CHAPTER THIRTY THREE (DARE)

6.1K 185 12
                                    

Inaya niya si Rowena na lumabas dahil weekend naman.

Gusto niyang makapaglibang naman dahil parang roller coaster ang nagdaang linggo.

Lahat ata ng maari niyang maramdaman ay naramdaman niya.

Mula sa maayos hanggang sa pagkairita. Mula sa pagngiti hanggang sa pagkatuliro. Mula sa malungkot hanggang sa pagbilis ng kanyang puso.

Habang inaayos ang hand bag napadako ang tingin niya sa natutuyong mga rosas sa gilid ng TV nila.

Napailing nalang siya sa sarili dahil hindi niya mapigilan ang mapangiti.

After few minutes ay tumawag na din si Rowena. "Mare!!" sigaw na bungad nito.

Inilayo naman niya sa tenga ang cellphone dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw nito. "Hello Rowena." sarkastiko niyang sabi.

"Malapit na ko sa condo niyo, pwede ka ng bumaba. See you Mare." at ibinaba na nito ng tawag.

After few minutes ay bumaba na din siya.

On her way out she bump into someone dahil busy siya sa phone niya. "Sorry." paumanhin niya.

Humingi din naman ng paumanhin ang nakabanggaan niya. "Sorry, I'm not looking."

Parehas silang yumoko para pulutin ang mga nagkalat na gamit ng babae na nakabungguan niya.

"I'm so mess up." bulong ng babae.

Pinulot na din niya ang susi niya na nahulog kanina saka inilagay sa bag.

Nang kapwa na sila nakatayo agad niyang binigay ang ilang gamit na pinulot niya kanina.

"Thank you so much." magiliw na sabi ng babae ng tanggapin ang mga ito.

Maganda ito at sa tantya niya ay kasing edad niya lang.

Muntik pa ulit mahulog ang ilang gamit nito mabuti na lamang at maagap siya kaya natulungan niya ulit ito para hindi na muling mahulog pa.

"Sorry, napaka clumsy ko. Thank you ulit." malambing nilang pasasalamat at nagpaalam na din sa kanya.

Napangiti naman siya. Naisip niyang may mga babae pa din pala na malalambing at mahihimbing.

Hindi katulad ng babaeng sinisigaw ngayon ang pangalan niya.

"Sabina!!!"

Lumabas na siya ng condo at sinalubong ang kaibigan.

Pagkatapos nilang maglibot at manood ng sine at magkwentuhan na para wala ng bukas ay nag aya na din siyang umuwi.

Dahil mukang walang balak si Rowena na pauwiin siya.

Dinahilan nalang niya na may dinner ni Paul para lang pakalawan siya nito.

"Keep it up Mare!  Ganyan nga, date date lang.  Chill chill. Tapos make out make out na after." kinikilig na kantyaw nito.

 "Ang dami mong alam Rowena." pinamulatan siya nito 

"Hooo!" kinurot nito ang tagiliran niya. "If I know gustong gusto mo yun. In denial ka pa. Oh mas gusto mo yung all the way na." malisyoso ditong dagdag.

Hindi siya sumagot, inirapan niya lang ito.

"OMG!!! Sabina!!! Don't tell me..... OMG!!!.. OMG!! I need air.. I need air!!!" umarter pa itong parang hindi makahinga. "Naka home base ka na ba mare?!" eksaherado nito.

Nakamata lang siya dito.

"Sh*t Mare!!!!!" hindi pa din maalis ang malisyoso nitong ngiti sa kanya. "Masarap?!"

I'm His Accidental WifeWhere stories live. Discover now