One

11 0 0
                                    

Sa underground ng pinakamatandang ospital ng bansa ay may maliit na silid kung saan ito'y tinatawag na basement.

Hindi ito basta-bastang basement para maging parking space ng mga ambulansiya at mga sasakyan, hindi rin ito basement ng mga gamit.

Ito ay basement para sa mga patay, morgue kung tawagin ng iba ngunit dahil ito'y hindi ginagamit bilang isang normal na morgue, tinatawag nalang itong basement.

Iilan lamang ang nakakaalam sa basement na ito, kasing-dami ng bilang ng mga daliri mo sa kanang kamay. At pawang sila lamang ang maaaring makalabas at makapasok sa basement na ito.

May kalakihan ang basement, kumpleto ang mga pasilidad at gamit na halos pagkakamalan na itong isang five-star hotel. Pero ang kapansin-pansin ay ang labinlimang boxes sa may gilid, lahat ng mga boxes ay nakadikit sa pader na parang aparador.

Bawat box ay perpektong square ang hugis, gawa sa metal at may pindutang pula. Sa pinakagitna ng mga boxes ay ang pinakakakaibang box, mas malaki ito kumpara sa ibang box at may nakaukit dito.

Nagbukas-sara ang mga ilaw, sa pinakagitnang kahon ay may mahinang tunog ng paghinga. Mayamaya ay bumukas ito at may lumabas---isang babae!

Wala itong kahit anong saplot, puting-puti ang balat na kasing puti ng papel---parang hindi nasisinagan ng araw ng ilang taon. Ang kanyang mga labi'y pulang-pula at ang kanyang buhok ay kasing-itim ng gabi at napakaganda na umaabot sa kanyang tagiliran.

Lumapit siya sa napakalaking wardrobe at pumasok dito, pagkalabas ay nakasuot na siya ng napakaputing bestida na umaabot hanggang sa kanyang talampakan. Umupo siya sa sofa at kinuha ang mga magazines na nakalagay sa may lamesang katabi ng sofa.

"Wala man lang bang bago? Baka hindi na naman bumisita ang mga matatandang iyon?" mahina ngunit napakalamyos na kausap niya sa sarili habang binubuklat ang fashion magazine.

"Ahhh..." buntong-hininga niya at humiga sa sofa at bumaling-baling ng higa.

"Sino na naman kayang darating ngayon?" tanong niya sa sarili at biglang tumayo.

"Sana naman gwapo," humagikgik siya habang palakad-lakad sa gilid ng sofa. "Sawang-sawa na ako sa mga pangit," tuloy pa niya at saka umismid.

Tumigil siya nang makarinig ng mga palapit na yapak. "Siguradong nasa ikalawang palapag pa sila, bakit ba napakabagal ng mga tao? Pasalamat nalang sila at kaya kong maghintay."

Inubos niya ang oras sa pagpabalik-balik ng lakad, maya't-maya'y tatakbo palabas ng basement at saka na naman babalik. Nang nainip na ay saka kinuha ang kanyang mga brushes sa lalagyan, inayos ang kanyang canvass at umupo sa harap nito.

"Ano naman kayang gagawin ko?" tanong niya sa sarili habang nagi-imagine ng mga bagay tulad ng araw... mga alon... at iba pa .

Malapit na siyang matapos sa kanyang ipinipinta nang lumakas ang tunog ng mga yapak. Bago bumukas ang pintuan ay pumuwesto na siya sa tapat nito.

"Susmaryosep!"

"Papatayin mo ba kami sa gulat?!" napapahingal na sabi ng matanda habang hinihimas ang bandang dibdib.

'Di naman natigil sa katatawa ang dalaga. "Hindi na kayo nasanay," tuloy pa niya.

"Sino nga pala 'yan?" pag-iiba niya ng usapan. Isang stretcher ang tulak ng dalawang matanda, nababalutan ito ng puting kumot.

"Wala pang nakakaalam," sabi ni Mang Honoraryo.

"Hindi nila matukoy kung sino ito dahil wala man lang pagkakakilanlan. Isang linggo na ito sa morgue ngunit wala talagang lead kung sino siya," sabi naman ni Mang Presipiyo.

"Iwan niyo na kami, ako na ang bahala," sabi niya sa dalawang matanda.

"Oo nga, napakalamig pa naman dine, baka kami pa'y manigas."

"Huwag niyo nga palang kakalimutang magdala ng mga babasahin, saka cellphone yung touchscreen ha?!" pahabol niya sa dalawa.

"At bakit naman kaya hindi ka nila matukoy?" kausap niya sa bangkay na nakabalot pa rin ng kumot.

Naglakad-lakad pa siya sa tabi nito, nakikipagpustahan sa sarili kung gwapo ba ito o hindi. "Base sa amoy, sa tingin ko'y panget pero sa hugis ng kanyang bangkay, parang gwapo. Teka, ano ba talaga?"

"Sige! Go ako sa panget! Tutal karaniwan namang dinadala dito ay mga panget, baka isang beses lang sa isang taon ang mapadpad ditong gwapo. Saka medyo may itsura naman yung nandito noong huli kaya panget ang pusta ko!" nakangisi niyang sabi at hinawakan ang laylayan ng kumot, unti-unti sumisilip hanggang sa may bumbunan ng bangkay.

"Parang gwapo eh! Pero ayun sa amoy, panget siya." Suminghot-singhot siya ng ilang beses upang siguraduhing tama ang pusta.

"Walang duda, panget ito." Unti-unti na naman niyang itinaas ang kumot, ngayo'y kita ang noo at matang nakapikit ng bangkay.

Muli na naman niyang ibinaba ang kumot. "Final bet, panget!" At saka niya itinaas ng tuluyan ang kumot nang biglang magsara at magbukas ang ilaw.

The Basement's Tale : Golden DaggerKde žijí příběhy. Začni objevovat