Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malawak na Isla.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa kumpol ng mga lalaking tila nag uusap. Ang weird.

Lahat kasi sila ay naka suit na itim at naka black na sunglasses. At nang mahawi ang kanilang kumpol. Bumungad sa aking paningin ang galit na galit na mukha ni Treven.

Namilog ang aking mata sabay talikod.

Possible kayang nakita niya ako?

Nangangamba akong kapag nakita niya akong nakasakay na sa barko ay baka pwersahan niya itong ipatigil. Alam ko ang kakayahan niya. Kaya niyang gawin ang kung ano mang nais niya. Ganun siya kaimpluwensya.

"Melarie? Bakit?" tanong ni Gigi.

Marahil ay napansin niya ang pagkatuliro ko. Di ko mapigilang di siya hatakin palayo sa kinasasadalan naming railings.

"S-si Treven..nakita ko siya."

Nangunot ang kanynang noo. Di ko pa pala na ik-kwento sakanya ang tungkol sa mga nangyari sa buhay ko. Ang mga trahedyang kinasangkutan ko at ng kambal.

"W-wala naman. Nahihiya lang ako." tanging sabi ko na lang.

Nang mapagtanto kong malayo na kami sa daungan, dun ko muling hinatak si Gigi papunta sa kinalulugaran namin kanina.

"Kwento ka naman ng naging buhay mo after highschool." biglang untag ni Gigi sa akin.

Napabuntong hininga ako sabay tango. Marahil ngayon na ang tamang panahon para mag kwento sa aking kaibigan. Tutal naman, si Gigi ang higit sa lahat---ang lubos kong pinagkakatiwalaan noon pa mang bata hanggang sa magdalaga na kami.

Biglang pumasok sa aking balintataw ang maamong mukha ni Ron.

Kung hindi lang sana siya nagsinungaling sa kin. Wala sana akong galit sakanya.

At ang ahensyang kinabibilangan ko. Tsk. Isa lang palang manggagamit. They used me to lure their prey---na walang iba kundi ang Salvatore Family. Apat na taon akong hinanda ng Agency para sa pagkakataong kanilang hinihintay at labis na pinaghandaan.

"Nagkahiwalay kayo ni Trevore? Nung 4th year?"

Tumango ako. "Oo, actually, bago tayo mag-graduate, wala na kami ni Trevore."

"Bakit?"

"Hindi mo siya lubos na maiintindihan. Ako nga rin nung una eh. Halos mabaliw ako kakaisip kung papaanong ganun." napabuntonghininga ako sabay salitng muli. "Parang dinaan ako sa hypnotismo at siyensa. Nakalimutan ko lahat, lahat-lahat. Buong akala ko noon ay naaksidente ako. Yun din ang sabi ng kapatid ko. Nagsimula ako sa wala. Nangalap ng impormasyon tungkol sa sarili ko pero wala akong nakalap."

"Bakit di mo ko nilapitan? Alam mo naman bahay ni Mommy ah?"

"Gigi, pano kita mapupuntahan? Kung maging ang maliliit na detalyeng alam ko sa mga bagay bagay ay biglang naglaho sa aking isipan. Parang lobo."

Ginagap ni Gigi ang aking mga kamay at tiningnan ako sa mga mata. "Mas mahirap pa pala ang iyong dinanas kesa sa akin."

"Sino may gawa sayo nun?" seryosong tanong ni Gigi.

"S-si Tr---"

Bigla akong napatigil nang makita ko si Treven na sakay ng speed boat.

He is standing mightily while looking at me with infuriated eyes.

Nakita niya ako!

Dali dali kong hinatak si Gigi pagitna sa nagsisiksikang pasahero.

Bagama't nalilito ay nagawa pa ring sumunod sa akin ni Gigi.

Obsession #2: The Mafia Lord's PropertyWhere stories live. Discover now