CHAPTER SIX (NEWLY WED??)

9.1K 208 2
                                    

After the wedding ay dumiretso sila sa hotel kung  saan gaganapin ang reception ng kanilang kasal.

Pagpasok nilang dalawa sa hall ay napansin agad ni Sabina na may nagbago sa mga naka disenyo. Wala na ang mga larawan nila ni Victor na nakasabit sa bawat ding ding ng reception area. Pati na din ang mga  nakalagay sa centerpiece.

Kahit ang mga Invitation ay biglang naglaho na lamang at iba na din ang disenyo ng kanilang uupuan sa harap.

Napansin din niya na may mangilan ngilan ng lalaking naka black coat and tie sa loob ng loob. Naisip na lamang ni Sabina na baka mga tauhan ng hotel.

Tinignan niya ang lalaki sa kanyang tabi na prenteng nakaupo at nagmamasid lamang. Pinag aralan niya ng buong mukha nito. Mula sa kulay itim na mga mata na kapag tumitig ay para kang hinihipnotismo, sa matangos na ilong hanggang sa mga labi na nakadagdag sa magandang feature nito.  Hindi mapagkakailang gwapo ito. Sa tantya niya ay nasa 5'8'' ang taas ng lalaki at tamang tama lamang ang built ng katawan, bagay na bagay dito ang suot nitong tuxedo. 

"Staring is rude." biglang sabi nito habang nakatuon pa din ang mga mata sa mga kumakain na bisita.

Nuon lamang napagtanto ni Sabina na nakatitig na pala sa lalaki. Agad na iniwas niya ang tingin dito habang namumula ng pisngi sa hiya.

"You can stare at me anytime you want." patuloy nito "After all, you have all the rights, my wife".

Lalo lamang namula ang kanyang pisngi pagkarinig ng tawag nito sa kanya.

"'Wag lang masyado huh? Baka matunaw naman ako." nakangiting sabi nito habang nakatingin na sa kanya.

Humarap siya dito. "Grabe huh?! Taas ng self confidence." sarkastiko niyang sagot.

Tumawa ito, dahilan upang lumataw ang dimple sa kanyang pisngi. "Wala naman akong ibang sinabi huh?! Sabi ko lang baka matunaw ako sa titig mo."

"Hindi kita tinititigan!" kaila niyang sagot. "Napatingin lang ako sayo sandali."

"Kung hindi ko nagkakamali....." huminto ito saglit at tila nag isip. "5 minutes mo kong tinititigan."

"Ano?!"

"Did I pass your standard?" matamis itong nakangiti na tila teenager na nagpapa-cute sa kanyang crush.

Gustong mainis ni Sabina  sa inaakto ng lalaki ngunit natawa siya ng palihim sa ginawa nitong pagpapa-cute sa kanya. Hinampas na lamang nito sa braso gamit ang kanyang kamay.

"Aray naman." umakto pa ito na tila malakas ang pagkakapalo niya. "Mapanakit ka pala, nagtatanong lang e."

"Ang OA huh? ang hina kaya ng hampas ko sayo."

"Kahit na, buti nalang wedding natin ngayon kundi hindi ko 'to palalampasin."

"Aba't talagang..." ipinagpatuloy lamang niya ang paghampas dito at sinamahan pa niya ng kurot.

Hindi nila namamalayan na nakukuha na pla nila ang atensyon ang mga bisita na kasalukuyang kumakain at nagsisimula na panuorin ang pamamalong ginagawa niya sa lalaki. Kung titignan ang ginagawa nilang dalawa ay tila sila naghaharutan at nakukulitan gaya ng isang normal na bagong kasal.

May mga nagsimula ng magbulungan at ang iba naman ay kinakantyawan sila.

"Hoy, newly weds, hinay hinay lang mamaya pa ang honeymoon!" 

"Ang sweet naman ng bagong kasal."

"Paul, mukang alam na mangyayari huh?! under.."

"Mukang battered husband lagay mu niyan brad."

"Magtira kayo para sa honeymoon huh?!"

I'm His Accidental WifeWhere stories live. Discover now