"Hell Laurette isn't invited, Manang. It's only for the girls," Pagsisinungaling ko't tumango naman siya. Tumayo na sina Aleana at iyon na ang senyales. "We'll go now," Tumayo rin si Manang at pinagmasdan ako, isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya.

"Salamat po, Manang Leonides. Balik din po kami," Ani Sari. Lumakad na kami palabas at hindi na mapigilan ang lakas ng bawat pintig ng puso ko. Sinamahan niya kami hanggang sa paglabas, nakita ko na ang isang lulan na naghihintay para sa amin.

"Sinong driver niyo?" Tinanaw ko si Manang sa narinig, nagkatinginan pa kaming tatlo at sabay-sabay pang bumaling sa direksyon ng sasakyan.

"Iyong pinsan ko, Manang. Iyong nakatira na sa amin," Mabilis na sagot naman ni Aleana. "Ihahatid niya lang po kami hanggang doon," Lumakad si Aleana at binuksan ang pinto ng backseat. "Mauuna na po kami, ang tagal po kasi ni Hurricane gumayak. Baka sobra nang nainip si Kuya." Biro niya pa.

Mahina pang natawa si Manang. "Ingat kayo at umuwi kayo bago dumilim," Hinawakan ni Sari ang braso ko at naramdaman ko pa ang marahan niyang paghila. Bumaling sa akin si Manang at tumango. "Mag-iingat ka, ha?"

"Opo," Sandali pa akong yumuko at ngumiti bago tumalikod. Pumasok ako sa backseat at sumunod si Aleana, umikot si Sari upang makaupo sa shotgun seat. "Please, turn off your phone." Utos ko. "No GPS tracking and other manipulation of bullshits,"

After they turned their cellphones off, Henry immediately started the engine. "Wala bang nagtanong na kahit sino, Henry?" Tanong ko, nakita ko ang taimtim na pag-iling niya. "Did someone wrote the plate number? May mga napansin ka ba?"

"Wala, Hurricane." Rinig kong sagot ni Henry. "We'll get there around twelve, and I already asked our helper to prepare your rooms and our lunch."

"Thanks, Henry." Mahina kong sabi.

"No pressure, Hurricane." Bawal ni Aleana at tinapik ang balikat ko. Ilang segundo lang ay tuluyan nang umandar ang aming lulan. "You just have to enlighten us, maybe you explain what happened. Kahit kaunti lang, para alam natin ang ginagawa natin."

Napatanaw ako sa labas, bumukas ang gate nang bumungad kami. Sa isang ulos lang ng hininga'y tuluyan na akong nakalaya mula sa sakop ng mansyon. Pakiramdam ko ay hindi palpak ang aming plano, walang humabol at walang pumigil. However, it's strange for me because Manang undoubtedly let me go.

"Ang bilis ba?" Mahina kong tanong, hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at agad nang nagtuloy. "Pakiramdam ko nga, natulog lang ako. Nanaginip, tapos nagising na lang dahil sinabi nilang tapos na at talagang hanggang doon na lang." I'm struggling to find the right words to make them understand what really happened, 'cause how can I ever make them comprehend things that I refused to fathom at all.

"Makikinig kami," Bulong ni Sari. I know that they'd hear me out, they will let me vent out, but I'm a bit nervous about what they are going to think about me after. But is there something to be scared of, Hurricane? They are always with you through your ups and downs. They know you, too.

"Alam niyo naman, hindi ba? Kung ano man ang mayroon kami ni Hell, nakuha lang iyon sa mabuting usapan." Tinanaw ko sila, hindi ako nakakita ng bahid ng gulat sa mukha ni Henry ngunit halatang nabigla ang dalawa't nagkatinginan pa dahil akala nila ay walang alam si Henry. "What happened last Sunday night was unexpected, or maybe it was, but only for them."

I cleared my throat as I saw them peaked at me. "Maniwala kayo o hindi, sa 'kin niyo lang maririnig ito dahil pakiwari ko ay wala silang balak na ipaalam sa lahat. Noong isang gabi lang ay pinutol na ng mga De Vera ang lahat ng ugnayan nila sa mga Laurette."

Napalingon si Sari sa amin at ibinaba pa ang suot na salamin, si Aleana ay napahawak pa sa sentido. "The reason why they don't want merging is, they were planning to take over." Isinandal ko ang balikat sa bintana't sandali pang napailing. "The Laurettes want to take over CDVH. For all I know, the arrangement was their last resort for Hell. They lied, they used their son for a good bargain."

Forever Agape [FS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon