11

5.9K 147 14
                                    

Sana's POV

Naka-sakay ako sa sasakyan ni Tzuyu papuntang school. Sinundo niya kasi ako kanina sa bahay.

Keleg!

WTF! Ginayuma ata ako nitong manyak na'to.

"Bakit ang aga mong umuwi nung isang araw?" Tanong ko kay Tzuyu.

Nag-red naman yung traffic light kaya huminto kami at hinawakan niya ang kamay ko.

Relax Sana! Crush mo lang yang may hawak sa kamay mo tsaka lagi naman niyang hinahawakan ang kamay mo.

"Bakit miss mo'ko?" Tanong naman niya at tumingin sa akin.

Tinanggal ko naman ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

Oo.

"Asa ka!"

Nag-green naman na ang ilaw at nag-drive na siya hanggang sa marating namin ang parking lot.

Humarap naman siya sa akin habang naka-tingin ng seryoso.

Hala!! O_o

Unti-unti naman siyang dumikit kaya nanlaki ang mga mata ko.

"A-anong gagawin mo?" Utal kong tanong habang pinipilit na lumayo sa kanya.

"Hmmm?" Pag-uumpisa niya. "Yan natanggal na!" Masaya niyang sabi.

Letse! Yung seatbelt lang pala . -_-

Lumabas naman siyang kotse at nag-jog papunta sa pintuan ko para pagbuksan ako ng pinto.

Ano namang nakain nito?

Lumabas naman ako sa sasakyan niya at as usual hinawakan nanaman niya ang kamay ko at hinatid ako hanggang room namin.

Syempre habang nag-lalakad kami pinag-titiginan nanaman kami habang nag-bubulungan. Nakita ko naman sila Seolhyun pero hindi sila lumapit sa amin.

Takot pala kay Tzuyu e. :P

"Dito na ako." Sabi ko naman at huminto sa tapat ng pinto.

Mag-lalakad na sana ako papasok ng room pero hinawakan niya ako sa wrist kaya napatingin nanaman ako sa kanya.

"Hon."

"Hmmmm?"

"Meron ka bang phone number?" Tanong niya sa akin.

Malamang! -_-

Tumango naman ako.

"Kunin ko." Sabi niya.

Hindi man lang nag-tanong basta inutusan lang ako.

Nakakainis talaga!

Kinuha ko naman yung phone niya at nilagay ang phone number ko.

"Thanks hon." Sabi niya at umalis na.

Nakita ko naman sila Nayeon-unnie na naka-ngiti sa akin.

Umupo naman ako sa tabi nila.

"Hingian na ng mumber." Kinikilig na sabi ni Jihyo.

Pinalo ko naman siya sa braso habang naka-ngiti.

"Kinikilig ka lang e!" Sabi naman ni Nayeon-unnie habang pinipindot-pindot ang pisngi ko.

Inirapan ko naman siya pero hindi pa rin naa-alis ang ngiti ko.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon