

"Thanks."

"Heto, hija. Kumain ka nang kumain."

"Eh, tita hindi po ako kumakain ng kanin sa umaga. Bumabaliktad po kasi ang sikmura ko."

"Gano'n ba? Anong gusto mo kainin? At ipapaluto ko."

Umiling siya. "Magkakape na lang po ako."

"You have to eat even just a little." Sabat ni Thaddeus.

Sakto namang tumunog ang telepono at tumayo ang ina para sagutin. Tiyak kasi na isa sa mga amega iyon ng ginang.

"Ayoko." Isinandal niya ang likod sa sandalan.

Nakatulog kasi siya ulit kaya parang tinatamad siyang kumilos. Sana pala ay tumakbo na lang siya kanina kahit mag-isa lang. Pinagpawisan pa sana siya.

"Your coffee, ma'am." Untag ng katulong.

Ngumiti siya. "Salamat."

"Eat."

Natigilan siya sa akmang pag-abot ng kape nang ilapit ni Thaddeus sa bibig ang kutsarang punong-puno.

"Open your mouth."
Naibuka niya ang bibig na hindi na nag protesta pa.

"Sabado ngayon, mag-ooffice ka pa rin?"

"I have tons of work on my table."

Kinuha niya ang dulo ng necktie nito at pinaglaruan.

"Yung babae na kasama mo kahapon. Siya ba yung papakasalan mo? Ayaw mo talaga sa'kin?"

"Rocky." Nagbabanta ang boses sa malumanay na pagkasambit ni Thaddeus.

"Gusto ko lang naman malaman." Aniya sa mababang tinig.

"Finish your coffee, mali-late na ako sa opisina. Bilisan mo at ihahatid pa kita sa bahay niyo."

Binitawan niya ang necktie nito at hinarap ang kape.

"Kasing pait nang pagmamahal ko sa'yo ang lasa nito." Bulong niya na akala siguro hindi narinig ng katabi.

Nang ilapag niya ang kape kinuha iyon ni Thaddeus at tinikman.

"Wala ngang pait 'to."

She snapped him. Kinuha niya ang tasa at muling dinala sa bibig.

"Let's go kamahalan! Baka ma-late ka pa sa office mo at kasalanan ko pa."

"Bakit naka-ganyan ka nga pala?"

Tinaasan niya ng kilay si Thaddeus. Ibinuka ang kamay at umikot.

"Bakit anong masama sa suot ko?"

"If you want to jog, wear a t-shirt not a bodyfit sleeveless. Look at your cleavage, kulang na lang lumuha."

Yumuko siya para tingnan ang dibdib. Hindi naman mukhang luluwa. Natural lang dahil naka-jogging attire siya.

"Hindi naman ah! Sakto lang, syempre naka-jogging attire ako. Saka, ikaw kaya ang mag-suot ng t-shirt kapag tumakbo, tingnan natin kung hindi ka maghubad sa sobrang init."

"Let's go, ang dami mong palusot."

Umusok ang ilong niya.

"Haller! Ako? Ako pa talaga?" Paulit-ulit na turo niya sa sarili kahit ang binata ay nauna nang maglakad palabas.

The 15 Years Age GapWhere stories live. Discover now