Romantic.

Just as he imagine his honeymoon would be like.

Huminto siya sandali at mariing ipinikit ang mga mata.

He let his feet feels the water.

Kasing lamig ng tubig ang bumabalot sa kanyang puso.

Hindi nanaman niya maiwasan humiling na sana... sana...

Sana agusin na ng tubig ang anumang sakit na nararamdaman niya.

Sana hindi nalang siya umalis.

Sana pwede pang ibalik ang kahapon.

Sana hindi niya iniwan si Sabina.

Sana hindi niya sinaktan ang babaeng mahal na mahal niya.

Sana pinili niya si Sabina.

She is the most important girl for him and yet..

He left her.

Paulit ulit siyang huminga ng malalim. Sinusubukang pawiin o bawasan man lang ang bigat sa kanyang dibdib.

Naalala niya ang nakita kanina.

Nakasakay sa bus si Sabina sa likuran ang driver at katabi nito si Paul.

Hindi siya masokista pero hindi niya nagawang iiwas ang tingin sa mga ito ng biglang akbayan ni Paul si Sabina at pagkatapos halikan sa pisngi habang papaalis na ang bus.

Tila piniga ang puso niya.

The closer they get, the closer for him of losing Sabina.

Paulit ulit na tumakbo sa isip niya buong biyahe na dapat siya iyon.

Dapat siya ang may hawak kay Sabina.

Siya dapat ang katabi nito.

Siya dapat ang asawa nito.

Pinilit niyang matulog sa byahe para kahit sandali ang makalimutan ang kanyang nakita pero ang mukha ni Sabina ang nakikita niya.

Ang mga ngiti nito.

Ang mga mata nito sa tuwing titingin sa kanya.

Madaming beses na niyang sinubukan ang sarili palayain na ito.

Hayaan na si Sabina sa bagong buhay nito.

Na huwag na niyang guluhin pa ito.

But everytime he's looking at her, he going back to square one. He will start from where he begin.

'He wants her back.'

Napatigil siya sa paglalakad ng makitang nakatayo malapit sa dalampasigan ang taong palaging nasa isipan niya. Tatlong pulgada ang layo mula sa kanya.

Gaya niya kanina, nakapikit ito at dinadama ang ihip ng hangin.

At hindi niya maiwasan tumitig.

Ang buhok nito na hinahayaan na tangayin lang ng hangin.

Her face is calm and relax.

He stop himself from pulling her closer.

Sabina.

Naramdaman ata nito ang pagtitig niya kaya nagmulat ito ng mata gumawi ang paningin sa kanya.

Sa una ay nagulat ito sa pagkakakita sa kanya.

Naisip niya kung nagulat ba ito dahil hindi nito inaasahan na makita siya o nagulat ito dahil ayaw na nitong makita pa siya.

May ilang segundo din sila magkatitigan lang at walang sinuman ang nagsasalita.

I'm His Accidental WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя