CHAPTER 38: Home

1.8K 70 8
                                    

A/N: Sorry at ngayon lang ako nakaupdate. Ready naman ito nung isang araw pa pero dahil sinapian ako ng katamaran at busy sa work, ngayon ko lang ito napost. Anyway, THANK YOU SO MUCH sa mga nagbabasa ng story na 'to! Kahit hindi ako nag-uupdate lagi, nakikita ko naman ang mga votes at reads sa Moon Academy. Alam kong hindi perfect ang story ko, but still, thank you for reading this. :)


--Jaquelyn—

After akong icheck ni Dr. Baron sunod sunod naman ang mga bumisita sa akin. Sila Dad, Si Kuya Jacob, Alpha Leo, Kres at si Aeron kasama ang mga mate nila Seb. Syempre hindi pumayag si Dr. Baron na sabay sabay silang papasok at tatagal sa kwarto ko. They were all given 5 minutes to see me and talk to me.

Si Eros at ang dalawang Kuya ko naman nanatili sa tabi ko dahil kahit isa sa kanila ayaw umalis sa tabi ko but my Brothers were told by Dr. Baron thay they need to be examined more about their current state kaya naman kahit labag sa kalooban nila, lumabas sila at sumunod kay Dr. Baron pero bago umalis sinabi ko sa kanila kung anong sinabi ng Moon Goddess sa akin nung tulog ako.

"She said that they can still come back..." I said while smiling.

"Who?" nagtatakang tanong ni Eros.

"The Moon Goddess..." nanlaki ang mga mata nila nang sabihin ko ito kaya medyo natawa ako "Apparently habang tulog ako ng apat na araw, I was with her. She showed and told me things..." hinarap ko naman sila Kuya at ngumiti ng matamis "Babalik kayo sa dati Kuya, okay? Just believe in her..." dinilaan nilang dalawa ang kamay ko bilang sagot bago sumunod kay Dr. Baron with their wagging tails.

Dahil tapos na ang visiting hours sabi ni Dr. Baron, kami na lang ni Eros ang natira. Buong araw hindi binitawan ni Eros ang kamay ko or umalis sa kwarto kahit na paminsan minsan may kausap siya sa mind link niya. I know that his pack members are contacting him.

"Hey..." I whispered as I gently squeeze his hand that's holding me "Okay ka lang? Ang paa mo?"

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang kamay ko "I'm fine, Jaq. I'm a son of an Alpha, I heal faster than ordinary werewolves"

I looked in his eyes and I can see how tired and worried he was for me. Naalala ko ang mga sinabi ko sa kanya para hindi siya patayin ni Edward. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak sa mga nangyari. Mabilis naman na pinunasan ni Eros ang pisngi ko.

"I-I'm sorry Eros sa mga...sinabi ko. Sorry kung nasaktan kita..."

"Sshhh...It's okay, Jaq. Please huwag kang umiiyak" sunod sunod niyang hinalikan ang kamay ko at matamis na ngumiti sa akin "Hindi ako galit sa'yo, Jaq. I was worried and scared about what you did. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo nang mga oras na 'yon. I was injured and you came running down just to save me" napapikit siya habang inaalala ang ginawa ko "So much for being the next Alpha and your mate. I-I can't even save you..."

All this time, sinisisi niya ang sarili niya. That he can't protect me or save me from Edward.

"You gave me strength, Eros..." bumitaw ako sa hawak niya and cupped his face. He opened his eyes and I looked at them "You're the reason I pushed myself to stay alive. To be strong. Please don't blame yourself, Eros. Hindi mo kasalanan ang nangyari..."

"But I'm your mate. I should be the one to save you!"

Pabiro kong sinamaan ng tingin si Eros "Are you telling me that I'm weak and need saving? That I can't even defend my self?"

Nataranta naman si Eros at hindi alam kung anong sasabihin sa akin para hindi ako magalit nang tuluyan sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang hindi matawa sa itsura niya kaya naman naguluhan siya sa reaction ko.

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon