CHAPTER THIRTEEN (INTRODUCING ME)

7K 190 3
                                    

Sa labas palang ng mataas na gate ng bahay ng lolo at lola ni Paul ay mabilis na ang tibok ng puso ni Sabina.

Lalo pa itong bumibilis habang pumapasok sila.

Malaki ng bahay ng matatandang Cervantes. Ito ang ancestral house nila kung saan minana pa nila sa magulang ng lolo ni Paul. Ni-renovate na lamang ang ibang parte para ma-enhance ang disenyo ng bahay maging modern look.

Inalalayan siya Paul papuntang garden ng mansion dahil doon ginaganap ng anniversary party.

Huminto si Paul sa paglalakad ng maramdaman niyang nag aalinlangan tumuloy si Sabina.

"Nervous?" Tanong ni Paul.

Tanging tipid na ngiti lamang ang naisagot si Sabina.

"Don't worry they don't bite. Makakaalis ka dito in one piece." Biro sa kanya ni Paul.

Inirapan niya lamang ito. Nakita ng kinakabahan siya pero nakuha pa din siya nitong inisin.

The feeling is new for Sabina. Hindi ganito ang kabang naramdaman niya ng ipakilala siya si Victor sa mga magulang nito. Marahil dahil may kaya at nakakaangat sa buhay ang pamilya ni Paul.

Nagulat nalang siya ng biglang hawakan ni Paul ang kamay niya. She felt the warm of his palm. Relaxing her and make her feel protected and safe.

Nang iangat ang tingin dito nakita niyang may matamis na ngiti sa labi nito. Giving her a genuine smile. Pure and harmless.

When she calmed herself down and Paul assured her that he will not leave her side they went straight to the garden.

Pagpasok nila ay tumambad sa kanila ang mga nagtitipon na tao.

Good thing at may biniling dress para sa kanya si Paul, naisip ni Sabina dahil kung hindi ay baka lumubog na siya sa hiya . Lahat ng mga bisita ngayon sa party ay lahat nakaayos at sa malamang ay branded lahat ng suot. Lahat ng mga lalaki ay mga naka suit at ang mga babae naman ay naggagandahan sa kanilang mga kasuotan.

Simple lang ang theme ng party pero napaka elegante. Kitang kita na may mga sinabi sa buhay ang mga dumalo.

Lumapit silang dalawa sa sa grupo ng kalalakihan na nag uusap usap sa isang tabi.

Nang makalapit ay tsaka napagtanto ni Sabina na ito ang mga lalaki na nagpunta sa bahay nila nung unang araw pagkatapos ng kasal nila.

"Pare." Tapik ni Paul sa balikat ng isang kaibigan nito.

"Finally, you're here." Sabi nung Ryan, base sa pagkakatanda ni Sabina.

"The lost mighty Paul" birong sabi nung Marlon.

"And you bring your wife with you." pansin sa kanya nung Steven tsaka nagpa-cute sa kanya.

"Did they already see her?" sabi nung Greg?

"No yet, we just arrive. Haven't seen them yet." sagot ni Paul.

"Hi." simpleng bati sa kanya nung Marlon.

She smiled back. "Hello."

Bumaling ito kay Paul na may nakakalokong tingin. "Pare, What have you done to your wife? She seems tense."

"And nervous." dugtong nung Ryan.

"Relax. No one will try to harm you here." assurance sa kanya nung Greg.

Hindi pa din mapalagay si Sabina kahit na mukhang pinipilit siyang pakalmahin ng mga kaibigan ni Paul. Parang may exams siya at hindi siya nakapag-review. Ganon ang nararamdaman ni Sabina at gusto niyang sabunutan ang sarili dahil dun.

I'm His Accidental WifeWhere stories live. Discover now