CHAPTER 11: Under the Moon

2.6K 96 0
                                    


Kumunot naman ang noo niya ng mapagtantong ako ang nakabangga sa kanya "Why are you here? Diba dapat nasa gym ka?"

Napakagat labi naman ako dahil nahuli ako ng isang teacher sa likurang bahagi ng school.

Patay ka Jaq.

"Nagpahangin lang Sir. Hindi ko namalayan napalayo na pala ako"

"Tsk. Tsk. Papalampasin ko ito pero next time mag-ingat ka, ok? Alam mo namang nasa high alert ang buong school because of the incident last time"

"Opo sir"

"Sige, sasamahan na kita pabalik ng gym para may kasama ka" sabi pa niya at saka naunang maglakad. Sinundan ko naman siya agad.

"Saan po pala kayo galing Sir? Dapat nasa gym ka rin po, diba?"

Bumuntong hininga siya na parang pagod na pagod "You know teenage werewolf boys and their pet down below" rinig na rinig ko ang inis sa boses niya at kung anu-ano pa ang sinabi niya tungkol sa mga raging hormones.

Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko ng may mapansin ako sa di kalayuan. Sa gitna ng dilim ng gubat, may dalawang bilog na bagay ang nakatingin sa direksyon namin ni Sir Boddi. But this time, it's not crystal blue.

It was crimsom red. The color of blood.

Halos manigas ako sa kinatayuan ko ng mapagtanto kong sa akin nakatingin ang kulay dugong mga mata.

They are back!

"Ms. Velasco?" rinig na rinig ko ang boses ni Sir Boddi pero hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong umiwas ng tingin. Gusto kong tumakbo at magtago sa mga mapagmatyag na mga mata. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

'Help!'

'Run Jaq! Takbo!'

'You bloodsucker bastards!'

'Aaahhh!'

Kahit anong gawin ko, bumabalik ako sa nakaraan. Kahit anong takas ko, hindi ko magawang iligaw ang humahabol sa akin.

"Ms. Velasco!"

I tried opening my mouth to say something but no sound come out. My lips just shivered with fear. 'Please! Someone help me!' sigaw ko sa isipan ko 'Eros!'

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Isang napakalakas at abot langit na sigaw ang bumulabog sa buong lugar and broke the spell inside my head. Pareho kaming napalingon ni Sir Boddi sa dalawang building na nasa likuran namin. And before Sir Boddi could say something a long the line 'Stay here' or 'Stay behind me', I run as fast as I could.

Because I know it was Celestine who screamed like a Banshee.

And I want to run away from that crimson eye creature.

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon