CHAPTER 21: Eyewitness

1.7K 65 0
                                    

A/N: Sorry at ngayon lang. Sabi ko naman, once or twice na lang ako makakaupdate sa story na 'to. Nadouble check ko na ang chapter na ito pero if there are errors or mga bagay na naguguluhan kayo, feel free to ask me. Leave a comment or PM me :) sa mga nag-add ng story na to, salamat! Hopefully ifollow niyo ako para madedicate ko sa inyo ang ibang chapters in the near future :).

P.S: Magiging busy siguro ako next month dahil sa OJT namin pero susubukan kong mag-update! And hopefully walang problema sa OJT namin T__T. I want to graduate!

****

Chapter 21: Eyewitness

­--Jaquelyn-

"Okay lang kayo ni Eros?"

"Hmm? Ahh, okay lang kami. Ba't mo natanong, Ces?"

"Well...it's like you two are not talking to each other for a couple of days?"

"He's just busy and I don't want to disturb him. Alpha stuff..."

Hindi na ulit nangulit si Ces tungkol sa amin ni Eros, pero ramdam ko ang kakaibang tingin ni Kres at nagtatakang tingin ni Sani at Ces sa akin. One week na ang nakakalipas matapos ang kaguluhan na naging reason para sa breakdown ko. Lahat ng student na involve sa rumble pinatawag, sinermunan at pinarusahan. Well, they also interrogated them but all of them said they don't remember a thing. Basta the next thing they knew, sumabog lahat ng inis nila sa isang bagay or tao. Something just snapped inside of them.

At dahil sa gulo, nagdecide ang higher up na mas nakakabuting wag munang pauwiin ang mga students. First reason, dahil sa mga spies na nakakalat sa campus. Second reason, kapag pinauwi ang mga student, mataas ang chance na makakatago at makakatakas ang mga spies.

Ang kinakatakot nga lang ng higher up ay ang maputol ang contact namin sa labas ng campus. Kapag nangyari yun, lalo kaming mahihirapang makalabas ng Academy. We're stuck here for who knows how long.

"Si Eros, Jaq" sabay turo ni Sani sa labas corridor sa labas ng library. Napalingon naman ako at nagtama ang mga mata namin ni Eros, pero agad akong umiwas ng tingin at niligpit ang mga gamit ko.

"Tara na Kres," aya ko kay Kres na tumayo na at hindi na nagtanong pa.

"Saan kayo pupunta?" - Sky.

"May kukunin lang ako sa kwarto...bye"

Hindi ko na hinintay pa na magtanong pa sila at lumabas agad ako sa library. Nagtama ulit ang tingin namin ni Eros, na kausap ang isa sa mga bodyguard ko, pero tulad dati ako ang unang umiwas ng tingin.

Sorry Eros...

Hindi ako dumiretso sa kwarto pero sa rooftop ng West Wing Building. Si Kres lang ang kasama ko at ang ibang bodyguard naman sa may hagdan na. For this past few days, dito ako sa rooftop nagtatago at nagbabasa ng mga librong nahahanap ko at si Kres lang sa mga bantay ko ang hinahayaan kong samahan ako.

"Hanggang kailan mo siya iiwasan?" tanong agad ni Earl na biglang sumulpot kung saan.

Well, si Kres at Earl lang ang hindi dumistansya sa akin kahit madalas sinusingitan ko na sila.

"None of your business.." umupo na ako sa pwesto ko at binuksan ang libro tungkol sa alitan ng mga werewolves at vampires. Ang dami ko ng nababasa na mga libro at articles pero wala pa rin nakakasagot sa mga tanong ko. Bakit ako ang habol ni Edward? Bakit kilala ako ni Edward? Kanino ako tumatakbo palayo sa panaginip ko? Kay Edward ba? Bakit?

"Kumain ka muna bago magbasa," inabot ni Kres sa akin ang isang burger at juice "Di mo ginalaw ang lunch mo kanina. At kung ayaw mong isumbong kita kay---"

Moon Academy | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon