CHAPTER TWENTY (FROM YOU)

6.6K 169 7
                                    

Dahil nga hindi naman galing kay Paul ang mga natatanggap niyang bulaklak ay hindi din niya ito inuuwi sa condo nito. Iniiwanan niya ito  office niya, ang iba naman ay idinadaan niya sa simbahan. Sayang kung itatapon at least kahit na papano may pinupuntahan ang mga bulaklak.

Naisip kasi ni Sabina na nakakahiya kung iuuwi niya sa condo ni Paul nang ang mga ito. Kahit sino naman sigurong lalaki maiinis kapag nagdala kang ng bulaklak sa bahay niya na hindi naman galing sa kanya.

Isa pa gagawin nalang nilang palamuti sa office nila ang mga bulaklak para naman magkaroon naman ng ibang kulay ang office nila.

Sa loob ng tatlong linggo ay twice a week nakatatanggap ng bulaklak si Sabina. Iba't ibang klase at kulay ng bulaklak. Kalakip nuon ang isang maikling note.

Hindi niya alam kung kiligin siya o kinikilabutan kung kanino galing ang mga bulaklak. Para kasing may secret admirer siya. Although may hint na siya kung kanino galing mga ito. Kailangan pa din niyang makasigurado dahil nakakahiya pag nag assume siya tapos mali naman pala.

Katulad ngayong araw na ito. Magang maga ay nakatanggap siya ulit ng white lilies.

I wish we're always together.

Napatawa nalang siya.

"Masyadong spoiled." Kunwang naiinis na sabi ni Rose.

"Bitter." Nang aasar niyang sagot.

Inirapan lang siya nito at nagpatuloy magtrabaho.

Itinabi na niya ang mga bulaklak ng biglang may bumulong sa tenga niya.

"Dapat na ba kong magselos dahil may laging nagbibigay ng bulaklak sa asawa ko?"

Dahil sa gulat ay bigla siyang napalingon dito at hindi sinasadya na magdikit ang kanilang mga labi.

Agad namang lumayo si Sabina at sumandal sa upuan para makalayo dito habang namumula ang mukha.

"A-Anong g-ginagawa mo d-dito?" Nauutal niyang tanong.

"I'm checking if you receive another flowers today, which I think its a yes." Sagot niya sabay tingin sa bulaklak na nakatabi malapit sa bag niya.

Alanganin naman siyang napangiti. Kahit naman hindi normal ang sitwasyon nila, parang nakakahiya pa din sa part ni Sabina dahil nakakatanggap siya ng bulaklak galing sa iba. Well, hindi naman sa nagtataksil siya pero siyempre respeto nalang.

"See you later." paalam lang nito tsaka tuluyan na siyang iniwan at lumabas ng office nila.

Nakahinga naman siya ng maluwag, dahil nitong mga nakaraang araw ay napapasin niyang hindi siya mapakali kapag nandiyan si Paul, marahil ay dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo.

Huminga muna siya ng malalim bago in-open ang kanyang pc para tigan ang mnga pending jobs niya. Wala naman siyang masyadong trabaho ngayon dahil natapos na niya ang mga dapat niyang tapusin, kaya nag relax muna siya ng ilang sandali sa kanyang upuan.

Sinagot lang niya ang ibang mga email about sa ibang operation na related sa department nila at pagkatapos nun ay nag ayos nalang siya ng mga files sa table niya.

She keeps herself busy para na din hindi niya iniisip ang ibang mga bagay. Hitting two birds in one stone. Nagiging productive na siya at hindi pa niya naiisip ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon. 

 She stretch her legs and look at clock. it's already 12 pm. Lunch time. Kaya naman tumayo siya at sandaling iayos ang sarili saka nagtungo sa table ni Rose.

"Lunch na. Tara." yaya niya.

"May himala ikaw ang unang nag ayang kumain. Normally ikaw ang pinakahuling tumatayo sa upuan mo." sarkastiko nitong sagot.

I'm His Accidental WifeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα