41

3.4K 77 4
                                    

Sana's POV

"Sana kaylangan nating bumisita sa Japan." Sabi ni Umma habang kumakain kami ng umagahan.

"Bakit Umma?" Taka kong tanong sa kaniya.

Sumubo si Appa ng pagkain. "Si Lola."

"Bakit si Lola!?"

Nagtinginan naman si Umma at Appa.

"Nanghihina na daw." Malungkot na sabi ni Umma sa akin. Ni-comfort naman siya ni Appa.

Napahinto ako sa pagnguya at tumingin sa kanila. "Kaylan po tayo pupuntang Japan?"

"Sa susunod na bukas."

Nawalan naman ako ng gana sa pagkain. "Busog na po ako."

Bumalik na akong kwarto ko at humiga sa kama habang niyayakap yung plushy na binigay ni Tzuyu sa akin nung isang gabi. Naka-suot sa plushy yung t-shirt na binigay niya sa akin nung nag-swimming kami kaya kaamoy ni Tzuyu.

Napaluha ako sa sinabi nila Appa kasi close kami ni Lola. Nung bata kasi ako kapag pinapagalitan ako nila Appa at Umma kay Lola ako lumalapit si Lola din yung naging teacher ko sa lahat ng bagay. Lagi niyang tinatanong kung kamusta araw ko kaya hindi ko ma-imagine na mawala siya sa amin.

Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko yung tawag, hindi tinitignan  kung sino yung tumawag.

Hello?

Bati ko while my voice is cracking.

Hello Hon!? What happen? Why are you crying?

Tuloy-tuloy na tanong ni Tzuyu. Nag-sniff muna ako bago sumagot.

Chewy baka hindi muna ako papasok ngayon. Wag mo na akong daanan dito sa bahay.

Hindi na ako papasok. Wait me okay?

Okay.

Pinatay ko na yung tawag at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa plushy. Sinubsob ko yung mukha ko para hindi ako marinig nila Appa.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa matuyo lalamunan ko kakaiyak ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. Hindi ko tinignan kung sino ang pumasok at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Hon." Tawag sa akin ng malambing na boses.

Inangat ko ang mukha ko at nakita kong si Tzuyu pala ang pumasok sa kwarto ko.

Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng 'Hon'.

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Inayos niya ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit.

Mas lalo naman akong humagulgol sa pag-iyak ng niyakap niya ako. Nilagay ko sa gilid yung plushy at sinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Tzuyu.

"Why are you crying?" Tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko.

"Ka-kaylangan n-naming bumisita ng Japan." Utal-utal kong sabi sa kanya. "Kasi n-nanghihina na daw si Lola."

Hinawakan ni Tzuyu yung mukha ko habang pinupunasan ang luha ko.

"It's okay Hon." Comfort sa akin ni Tzuyu. "You know na lalaban ang Lola mo right?"

"Pero paano kapag nawala siya?"

"Maybe she'll gone but she will remain in your heart." Sagot niya at hinalikan ako sa noo. "Kaylan ba ang punta niyo sa Japan?"

"Susunod na bukas." Sagot ko sa kanya habang humihikbi. "Mamimiss kita."

"Me too Hon."

"Don't leave me Tzuyu please." Desperate kong sabi sa kanya habang tinitignan siya.

Hinalikan niya ako sa labi. "Yes Hon."

Nahiga siya sa kama ko at ako naman ay dumapa sa kanya at siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Wag ka ng umiyak Hon." Bulong niya sa akin habang sinusuklay ang buhok ko. "Nasasaktan ako kapag umiiyak ka."

Tumango lang ako sa kanya at siniksik ang sarili ko sa kanya na parang doon naka-dipende ang buhay ko.

"You want to go outside Hon?" Tanong sa akin ni Tzuyu.

"Hmmm." Sagot ko.

Binuhat niya ako palabas ng kwarto at nag-paalam kayla Umma. Hindi na nag-tanong si Umma sa amin. Pinasok na niya ako sa kotse at nag-maneho. Tahimik lang akong naka-upo habang siya ay nag-da-drive at hawak-hawak ang kamay ko.

Mga ilang minuto lang ay huminto na kami at pinag-buksan niya ako ng pinto, napansin kong nasa taas kami ng cliff na nakikita yung buong city. Natulala ako kasi sobrang ganda ng view.

"Do you like it?" Tanong sa akin ni Tzuyu.

"No." Sagot ko sa kanya. "I love it."

Napangiti siya sa sinagot ko at hinila ako sa ilalim ng puno. Naupo kami sa ugat ng puno habang naka-sandal ako sa kanya at magka-hawak ang kamay.

"Smile na Hon please?" Pa-cute niyang sabi habang pino-form yung labi ko para ngumiti.

Napangiti naman ako sa ginawa niya at hinalikan siya sa labi.

"Don't be sad okay?" Sabi niya. "Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo."

Tumango lang ako sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Matagal din kaming nag-yakapan at napag-desisyunang kumain ng tanghalian.

Pumunta na kaming restaurant at um-order ng pagkain.

"Bago ka umalis papuntang Japan Hon gagawa tayo ng madaming memories okay?"

"Okay." Sagot ko sa kanya.

Sinubuan niya ako ng pagkain at kinuha yung phone niya sa bulsa niya. Tinutok niya ang front camera niya sa amin kaya ngumiti na kami sa camera.

Tinignan niya ang picture namin habang naka-ngiti at binulsa na ulit ang phone niya.

"I'm done." Sabi ko ng malunok ko ang pagkain sa bunganga ko.

Pinunasan niya ang labi ko at umalis na kaming restaurant. Pumunta kaming park malapit sa bahay.

"Wait me here okay?" Sabi ni Tzuyu at pina-upo ako sa bench.

Pagkabalik niya may hawak na siyang ice cream at naupo sa tabi ko habang inaabot ang ice cream.

Kinuha ko naman yun at kinain. Naka-upo lang kami sa bench ng tahimik pero hindi naman awkward.

"Hindi ako sanay na tahimik ka Hon."

"Bakit naman?"

"Mas gusto ko pa yung nag-susungit ka kaysa ganito."

Natawa naman ako sa kanya at hinalikan siya sa labi ng matagal.

"Lasang vanilla Hon." Tawa niyang sabi.

Pinalo ko siya sa balikat at nag-usap habang nagtatawanan.

Buti na lang talaga kasama ko siya. :3

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon