Chapter 4

6.4K 295 37
                                    

ALA SAIS na nang gabi at naroon pa rin sa Thaddeus sa opisina. Itiniklop niya ang laptop nang biglang tumunog ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

"Rocky?" Kumunot ang noo niya sa sobrang ingay na background.

"This is not Rocky, Mr. Alvaro. This is L-Lizaaa, ang magandang kaibigan ni Rockyyyy. Paki-shundo si Rockyyyy, nandito kami sa Qwest."

Qwest?

"Lashing na lashing si Rocky!" Sigaw ng kabilang linya.

Mabilis na pinutol ni Thaddeus ang tawag. Hinablot niya ang jacket at nagmamadaling lumabas ng opisina.

Of course he knew that place. Qwest. Woman!

Nang makarating sa lugar. Kaagad siyang pumasok at hinanap ng mga mata ang dalaga. Magkahalong pag-aalala at kaba ang naramdaman niya nang makita itong nakalublob sa mesa ang ulo.

Inilang hakbang niya ang kinaroroonan ng mga ito.

"Owwwhh! You're here! Uwi mo ng maayos si Rockyyyy, broken hearted ang kaibigan ko dahil shayoo! Hmmp!"

Naiiling si Thaddeus. Lasing din ang kaibigan ni Rocky.

"I'll drop you home first."

Itinaas ng babae ang kamay sa ere.

"No need. I can manage myself. Hindi pa ako lashing! Iyang bruha na yan ang iuwi mo."

Napabuntong hininga siya ng balingan ang dalaga. Binuhat niya ito palabas ng bar.

"This is the last time na iinom ka." Kausap niya sa tulog mantika na si Rocky.

Namumula ang buong mukha nito tanda ng kalasingan. Inayos niya ito sa upuan bago umikot sa driver's seat.

"ROCKY? Jusko! Ano'ng nangyari sa batang iyan?" Salubong ng ina. Tulad niya, kababakasan ng pag-aalala ang mukha.

"Please call her dad, 'Ma. Baka nag-alala si tito na hindi umuwi si Rocky. Dito muna siya matutog."

"Oh, okay-okay! Magluluto ako ng soup para sa kanya."

"Thanks, 'Ma!"

Tumuloy sa pag-akyat si Thaddeus sa itaas. Buhat-buhat ang dalaga. Inilapag niya ito sa mismong kama.

"Hmm..."

Bumukas ang namumungay na mga mata ni Rocky. Hinawakan nito ang sikmura.

"Geez, woman!" Pinangko niya muli ito at dinala sa banyo. Saktong pagkatapat sa toilet bowl, sumuka ito ng sumuka. Pati damit ay nasukahan na rin ni Rocky.

"Look what you did to yourself! Iinom-inom ka 'tapos hindi mo naman kaya." Sermon niya habang hinahagod ang likuran nito.

"Ang tapang mong uminom, anong akala mo sa alak, tubig?"

"K-kashalanan mow! Bussswet ka kasshe!"

"And now you're cursing me? Kailan ka pa natutong magmura? Ganyan ba ang natutunan mo sa pagbabakarda?"

Humikbi ang dalaga. Hinila niya ito patungo sa lababo sa harap ng salamin.

Tinitigan niya sa salamin ang mukha ni Rocky. Ang hikbi nito ay natuloy na sa pag-iyak na mas lalo pang ikinapula ng pisngi at ilong.

Inipon niya ang nagkalat nitong buhok at hinawakan ng paitas.

"Wash your face."

Tahimik na sumunod ang dalaga. Pagkatapos ay inabutan niya ng towel. Pinasadahan niya ng tingin ang basang damit nito.

"You have to change your clothes, kukunan muna kita ng damit. Don't move, baka matumba ka." Itinali muna niya ang buhok ng dalaga sa nakitang rubber bond, bago nagmamadaling lumabas.

The 15 Years Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon