2

12.1K 246 63
                                    

Sana's POV

"Enjoy this night guys! Iwan ko na muna sa inyo tong mga batang to." Sabi ni Nayeon-unnie at umalis nanaman.

"Lipat tayo sa table na yun." Suhestyon ni Jihyo habang naka-turo sa mahabang table.

Tumango naman kaming lahat at naupo na sa table na tinuro ni Jihyo. Katabi ko namang umupo si Tzuyu at sa kabilang side ko naman si Jihyo.

"Saan ba kayo nag-aaral?" Tanong ni Jihyo nang maka-upo kami.

"JYP University Jihyo-unnie." Sagot naman ni Dahyun.

Mag-sasalita na sana ako ng maramdaman kong hinawakan ni Tzuyu ang hita ko na para bang minamasahe ito kaya hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay ni Tzuyu.

"B-bakit hindi n-namin kayo nakikita sa school?" Utal na tanong ni Momo.

Hindi ko na masyadong ma-intindihan ang mga sinasabi nila dahil pilit ko pa ring inaalis ang kamay ni Tzuyu sa hita ko.

"May problema ba Sana-unnie?" Takang tanong ni Chaeyoung.

"W-wala. Labas muna ako." Sagot ko at dumiretso na sa labas.

Pinikit ko naman ang mga mata ko at huminga ng malalim para mawala ang kaba sa ginawa ni Tzuyu kanina.

"That was deep." Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita si Tzuyu, nilapit niya naman ang mukha niya sa mukha ko.

"Wag kang lalapit!" Banta ko sa kanya habang naka-hawak sa mukha niya.

Bigla naman niyang hinalikan ang palad ko kaya bigla kong inalis ang kamay ko sa mukha niya at nilayo naman niya ang mukha niya sa akin.

"Manyak!" Sigaw ko habang pinupunasan ang kamay ko.

"Manyak? Ako?" Nag-tatakang tanong niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya.

"I know you want it." Aroganteng sagot niya.

"Ang kapal din ng mukha mo!" Sigaw ko at akmang hahampasin siya pero.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at bumulong sa tenga ko. "Do it or I'll kiss you."

Napahinto naman ako sa sinabi niya. Narinig ko namang tumawa siya ng malakas kaya sinampal ko siya sa mukha.

"How dare--"

"Wag mo'kong ma-how dare you, how dare you diyan." Inis kong sabi habang tinuturo-turo siya.

Tinignan naman niya ako sa mata ng walang ka-emo-emosyon. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napa-atras naman ako sa ginawa niya pero habang pa-atras ako ng pa-atras palapit naman siya ng palapit sa akin.

"What are you doing?" Nag-tatakang tanong niya.

"Hindi ba obvious?! Natural lumalayo sa manyak na kagaya mo!"

"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?"

"Hahalikan ako!" Sigaw ko.

Tumawa naman siya ng sobrang lakas.

Manyak na nga baliw pa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Oh m-my god!" Nauu-utal niyang sabi habang tumatawa pa rin. "Gusto ko lang tanggalin yang muta mo."

Assumera ka talaga Sana!

Tinignan ko naman siya ng masama at tinanggal ang muta daw sa mata ko.

Kainis talaga tong Zhou na'to!

"Nakaka-inis ka! Manyak!" Sigaw ko at pumasok na sa loob ng bar at naupo sa tabi ni Jihyo.

"Nasaan si Tzuyu?" Tanong naman ni Momo.

"Malay ko!" Inis kong sagot.

"Hey Chewy saan ka galing?" Tanong ni Chaeyoung.

Umupo naman tong manyak na'to sa tabi ko. "Sa labas."

Lalo naman akong dumikit kay Jihyo.

Ayoko ngang katabi tong manyak na to!

"Bakit Sana?" Tanong ni Jihyo.

"Uwi na tayo Jihyo!" Sagot ko sa kaniya.

"Hindi ka pa nakaka-inom Sana!" Sarkastikong sabi ni Momo.

"Hatid ko na siya."

"Ayoko nga!" Lalo na kapag tong manyak na'to ang mag-hahatid sa akin.

"You sure Tzuyu?" Tanong ni Mina.

No pleaase!

"Yeah."

I'm so dead!

Aangal pa sana ako ng bigla akong hilain nitong manyak na'to palabas ng bar.

"Bitawan mo'ko!" Sigaw ko habang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"Arte."

Psssh! Ako pang maarte.

"Kyaaaah!" Ikaw ba naman buhatin ka patiwarik sinong hindi magugulat. "Ibaba mo'ko!"

"Ouch!" Sigaw niya. Pinalo ko siya ng pinalo sa likod.

Buti lang sa kanya yan.

Bigla naman niya akong binagsak sa likod ng sasakyan niya at dumiretso naman siya sa driver seat.

"Bakit ba kaylan akong buhatin!" Inis kong sabi.

"Saan bahay niyo?"

Aba't di ako pinansin!

"Ayoko ngang sabihin!"

Mamaya puntahan niya ako sa bahay tapos kidnap-in ako at rape-in.

OA na Sana -_-

"Sige. Baba na." Napatingin naman ako sa paligid at sobrang dilim. Ang dami pang puno.

"Sige na! Hatid mo na ako!" Inis kong sabi.

Bwisit!

Nang marating namin ang bahay dali-dali akong lumabas at pumasok sa bahay.

"Sana nandito ka na pala." Sabi ni Appa habang naka-upo sa sofa.

"Nakaka-inis!" Sigaw ko at naupo sa tabi ni Appa.

"Ano namang sinisigaw ng anak mo?" Takang tanong ni Umma.

"Ewan ko diyan." Kibit balikat na sagot niya.

Akala mo naman wala ako sa harap nila.

"Matutulog na po ako." Paalam ko at dumiretso na sa kwarto.

Bwisit na Zhou Tzuyu na yan! Napaka-manyak!

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon