The Basement's Tale

16 2 0
                                    


Title: The Basement Tale

Genre: Fan&Rom

(I'll the name of the story this novel was inspired from right after the ending.)

---

Sumakay ka ng pampasaherong dyip at bumaba sa tapat ng building na kulay violet, malaki yan at naiiba kaya madali mo itong mapapansin.

Pagkababa mo sa harapan ng gusali ay hanapin mo ang pintuang may nakasulat na '7' sa taas. Nahanap mo na ba?

Ayan pasok ka na sa pintuan, alangan namang sa bintana diba?

May isang guard diyan pero kapag kumuha ka ng gate pass ay agad ka rin namang papapasukin-- hoy! Huwag ka munang mamangha sa ka-creepy-han ng pintuang 'yan, kumuha ka muna ng gate pass.

Okay na ba? Pasok na---dalian mo at baka mapansin pa ng guard 'yang kawirduhan mo.

May mga makakasalubong kang iilang nurses diyan pero huwag mo nalang pansinin, basta diretso ka nalang sa paglalakad.

Madilim-dilim ang daraanan at maraming pintuang nakasara.

Oy! Huwag kang pumunta sa right na hallway, dito ka sa may left. Ayan... ayan... diretso lang.

Nakita mo na ba yung pababang hagdan? Siguraduhin mong walang nakakakita sa iyo at bumaba ka na, dalian mo at baka may makapansin sa iyo.

Pagtapak mo sa pinakahuling step ay kapain mo yung switch ng ilaw sa pader. Dim man ang ilaw pero okay na yan para ilawan ang daraanan mo.

Masikip ang daraanan, saka kakaiba Ang atmospera, hindi ba?

Siyempre papunta ka sa morgue--hoy!!! Huwag kang tumakbo! Ano ba? Wala namang nakakatakot eh, madilim-dilim lang at maraming tunog ng kaluskos pero hindi ka kakainin ng mga yan.

Oo nga! Basta lumakad ka nalang para makarating ka na sa dulo.

Punasan mo nga yang pawis mo, nagmumukha kang yagit. Ayan malapit na, basta bilisan mo nalang.

Itulak mo yang mabigat na pintuan.

Nakikita mo ba yung labinlimang boxes sa pader? Lalagyan yan ng mga bangkay.

Pwede Ka ng umalis. Dali!

Umalis ka na diyan bago ka pa man maabutan nung caretaker at bago pa gumabi. Kung magpapagabi ka man diyan ay hindi kita pipigilan at nang makita mo yung nakatira sa loob ng pinakagitnang box.

Ano, aalis ka ba o hindi? Syempre dahil natatakot ka ay aalis ka. Alis na, at nang makapagsimula na ang kwento.

The Basement's Tale : Golden DaggerWhere stories live. Discover now